CHAPTER TEN

5.6K 104 0
                                    



"PUNYETA! Ano'ng mahirap unawain sa sinabi kong papasukin mo na ang audience!! Hindi ka ba marunong umintindi ng Tagalog? Simpleng instruction hindi mo masunod. Kung hindi pa pinapasok ni Chai ang audience, masisira na ang timeline natin." Dumagundong sa buong studio ang boses ni Direk Sharee sa buong studio nang mga oras na iyon. Agad na pinalabas ang mga audience at pinapasok si Samantha.

Hindi pa man nakakaalis sina Anthony de Dios ay sinigawan na siya ni Direk. Yukong-yuko naman siya at hindi makapag-angat ng tingin. Alam niyang nakatuon ang mga mata sa kanya ng lahat ng naroon—kabilang na si Anthony.

"Eh, Direk—"

"At ngayon, sumasagot-sagot ka pa? Kabago-bago mo nagpapakita ka ng attitude problem dito. Sino ba'ng nagpapasok sa 'yo rito? Alam mo bang maaari ko pa siyang ipatanggal sa trabaho dahil sa ginagawa mo?!"

Maharas na napaangat ng tingin si Samantha kay Direk Sharee at itinaas nito ang noo na parang hinahamon siya kung lalaban siya. Nakipagtagisan siya ng tingin sa direktor, hindi siya makapapayag na may mawalan ng trabaho dahil sa kanya—at mukha namang hindi rin patatalo si Direk Sharee hanggang sa may humawak sa braso nito.

"Direk, tama na 'yan," awat ng assistant director nilang si Ma'am Anna. "Naninibago pa lang naman 'yong bata. Pagbigyan mo muna siya, kahit ngayong araw lang."

Tiningnan siya ni Direk Sharee nang masama. "Kaya lumalaki ang ulo, eh." Nang hindi niya nakayanan ang tingin nito ay yumuko siya. Saglit na nanaig sa kanila ang katahimikan bago pinalis ni Direk Sharee ang kamay ni Ma'am Anna. Narinig pa niya itong bumuntong-hininga bago naglakad palayo.

e

MY ULTIMATE LOVE STORY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon