TMG 9- RAOT

2.2K 62 0
                                    

CHAPTER 9

Napatingin ako sa mga paang nasa harapan ko ngayon at Hindi ko masyadong maaninag ang kanyang mukha dahil sa mga dugong umaagos sa aking mga mata.

"A troublemaker" Sambit niya sa akin kaya naman napakunot ang noo ko sa sinabi niya. tsk.Paki-alam niya ba. ibinalik ko yung tingin ko ang mga bituwin at Saka ako nag salita.

"I'm not a troublemaker" Tipid Kong sambit sa kanya habang nakatingin ako sa mga bituwin at pinag mamasdan sila habang nag nining-ning.

"Yes you are" Napatingin ako sa kanya at inirapan ko siya sabay tingin ulit sa mga bituwin.

"Can you help me?" Hindi ko Alam pero wala na akong paki-alam Kung sino yung hiningian nang tulong. Wala na akong paki-alam dun. at Wala na din sa akin ang salitang Pride no. bahala na Kung sino pa siya no.

"Ok" Tanging Sambit niya sa akin at ramdam ko naman ang pag buhat niya sa akin kaya naman kumapit ako sa kanyang leeg at isinandal ko ang aking ulo sa kanyang balikat habang buhat buhat niya ako.

"Hindi kapa mamamatay dahil pahihirapan pa kita" Sambit niya sa akin habang Hindi Tumitingin sa akin at nakatuon lang ang kanyang atensyon sa dinadaanan namin.

"Yeah. right." Sambit ko sa kanya habang buhat buhat niya ako ay naaamoy ko yung pabango niyang stroberry.

"Hindi ka pwedeng mamatay dahil ako lang ang dapat pumatay sayo" Wika niya sa akin pero pagod na akong mag salita kaya naman tumango tango na lang ako sa kanya at unti-unti Kong ipinikit ang aking mga mata.

____________________________

Nagising ako na sobrang sakit ng aking katawan at hirap akong bumangon sa kama at ang pag kakatanda ko ay binugbog ako ng grupo nila Zack na Entrex. Hahayaan ko muna sila ngayong mabuhay.

Pero hindi ako nangagakong Hindi ako gaganti dahil Hindi pwede Yun. pababayaan ko silang mabuhay pero Hindi ako nangagakong magiging masaya ang buhay nila dahil hindi.

Bumangon ako mula sa pag kakahiga ko at Nakita ko yung tatlo na nakaupo sa sofa at napatingin silang tatlo sa akin na may pag-aalala sa mga mukha nila.

"Ayos ka lang ba?"

"Kamusta paki ramdam mo?"

"May masakit paba?"

"Gusto mo dahil kana namin sa hospital?"

Napakunot naman ang noo ko sa sinabi nilang tatlo nang makalapit sila sa aking kama. "can you just...shut up" Tanging Sambit ko sabay hawak sa aking ulo.

medyo masakit pa Kasi ang aking ulo ngayon kaya naman gusto ko ng katahimikan. Kahit ngayon lang pag bigyan na nila ako.

Tumayo ako mula sa kama ko at pumunta ako sa banyo at nag hilamos ako ng aking mukha at Saka ako tumingin sa salamin at kitang-kita ko ang aking mukha na may mga sugat sa gilid ng aking mga mata Saka yung labi Kong putok na at yung sugat sa aking noo.

"Humanda sila sa akin" Tanging Sambit ko sa aking sarili habang nakaharap sa salamin.

Matapos Kong mag hilamos ay lumabas na ako ng banyo at humiga na ako sa aking kama. "Si Mea patay na siya" Tanging Sambit ni Erika sa Seryusong tono ng boses niya pero ako parang wala lang.

Kasi nga Alam ko na Diba.. tsk.. "Sinong gumawa sayo niyan?" tanong sa akin ni Gianna kaya naman napatingin ako sa kanya.

"Entrex" Sambit ko sa kanya sabay tingin sa kisame "Ihanda ninyo ang mga Cards" Tanging Sambit ko ulit sa kanila bago tumayo.

THE MYSTERY GIRLDove le storie prendono vita. Scoprilo ora