TMG 10-DEAD BODIES

2.1K 60 0
                                    



Nandito ako ngayon sa may woodland at nakaupo sa itaas ng Puno habang nakasandal dito at may saksak na airphone sa mag kabilang tenga ko.


Nang nag sawa na ako ay bumaba na ako ng Puno at nag lakad lakad muna ako dito sa woodland at bigla na lang akong napatigil ng makita ko si Zincho na may kausap na isang babae.


"Zincho... Please come back to me..." Pag mamakaawa ng babae Kay Zincho.

"I don't love you" Tanging Sambit ni Zincho sa babaeng kausap niya. Ouch! sakit nun pre!


"But I love you. I still love you" Sambit naman ng babae Kay Zincho pero si Zincho parang walang narinig at Wala man lang nag bago sa expression ng mukha niya.


"Tapos na tayo Autumn kaya pwede ba tigilan mo na ako" Tanging Sambit niya sa babaing Ito pero itong si Girl ayun umiiyak dahil sa sinabi ni Zincho sa kanya.



"Mahal mo ba ako? Minahal mo ba ako?" sambit ng babae sa kanya pero siya diretso lang nakatingin sa babaing ito.



"Hindi" Tanging Sambit ni Zincho sa babaing Ito at nagulat na lang ako ng biglang sinampal ng babaing Ito si Zincho.


"So? ginamit mo lang ako? You use me and I hate you..!!" Mangiyak ngiyak na sambit ng babaing Ito Kay Zincho sabay tumakbo siya paalis habang si Zincho naman ay nakatayo lang at parang walang nangyari dahil Walang bakas ng kakungkutan man lang sa mukha niya?


Tumalikod naman ako at nag lakad na paalis sa kanya bahala siya sa buhay niya. Masyado silang madrama buhay.



"Tapos kana bang manood?" Tanging Sambit niya kaya naman napatingin ako mula sa likod ko at Nakita ko si Zincho na nakapamulsahan at Hindi Ito nakatingin sa akin.



"Maybe" Tanging sambit ko sa malamig na tono ng boses sa kanya. humarap siya sa akin at nag lakad patungo sa direksyon ko kaya naman napatingin lang ako sa kanya habang nag lalakad Ito palapit sa akin.




"Wala kang narini--" Hindi na niya natapos yung sa sabihin niya ng bigla akong nag salita.



"Yeah. right.. I know that.. Wala akong narinig..OK kana? tsk." Sambit ko sabay irap sa kanya at nag cross arm pa ako sa kanya.




"Good" Sambit niya at tumalikod na sa akin at nag lakad na Ito paalis.





Habang ako nakatingin lang sa kanya habang nag lalakad Ito palayo sa akin. pero may bigla akong nakitang paparating sa direksyon niya kaya naman mabilis akong tumakbo patungo sa direksyon niya at tinulak siya.






Kaya naman natumba kaming dalawa sa damuhan dito sa woodland. "What the fuck!!" Inis na sambit niya pero Hindi ko siya pinansin at tumingin sa may Puno na may nakatarak na kanai kaya naman napatingin ako Kung saan ng galing ang kanai na iyon.






Napatingin ako doon at Nakita Kong may tumakbong tao. kaya naman mabilis akong kumilos at hinabol ito. Sobrang bilis niyang tumakbo pero hinahabol ko lang siya.





Napahinto siya bigla ng makurner siya sa dalawang building na akala niya ay may daanan pa pero Isa itong tapunan ng basura. kaya naman Walang daanan dito.






"Sino ka?" Malamig Kong wika sa kanya na mag pagbabanta sa mga salita ko.



"Sa tingin mo kaya mo ako? Isa ka lang hamak na babae" Natatawa niyang sambit sa akin kaya naman napakunot ang noo ko sa sinabi niya sa akin.





"Ahhh!!" Sigaw niya kaya naman nagulat ako dahil may dagger na nakatarak ngayon sa kanyang kaliwang braso kaya naman napatingin ako sa likoran ko Kung saan ng galing yung dagger.




