CHAPTER THIRTY-FOUR

5.7K 129 23
                                    

HINDI sumagot ang taong pumasok sa pinto. Naririnig ni Samantha ang marahang yabag nito palapit sa kanya. Sinalakay na naman siya ng kaba. Hindi iyon si Anthony!

"Kuya, parang awa mo na. Please, 'wag mo akong papatayin! Bata pa ako. Marami pa akong pangarap sa buhay. Hindi matutuwa ang nanay ko kapag nakita niya ako sa langit. Pagagalitan ako n'on. Kuya, please... hindi kita isusumbong sa pulis. Iligtas mo lang ako. Parang awa mo na..." humahagulhol na wika niya.

Pero natigilan siya nang maramdamang kinakalag nito ang pagkakatali ng kamay niya. At nang mawala na ang tali sa kamay niya ay agad niyang inalis ang piring sa mga mata habang kinakalag naman ng taong iyon ang pagkakatali sa kanyang paa.

Saglit na nag-adjust ang kanyang paningin at nang tuluyan na siyang makakita ay nagulat siya sa taong nasa harap niya.

Pero bago pa siya makapag-react ay niyakap na siya nito nang mahigpit. "Ah, you're safe, you're alive. Thank God! I thought I've lost you."

Nagtatakang inilayo niya ang sarili sa lalaking yumakap sa kanya. "J-Jhay-ar?"

Tumitig ito sa kanya. "Oo, ako nga. Kaya mo bang tumayo? Kailangan mong madala sa ospital."

Sinikap ni Samantha na tumayo kahit na namamanhid ang mga binti niya dahil sa matagal na pagkakatali. Inalalayan siya ni Jhay-ar pero hindi niya ito pinansin. Mabibilis ang mga hakbang na lumabas siya ng pinto at inilibot ang tingin sa paligid. Kinailangan pa niyang sumandal sa hamba para suportahan ang sarili.

"Nasaan si Anthony? Kasama mo ba siya? Ligtas ba siya? May nangyari bang masama sa kanya? Kailangan ko siyang makita. Kailangan kong—"

"Bakit ba masyado kang nag-aalala sa Anthony na 'yon? Bakit mas inaalala mo pa 'yong kagalayan niya gayong ikaw 'tong nakidnap at muntik nang mamatay!"

Gulat na napalingon siya kay Jhay-ar dahil sa outburst nito. Nakatitig lang ito sa kanya, puno ng galit ang mga mata, pero alam niyang hindi iyon galit para sa kanya. Pagkatapos ay lumambong ang mga mata nito. Lumapit sa kanya at hinawakan siya sa mga balikat.

"Labis akong nag-alala para sa 'yo. Akala ko, tuluyan ka nang mawawala sa akin. Ginawa ko ang lahat para mailigtas ka. Pero pagkakita mo sa akin, ang una mo agad hinahanap ay ang lalaking iyon," malumanay na sabi nito. "Hindi mo alam kung gaano ako nasasaktan ngayon." Pagkatapos ay niyakap siya nito. "Ayokong mawala ka sa akin, Samantha."

Medyo nawi-weird-an na siya sa inaasta ni Jhay-ar. Bahagya siyang lumayo rito. "Hindi ko alam kung ano 'yang sinasabi mo pero may mahal na akong iba at si Anthony 'yon."

Tumitig si Jhay-ar sa kanya na may intense na emosyon sa mga mata.

"Sam... kuya mo ako."


A/N:

Sino ang tama ang hula about kay Jhay-ar?? :D :D

MY ULTIMATE LOVE STORY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon