TMG 46- RESORT

1.3K 27 0
                                    

CHAPTER 46

"Xy.. xy gising nandito na tayo"

Unti unti ko namang dinilat ang mga mata ko at nagulat ako sa Nakita ko ang ganda sa labas kaya naman lumabas na ako ng pintuan ng Kotse. Sobrang kanya dito. Kitang Kita ko yung mga nag lilipadang mga ibon yung sikat ng araw yung tahimik na lugar.

Humarap ako Kay Zincho na nakatayo na sa likuran ko "Ang ganda dito Zin" Tanging wika ko sa kanya habang Nakangiti kaya naman ngumiti din siya sa akin.

"Tara doon tayo"

"Sinong may ari nitong resort?"

"Sa akin to. regalo ni Dad nong eight years old ako"

"Ang ganda dito Zin"

Naglakad na kami ni Zin at napapatingin na lang ako sa kamay Kong hawak niya ngayon. Sobrang ganda dito sa resort na Ito pero habang nag lalakad kami ni Zin ay may nakita akong nag titinda ng mga bracelet kaya naman napatingin. ako dito at napahinto ng lakad.

Bumitaw ako sa pagkahawak ng kamay ni Zin at pumunta ako sa matandang babae na nagtitinda ng Bracelet. Ang ganda nong isang bracelet. "Ija bumili kana ito.." Sabi ng matanda sa akin.

"Naku Hindi na po"

"Bibilhin ko po itong dalawa"

Napatingin naman ako Kay Zin na binili niya yung dalawang bracelet sa matanda at tumingin siya sa akin Kinuha niya yung kamay ko at isinuot ang isang bracelet.

"Bagay na bagay sayo"

"Nag abala kapa talaga"

"Hindi yun abala Kung Ikaw ang dahilan"

Napangiti lang naman ako sa sinabi niya at umalis na kami doon. Pumunta naman kami sa bahay na tutuluyan daw namin ngayon. Ewan ko pero masaya ako ngayon na kasama ko si Zincho.

Sa lahat ng bagay na nangyari sa buhay ko may isa lang akong na-realize na kapag mahalaga sayo. Pahalagahan mo para sa huli kapag wala na sayo may natitira pang magagandang alaala sa puso't isip mo.

_____

Nandito ako ngayon sa loob ng kwarto na sinasabi ni Zincho na tutulugan ko daw ngayon.

*Knock!!knock!!knock!!*

Pumunta naman ako sa pintuan at Binuksan ko ito. Nakita ko naman ang isang lalaking nakatayo sa harapan nito. isang Gwapong nilalang na binaba ng langit para sa isang katulad ko.

"Tara gala muna tayo"

"Zin.. gusto ko sanang gumala kaso wala akong damit na dala"

Napatingin siya sa akin sabay ngiti hinila niya yung kamay ko papunta sa kanya at nilabas niya ako sa kwarto "Merong damit diyan sa cabinet suotin mo muna sa pinsan ko naman yan" Sabi niya. Hinila na niya ako palabas ng bahay na tutuluyan namin.

Habang nag lalakad kaming dalawa hindi ko mapigilang mapatingin sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko. Pero iniwas ko din ang tingin doon at napatingin ako sa dagat.

"Ang ganda Zin"

"Ayokong maging isang Araw"

Napatingin naman ako sa sinabi sa akin ni Zin. Bakit ayaw niya? Maganda kaya maging isang araw maraming nagagawa. Lalo na sa araw tayo gumagawa ng energy.

"Bakit naman?"

"Dahil nakikita mo nga siya pero mahirap abutin tapos masusunog kapa kapag nilapitan mo. Parang bituwin sa langit mahirap abutin.. At parang Ikaw na katabi ko lang pero ang hirap kunin"

THE MYSTERY GIRLOnde histórias criam vida. Descubra agora