TMG 7- MEA DEAD

2.4K 56 0
                                    


Maaga akong nagising para maligo na at tiningnan ko ang paligid dahil naninibago ako wala na yung mga damit Kong nakakalat at yung mga gamit ko Nakaayos na.



Alam ko na Kung sino ang may gawa nito si Hailey kahit kailan siya lang yung parang nanay namin dahil ayaw niya nang makalat na kuwarto at ayaw niya nang mga nakabalan-drang mga gamit Kung saan saan.




Lumabas na ako nang kuwarto para nahapin sila Gianna, Erika at Hailey nandito ako ngayon sa grass field Kung saan ko dati Nakita yung tatlo dahil  Sigurado akong Hindi nila palalagpasin yung nangyari Kay Erika.



At panigurado ako ngayon na inaabangan na nila yung mga grupo nang DHG. and speaking of DHG. sino kaya si Zincho? anong meron sa kanya? at inpernes member siya ng DHG.


Baka second in command siya kaya ganun imasta. Napatingin naman ako sa cellphone ko. tsk. Bakit Hindi ko kagad naisip Yun.. tsk..talaga..



"Nasan ba kayo?" inis na sambit ko sa kabilang linya.


["Sino Yan!!? Gia?"] Rinig kong sambit pa ni Erika sa kabilang linya kaya naman napakunot ang noo ko sa narinig ko. kahit kailan talaga napakaingay ng babaing Ito.



["Si Sam. bakit kakausapin mo?"] Mataray na sambit ni Gianna sa kabilang linya. Kung bungangera si Erika si Gianna naman ang second version ko. haha.. nakuha niya lang naman ang pag kamataray ko.



["hehe..Sige ikaw na lang"] rinig ko ulit na sambit ni Erika Kay Gia.



["Nasa likod kami ng Building nang mga boys dorm"] pag kasabi niya nun ay pumunta na kagad ako sa sinasabi niya at pinatay ko na din yung tawag ko.



Habang nag lalakad ako papunta sa likod ng building ay Nakita ko na naman yung lalaking Yun. Tsk.. Nag kasalubong kaming dalawa Pero inirapan ko lang siya at dire-diretso ang lakad ko.




Yung mayabang na Yun!! kala niya matatakot niya ako!! tsk.. 'I will suffer you' tsk.. suffer niya mukha niya!! kainis siya kala niya kaya niya ako.. No!! Hindi niya ako kaya!! may nalalaman pa siyang Zincho ang mag papahirap sayo!! tsk!! Mukha niya!!




Nang makarating na ako ay Nakita ko silang tatlo na nakaupo sa grass habang may sapin Ito na parang malong ata yun. nag lakad na ako palapit sa kanila.




Kumakain si Erika nang Chocolate habang si Gianna naman ay busy sa cellphone niya at si Hailey hawak naman yung Netbook niya. aba! mayayaman ang mga kaibigan ko. may sari-sariling mundo.





Mayayaman nakakabili nang sariling Mundo.. Nag lakad na ako papunta sa kanila at umupo sa parang malong nilang sapin sabay tingin sa kanila at nakatingin din sila sa akin.




"Gusto mo?" alok sa akin ni Erika kaya naman Kinuha Ko yung chocolate at sinubo ko Ito sabay tingin sa kanila dahil ang tahimik nila.


"Anong meron?" Tanong ko sa kanila sabay tingin sa kanilang tatlo dahil ang tahimik nila ngayon. Siguradong may nangyari kaya Ang tahimik nila ngayon.




"Natatandaan mo paba yung pinagagawa mo sa amin?" Tanong naman ni Gia sa akin kaya naman tumango tango ako sa kanya.




"Anong amin? ako lang nga ang gumawa eh!" Sabat naman bigla ni Hailey sa kanya kaya naman napakunot ang noo ko sa mga sinasabi nila.k



"Oo. na ikaw na!" Sambit naman ni Erika sa kanya.



