TMG 35- ASIAN CRY BABY

1.5K 30 0
                                    

ZINCHO POV.

“Pre.. ano bang problema mo? bakit mo sinabi Yun?" inis na wika sa akin ni Shawn kaya naman tiningnan ko lang siya ng seryuso.

“Bakit may sinabi ba akong Mali? tama naman Diba? Hindi siya patas Kung makitungo?!" inis na wika ko Kay Shawn pero nag buntung hininga lang siya sa akin at hinarap ako.

“Hindi natin siya hinanap para makipag ayaw ka.. At Hindi natin siya kakausapin ng ganyan dahil alam mo naman Zincho na kaya tayo nandito at tinawag siya dahil may gusto tayong ipaki usap sa kanya" wika sa akin ni Shawn kaya naman tinitigan ko lang siya.

“Oo Hindi ko nakakalimutan pero tingnan ninyu yung inasta niya kanina! masyado siyang mayabang kapag kausap natin siya pero kapag yung Hunter na Yun na ang kuma-usap sa kanya daig niya pa anghel!" inis na wika ko sa kanila at nagulat sila sa sinabi ko sa kanila.

“Ano bang masama doon pre.. Eh mukhang mas close naman niya si Hunter at Ikaw na din ang nag sabi na Boyfriend ni Samantha yun. Mukha talagang magiging mabait siya doon Kasi nga Boyfriend niya" wika naman ni Jake sa akin kaya naman napatingin ako sa kanya ng masama.

Diniinan niya pa talaga ang salitang boyfriend ha! nakakainis naman! Tsk! “So? anong gusto ninyung gawin ko? Habulin siya at sabihin Samantha sorry sa mga nasabi ko ganun ba!?" inis na wika ko sa kanila pero natatawa lang sila sa sinabi ko kaya naman tinitigan ko sila ng masama.

“Oh! ngayon hindi kayo makasagot!" inis na sigaw ko pa sa kanila tsk nakakainis na babadtrip na naman ako nito sa mga bwesit na Ito eh!

“Oo!!!" sabay sabay nilang wika sa akin kaya naman nagulat ako sa sinabi nila sa akin. So gusto nila akong mag sorry sa babaing yun? at para saan naman? totoo naman yung mga sinabi ko kanina ah?!

“Bakit ko naman gagawin Yun?!" inis na sigaw ko sa kanila pero hindi nila ako sinagot at nag lakad na yung apat. Aba mga luko “Hoy!" sigaw ko sa apat pero hindi nila ako pinansin bwesit!!..

Mabilis naman akong nag lakad Kung saan dumaan yung Samantha na yun. Habang nag lalakad ako at Hindi ko siya Makita parang hindi na nga lakad yung ginagawa ko Kasi parang takbo na Ito.

Nakarating naman ako sa field pero Walang Samantha akong Nakita kaya naman nag hanap ulit ako sa kanya. NASAN kana ba?! Damn it!! Fuck! Where are you!?!

Takbo dito, Takbo doon, Hanap dito, Hanap doon hanggang sa makarating ako sa woodland at nag lakad ako papunta sa mga Puno baka nasa taas na naman siya ng Puno.

Habang nag hahanap ako sa kanya at nagulat at ng makita ko siyang....Mabilis akong tumakbo papunta sa puwesto niya at (o_o) Muntik na siyang mahulog at buti na lang nasalo ko siya dahil Kung Hindi nalaglag na siya.

Tiningnan ko naman siya sa mukha. TULOG?! Aba malupet! muntik na siyang malaglag pero tulog parin siya. Nagulat naman ako ng unti unting bumukas ang mga mata niya at ng makita niya ang mukha ko ay wala man lang siyang expression kahit kaunti. (-_-)

Nakakainis naman itong babaing Ito tsk. “Ibaba mo ako" Walang imosyon niyang wika sa akin. Bakit kaba ganito? Wala kaba talagang paki-alam sa amin? sa akin? bakit kapag kausap mo yung makung na Hunter na yun ay ang saya saya mo.

THE MYSTERY GIRLWhere stories live. Discover now