CHAPTER 56

2.6K 49 35
                                    

'She's Gone'

ZINCHO POV.

Sobrang bigat ng katawan ko ngayon. parang ayoko ng bumangon mula dito sa kama ko. Pero kailangan kong bumangon. Pumunta naman ako sa Ospital Kung saan ko dinala si Autumn. Hindi Alam ni Autumn na pupunta ako dito. Habang nag lalakad ako papunta sa room ni Autumn parang ang bigat ng pakiramdam ko.

"Autumn alam naman natin parehas na hindi Kay Zincho yang dinadala mo Kung Hindi Kay Kevin yan"

Napahinto naman ako sa pagbukas ng pintuan ng marinig ko iyon mula sa loob. Anong ibig sabihin niya?

"Ano kaba. Alice. Hindi naman niya malalaman eh.. Kaya si Zincho ang Tatay nito kahit Hindi naman talaga. Mahal na Mahal ko si Zincho kaya ko nagagawa Ito. Desperada na Kung deperada."

"Z-zincho"

Nauutal na wika ni Autumn ng Makita niya ako tinitigan ko siyang maigi. "Bakit mo ako niluko?!" Sambit ko sa kanya at ngayon parang hindi maipinta ang mukha ni Autumn.

"Zincho let me explain please" Pagmamakaawa niya at tumayo pa siya sa kama tsaka hinawakan ako sa kamay pero tinabig ko lang yung kamay niya at lumabas ako ng room nayun.

Nang dahil sa kanya nawala sa akin si Xyra. Nang dahil sa kanya nawala yung pinaka mamahal Kong Babae. Nang dahil sa kanya. Gusto Kong Makita si Xy ngayon at sabihin ang mga Ito. Gusto Kong bumalik siya sa akin.

Mahal na Mahal ko siya. Hindi ko kayang mawala siya sa buhay ko. "Zincho!! Salamat at Nakita Kita" Hingal na hingal na sambit ni Shawn sa akin kaya naman ngumiti ako sa kanya.

"Bakit pre? Pre may balita ako sayo magandang balita"

"Mamaya nayan. Kailangan na nating umalis"

"Bakit ba pre?"

"Kasi si Samantha"

"Anong nangyari kay Samantha"

"Hindi ko Alam pero kailangan na nating umalis"

Mabilis naman kaming umalis ni Shawn at nakasakay naman ako ngayon sa Kotse niya. Pumunta kami sa isang lugar Kung saan ang daming tao. Maraming pulis at yung bahay sunog na siya.

"Samantha!! No!!! Samantha!!! Hindi to Maaari!!! No!!!" Napatingi naman ako sa lalaking sumisigaw at Nakita ko si Kuya Samuel na may hawak na bangkay pero sunog na sunog ito.

Biglang may humawak sa balikat ko kaya naman napatingin ako kung sino ito. At nagulat na lang ako ng Makita ko Si Dad pala Ito. "Dad sabihin ninyu sa akin hindi Yan si Xyra please" Umiling iling dad sa akin.

"I'm sorry Anak. Nahuli kami Hindi namin siya naligtas" Pagkasabi ni Dad nun ay bigla na lang akong napaluhod sa sahig ng marinig ko iyon.

Pero tumayo parin ako at tumakbo papunta kay Kuya Samuel at Kay Xyra. "Xyra." Tanging Sambit ko ng malapitan ko yung bangkay ni Xyra.

"Hey! Xy.. tumayo kana diyan. Xyra please tumayo ka diyan. Hindi ko kayang mawala ka XY... Xyra please bumangon ka diyan. Xyra Mahal na Mahal kita Hindi ko kayang mawala ka kaya please.. Xyra bumangon ka diyan please." Wala akong paki-alam kung. Mukha akong bakla sa tingin ninyu pero Mahal ko siya. Hindi ko kayang mawala siya sa akin.

THE MYSTERY GIRLWhere stories live. Discover now