CHAPTER THIRTY-ONE

5.6K 91 0
                                    

PAKIRAMDAM ni Samantha ay napakabigat ng ulo niya at hindi siya makagalaw. May naaamoy rin siyang hindi kaaya-aya at nakakarinig siya ng mga lalaking nag-uusap. Dumilat si Sam at natagpuan ang sarili sa hindi pamilyar at hindi kaaya-ayang lugar. Sinubukan niyang igalaw ang mga kamay pero nakatali iyon ng marahil ay lubid. Maging ang mga paa niya ay nakatali rin.

Inilibot niya ang tingin sa paligid at wala siyang nakitang sinumang tao na naroong tila isang bodega kung nasaan siya. Ang naririnig niyang mga tinig ay nagmula sa labas ng isang pinto.

"Hoy, pakawalan n'yo ako!!!" sigaw niya.

Mayamaya ay bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalaki. Ito iyong isa sa mga lalaki na nakita niyang nagmamanman sa bahay ni Anthony. Bigla siyang sinalakay ng kaba. Pero naunang gumana ang utak niya. Hindi dapat siya nagpapakita ng takot.

"Nasaan ako? Pakawalan n'yo ako!! Isusumbong ko kayo sa pulis kapag nakalaya ako rito!!!" hiyaw niya.

Tumawa ang lalaki. "Kung magagawa mo pa 'yon."

"Wala kayong mapapala sa akin! Wala na akong mga magulang! Wala rin akong pera kaya wala akong ipangra-ransom sa 'yo!"

Tumitig ang lalaki sa kanya saka bumunghalit ng tawa. "Sino naman ang nagsabi sa 'yo na kinidnap ka namin dahil sa pera? Saka hindi ba, mayaman naman 'yong boyfriend mo?"

"Sinong—" At noon niya naisip na si Anthony ang tinutukoy nito. "Hindi siya makikipagnegosasyon sa mga tulad n'yo!!!"

"Sino naman ang nagsabi sa 'yo na makikipagnegosasyon kami?" Lumapit ang lalaki sa kanya at may maluwang na ngisi sa mukha. Labis nitong inilapit ang mukha sa kanya na ipinilig niya ang ulo pero nagbigyan lang ito ng pagkakataon na samyuin ang kanyang leeg.

Dumaan ang kilabot sa kanyang gulugod.

"Hmm... Ang bango mo naman," sabi pa ng lalaki. "Hindi naman siguro mamasamain ni Boss kung gagalawin muna kita sandali, hindi ba?"

Nanghilakbot si Samantha. "A-ano'ng gagawin mo?" Kumabog na talaga nang husto ang puso niya sa takot at kaba. Nagpa-panic niyang pilit na pinakawalan ang sarili sa pagkakatali nang magsimulang alisin ng lalaki ang pagkakabutones ng pantalon nito. Pero hindi niya magawang makawala.

Namuo na ang mga luha sa kanyang mga mata nang tuluyang maibaba ng lalaki ang pantalon nito at lumapit sa kanya.

"'Wag, Kuya, please..." pagsusumamo niya.

"O, nasaan na 'yong tapang mo kanina? Bakit bigla para kang kuting diyan?" pang-aasar pa ng lalaki. "Hindi bale, sisiguruhin ko sa 'yo na masasarapan ka rito."

Napapapikit siya nang mariin nang lumapit lalo ang mukha ng lalaki sa kanya at umangat ang kamay at humaplos sa pisngi niya pababa sa balikat niya. Nanginig siya at tuluyan nang tumulo ang kanyang mga luha.

Lord, please, tulungan po Ninyo ako!!!!

Pero hindi pa man nakaka-score ang lalaki sa kanya ay may pumasok na isa na namang lalaki.

"Uy, Gido, ano'ng ginagawa mo?" sabi ng lalaki. "Itigil mo 'yan. Lagot ka kay Bossing kapag ginalaw mo 'yan."

Umungol si Gido at tumayo. Tiningnan pa siya nang masama habang isinusuot ang pantalon. "Tsk! Akala ko pa naman matitikman ko na. Ididispatsa rin naman ni Boss 'to. Bakit ayaw niyang ipagamit muna sa akin? 'Tagal na akong hindi nakakatikim, o."

"Tumigil ka. Nandiyan si Boss sa labas. Puntahan na natin," sabi ng bagong pasok na lalaki.

Nagrereklamo pa rin si Gido nang makalabas ang dalawang lalaki.

Panay pa rin ang hikbi ni Samantha kahit naiwan na siya roon nang mag-isa. Hindi siya makapaniwala na dinaranas niya ngayon ang ganoon. Pero kahit paano ay nakahinga siya nang maluwag dahil nakaligtas siya sa amoy-luga na Gido na iyon. Pero paano kung mas malala ang boss nito? Paano kung isang lalaking pinuno ng sindikato ang boss nito? Pero sino ba kasi iyon? Ano bang kinalaman niya sa mga lalaking ito?

Wala naman siyang atraso sa mga ito—

Pero natigilan si Samantha nang maisip niya kung saan niya nakita ang dalawang lalaki.

Si Anthony!

Tiyak na nag-aalala na ito sa kanya dahil tiyak na nakita nito ang gamit niya sa labas ng bahay.

Pero hindi ito dapat sumugod doon. Hindi niya kilala kung sino ang nagpakidnap sa kanya. Tiyak na may galit iyon kay Anthony at gustong gantihan ang binata. Baka nga sa mga oras na ito ay hina-hunting na ng mga tauhan si Anthony. Baka kung mapaano si Anthony.

Dapat niya itong mabalaan. Pero paano? Kailangan niyang makaalis sa lugar na iyon.

Sinikap niyang kalagin ang pagkakatali niya pero wala talaga iyong saysay.

Naputol ang pag-iisip ni Samantha nang marinig niya ang tinig ni Gido mula sa labas ng silid.

"Oo, Boss. May malay na. Nandito siya." Pagkatapos ay dahan-dahang bumukas ang pinto.

Inihanda ni Samantha ang sarili sa pag-atake niya. At nang tuluyang bumukas ang pinto ay sinikap niyang tumayo.

Pero natigilan siya nang makita ang "Boss" na tinutukoy ng mga lalaki.

"Ikaw?!!"

MY ULTIMATE LOVE STORY (COMPLETED)Where stories live. Discover now