"Kasi yung tungkol sa pinagagawa mo Samantha ay nagawa na namin" Wika sa akin ni Hailey kaya naman tumango tango ako sa kanya.




"Anong nalaman ninyo?" Takang tanong ko sa kanya kaya naman tumingin sila sa akin.


"Dark Hell Gang Isa sa pinaka maimpluwensyang gang sa buong Pilipinas dahil may kapit sila sa Mafia ay Hindi pa Yan natatapos. nahack ko yung system nila at sandali lang Yun baka Kasi malaman nila. Nalaman Kong ang mga member nang gang na Ito ay malalakas at uumpisahan natin Kay Jake Eun-Min nag-iisang anak at tagapag mana nang mga Min Family at sumunod si Yohan Lee ang hawak naman nang pamilya nito ay ang mga Lee Club. at sumunod ay si Shawn Walter anak nang senador na si Philip At ang sumunod naman ay si Tyler Owen na galing sa Pamilyang mga business Man at ang last ay si Zincho." Sambit niya sa akin kaya naman tumango tango ako sa kanya.



"Si Zincho Maxwell Cross isang Coldy guy never nakikipag-usap sa iba at kinatatakutan nang lahat at siya ang leader nang Dark Hell Gang. at tagapag mana nang mga Cross at Hindi pa natatapos Yun dahil relative siya sa mga Cross Mafia nakinatatakutan ng lahat pero mas kina-tatakutan parin ang mga Cresil Mafia" Nakangiting sambit sa akin ni Hailey kaya naman ay tumango tango ako sa kanya.




So? that guy? Hindi lang pala siya basta basta. kaya pala parang Coldy siya makipag usap sa akin at yung mga kilos niya ay kakaiba na parang ayaw niyang Makita ang mga imosyon niya.

_______________________


Nandito ako ngayon sa woodland at nakaupo ako sa. isang sanga na malaki habang nandito ako ay napatingin ako sa Hindi kalayuan at Nakita ko si Mea na may kasamang mga lalaki at nagulat na lang ako nang ibig lang sampalin si Mea nang isang lalaki.



"Wala Kang kuwenta!!" wika nang lalaki Kay Mea at napatingin na lang ako sa kanya nang diretso.



"Simple lang ang inuutos namin pero hindi mo nagawa!! Wala Kang kuwenta!!" Sambit pa nang isang lalaki sa kanya.



"Patawad!! Hindi na mauulit!! Promise!! patawad!! Gagawin ko na!!" pag mamakaawa ni Mea sa mga lalaki pero imbis na patawarin nila si Mea ay nakarinig na lang ako nang putok nang baril.



at Nakita ko si Mea na nakahandusay na sa Lupa at Wala nang Malay at napatingin ako sa mga lalaking naka maskara at Nakita ko yung isang lalaki na may hawak na baril.




Nag lakad sila paalis kaya naman mabilis akong bumama ng Puno at susundan ko sana yung mga lalaki. nagulat na lang ako nang biglang may humila nang kamay ko at isinandal ako sa Puno.




"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" Seryuso niyang sambit sa akin kaya naman sinamaan ko siya nang tingin.



"Pinatay nila si Mea. Ano sa tingin mo ang gagawin ko?" Inis na wika ko sa kanya.




"Anong gagawin mo susundan mo sila? tapos ano? papatayin ka nila? kapag nahuli ka" Seryusong Sambit niya sa akin.




"Ano bang paki-alam mo Zincho? Si Mea ay ka-dormate ko at isa pa. bakit mo ako pinipigilan? Hmm? siguro kasama ka nila no?!" Ngayon Hindi ko na mapigilan ang bunganga ko mag salita.






Pero imbis na sagutin niya ako ay tumalikod siya sa akin. "Wala Kang Nakita, wala kang narinig at Wala Kang pag sa sabihan. Kung gusto mo pang mabuhay. Yun ang patakaran dito" wika niya sa akin sabay nag lakad na siya paalis habang ako. Ito nakatayo at nakatulala dahil sa sinabi niya sa akin.

THE MYSTERY GIRLNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