Nakita ko si Zincho na nakatayo sa likoran ko at seryuso ang mukha niya sa lalaking nasa harapan ko ngayon at diretso ang tingin niya sa lalaking Ito.





"Pero ako. kaya kita... kayang kaya kitang PATAYIN sa oras na gustohin ko. pwedeng mamaya o maski ngayon. kayang kaya ko" Seryuso niyang sambit habang nag lalakad palapit sa lalaking Ito.



Nang makalapit na siya sa lalaki ay kitang kita ko ang takot sa mukha ng lalaking iyon at nagulat na lang ako ng biglang sinakal ni Zincho yung lalaki at kitang kita ko ang unti-unting pag-angat ng katawan ng lalaking Ito mula sa Lupa.




Dahil sa sobrang sakal ni Zincho at napadyak-padyak na yung paa ng lalaking Ito hanggang sa tuluyan na itong mawalan ng Malay at Saka lang binitawan ni Zincho yung lalaki dahilan para mapatumba yung lalaki sa sahig.




Humarap sa akin si Zincho at napatingin naman ako sa kanyang mukha. Unti-unting itong lumapit mula sa kinatatayuan ko kaya naman napatingin talaga ako sa kanya ng diretso.





Huminto siya sa harapan ko at nakatingin siya sa akin. Hindi ko Alam yung unang sa sabihin ko ngayon. Parang may nakaharang sa aking bibig na parang Hindi ko maubuka.





Pero lakas loob akong nag salita. "Nakabawi na ako" Tanging Sambit ko sabay tumalikod sa kanya at nag umpisa ng nag lakad paalis.





Habang nag lalakad ako papuntang classroom ay "Ahhhh!!!" Napatingin ako sa mga sumigaw na Yun at may nagtatakbuhan kaya naman napapunta ako sa mga tumpukan ng tao.




Nagulat na lang ako sa Nakita ko dahil may isang babaing istudyante na walang buhay at nakasabit ang kanyang leeg habang ang kanyang katawan ay Puno ng pasa at dugo.







"Sinong may gawa sa kanya niyan?"



"Grabe ang sama nila"



"Bakit nila ginawa Yan?"




"Dimonyo ang gumawa sa kanya niyan"



Pero isang bagay lang ang nakaagaw ng pansin ko kaya naman tumakbo ako patungo sa bangkay ng babae na iyon at nasa harapan ko na ngayon ang bangkay ng babae.



Brutal ang pag-kakapatay sa kanya dahil may mga saksak pa siya sa kanyang braso at mga pasa sa kanyang hita at sa iba pang bahagi ng katawa.



Halatang binugbog talaga siya. Pero napatingin ako sa isang card na nakaagaw ng atensyon ko kaya naman Kinuha ko Ito at itinago sa aking bulsa sabay nag lakad na ako paalis dun.

_________________________



Habang nag lalakad ako ay may nakita na naman akong mga tumpukan ng mga tao kaya naman lumapit ako dito ay nakisingit sa mga tao.



Nakita ko naman ang bangkay ng isang walang buhay na lalaki habang nakahiga Ito sa malamig na sahig at may nakasabit sa kanyang bangkay.


'Mag hintay ka at Ikaw na ang susunod sa kanila'


Yun ang nakalagay kaya naman nag lakad na ulit ako. bakit ang daming nangyayaring ganito? Hindi kaya.. Hindi pwede.. Pero...

Si Zincho Muntik na siyang mamatay dahil sa kanai na Ito at saktong sa ulo niya talaga ipapatama yun at yung dalawang bangkay. isang babae at isang lalaki. Yung mga cards na nakalagay sa babae? at yung mga katagang nakalagay sa bangkay ng isang lalaki.

Maari kayang nandito na sila? pero paano nila na laman? Anong mangyayari kapag nalaman nilang Kung sino talaga ako.. kapag nangyari Yun. Hindi Kona sila bubuhayin pa.

THE MYSTERY GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon