"WHAT do you want?" malamig na tanong ni Anthony.
Maarteng nagkibit-balikat si Sheena. "Wala naman. I just wanted to talk to you."
"Wala tayong dapat pag-usapan. Matagal nang tapos ang sa ating dalawa." Niyuko niya ang news script na nasa harap niya para may magawa siya.
Tumigas ang anyo ni Sheena pero nagawa pa rin nitong ngumiti nang matamis dahil alam nitong maraming tao sa paligid na nakatuon ang mga mata sa kanila ni Anthony. Hindi maaaring masira ang imahen nito. "Oh, yes we do. So, please, treat me some coffee naman at Starbucks."
Starbucks? Parang narinig niya kanina na doon din pupunta si Sam at Mr. Nava. Sa tingin niya ay magkakaroon siya ng dahilan ng masundan ang dalawa.
Ibinaba niya ang news script at tumindig. "Sige." Pagkatapos ay nagtuloy-tuloy na siyang lumabas ng studio nang hindi hinihintay si Sheena.
w"cs䂂
BINABASA MO ANG
MY ULTIMATE LOVE STORY (COMPLETED)
Romance"Kahit kailan, hindi naging mali ang magmahal. Maaaring magmamahal tayo ng maling tao, o magmamahal sa maling pagkakataon, pero kahit kailan ay hindi naging mali ang pagmamahal." Si Samantha ay fresh out of college at nagtapos ng MassCom. Isang TV s...