TMG 15-HUSTISYA

2K 56 0
                                    

STILL EDITING:

______________________

CHAPTER 15-HUSTISYA


(SAMANTHA XYRA SCARLET ZIA DEVON COLLIN POV.)

“Oh" Tanging sambit ko sa kabilang linya.

“Xyra... May gustong makipag laban sayo dito sa underground city." Sambit sa akin ni Skyler sa kabilang linya.

Si Skyler sya ang reaper ng Underground City. Sa UC ay pinag babawal ang kumitil ng buhay ng tao at kapag binaliwala mo yung rule nila sila mismo ang hu-hunting sa iyo upang patayin ka.


Pero kapag nasa labas kana ng UC pwedeng pwede kanang pumatay ng tao basta kapag nasa loob ka talaga ng UC bawal pumatay ng tao dahil Si Skyler mismo ang papatay Sayo at kapag Hindi nagawa ni Skyler Yun mag papadala sila ng mga reaper na galing sa magagaling na Mafia upang patayin ka.


“I'm busy" Tanging wika ko sabay patay ng cellphone ko. Ang Alam ng lahat ay nasa Korea ako kaya Hindi ko pwedeng gamitin si Xyra para makipag laban sa UC pero Hindi pwedeng Hindi ako makakalaban.

(ZINCHO MAXWELL CROSS POV.)

“Pre! nabalitaan ninyo ba?!" sambit bigla sa amin ni Yohan na kakarating lang galing sa labas.

“Ang ano?" Tanging Sambit ko sa kanya dahil hingal na hingal Ito at mukhang ang layo ng tinakbo niya.

“S-si X-xyra nandito na daw sa Pilipinas at lalaban siya mamayang gabi sa UC" Bigla namang naibuga ni Shawn yung iniinum niyang Juice kaya naman napatingin ako sa kanya at tinitigan siya ng masama.


“Uiiiii!!! May isang taong excited na Makita yung kaibigan niya hahaha.. ano na kayang itsura ni Xyra ngayon? hahaha" Pang aasar na sambit ni Jake habang nakatingin parin sa book na binabasa nito.



Napailing iling na lang ako sa kanila at lumabas na ng room namin at nang makalabas na ako ay nag lakad ako sa hallway habang nakapamulsahan.

(SAMANTHA POV.)


Nandito ako ngayon sa likod ng building ng dorm ng mga girl at nakatingin ako ngayon sa mataas na pader at napatingin ako sa may Puno.


Kaya ko ba Ito? hayss.. Wala akong mapapala Kung Hindi ko susubukan kaya naman mabilis akong umakyat sa Puno at hinubad ko ang aking sapatos at ibinato Ito palabas.



At nang mabato ko na Ito ay mabilis akong tumalon pababa. At ng makatayo na ako ay para Kunin ang sapatos ko ay may biglang humarang sa aking malaking katawan kaya naman napataas ang kilay ko sa kanya.



“Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" Malamig na sambit niya sa akin kaya naman napasapo na lang ako sa aking noo at tiningnan ko siya sa mga Mata niya.



“Ano ba sa tingin mo?" Mataray Kong sambit sa kanya sabay Hila ng sapatos ko sa kanya at tumalikod. Mag lalakad na sana ako ng bigla niyang hilahin yung kamay ko pabalik kaya naman napatingin ako sa kanya.



“Ano bang problema mo!!?" Inis na inis na wika ko sa kanya pero Hindi siya sumagot sa akin at hinila niya yung kamay ko papunta sa isang silid na madilim at may Puno dito.



Isinandal niya ako sa may Puno at nagulat na lang ako ng bigla niyang tinakpan yung bibig ko at bigla siyang may tiningnan kaya naman napatingin ako Kung saan siya Tumitingin.



Nakita ko ang tatlong lalaki na may hawak na mga baril at mga nakaitim ang mga Ito habang ang mukha nila ay balot na balot ng maskara at mas lalong uminit ang ulo ko ng makita ko ang kanilang kaliwang kamay.



Yung kamay nila!! may tatak Ito!! Hindi ako mag kakamali! dahil parehas na parehas ng tattoo nila ang tattoo ni Vincent na pumatay sa magulang ko. Maaaring!! Nandito lang siya sa paligid!



Hindi ko na Alam yung gagawin ko ngayon para akong nawawala sa sarili ko ng maalala ko yung masayang gabi na kasama ko ang mga magulang ko at ang buong pamilya ko.



Nang gabing Yun din ay ang pinaka masakit na naranasan ko. Sa isang iglap nawala ang pamilya ko sa isang iglap nag lahu lahat ng masasayang pangyayari sa buhay ko.


Sa isang iglap nawala ang buong pag katao ko. nawala ang mga magulang ko ang mga Lola at lolo ko at sila Tita at tito at yung mga pinsan ko.


Nawala silang lahat.

»»FLASHBACK««

“iha maari mo bang sabihin sa amin ang mga nakita mo" Sambit ng isang pulis sa Akin pero wala akong sinabi sa kanya at nakatulala lang ako habang nilalabas ng ibang mga pulis yung bangkay ng buong pamilya ko.


Lahat ng pulis nag kakagulo sa loob dahil sa mga bangkay ng pamilya ko, katulong at ng mga guard. lahat ng tao sa bahay namin pinatay nila! pinatay nila lahat! lahat!


Wala silang puso! mga hayop sila! “I will kill her!!" Mangiyak ngiyak Kong sambit sa pulis habang yung pulis naman na nag tatanong sa akin ay hinawakan niya ako sa likoran ko at hinimas himas niya yung likod ko.


Para patahanin. “Bibigyan namin ng hustisya ang pamilya mo" Sambit ng pulis sa akin. Pero Hindi ako nakinig sa kanya at tinitigan ko siya sa mga mata niya.


»»END OF FLASHBACK««

Mahirap kalimutan ang mga bagay na masasakit na alaala. Sobrang hirap.


Naramdaman ko namang tinanggal na niya yung pag kakahawak niya sa bibig ko at naramdaman ko Kung pinunasan niya ang mga pisnge ko. Ewan ko sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon.

Kailangan ko ng isang taong malalapitan. Mabilis ko siyang niyakap at umiyak ako sa kanya ramdam Kong nagulat siya sa ginawa ko sa kanya.

“Wala silang awa Zincho" Tanging Sambit ko habang umiiyak.

Ako na mismo ang mag bibigyan ng hustisya para sa mga pinatay nila!! buhay ang Kinuha nila kaya buhay din ang kapalit niya. humanda silang lahat!!

THE MYSTERY GIRLWhere stories live. Discover now