TMG 41- AMBUSH

1.4K 34 0
                                    

CHAPTER 41

*Flashback*

“Samuel!! Ilayo mo na ang kapatid mong si Xyra!! Tumakas na kayo!" Isang malakas na sigaw ni Matandang Mike Kay Kuya Samuel at kitang Kita ko kung paano siya makipag barilan sa mga lalaking nakaitim habang may Mask ang kanilang mukha.

“Hindi namin kayo iiwan dito! Tito Mike" wika ni Kuya Kay Matandang Mike at binaril niya ang mga lalaking nag tatangkang lumapit sa aming van.

“Makinig kana lang!! Kung gusto mo siyang iligtas makinig ka!!" Sigaw ni Matandang Mike Kay Kuya Samuel kaya naman napatango na lang si Kuya Samuel at hinila ang kamay ko.

This time gulong gulo yung isip ko. Ano bang nangyayari? Parang kanina lang nasa loob kami ng sa-sakyan ngayon nakikipag barilan na sila Matandang Mike at Kuya Samuel.

Nahihirapan na talaga ako sa mga nangyayaring ito. Nabitawan naman ni Kuya Samuel ang aking kamay at napatingin ako sa mga kalaban nila. Para akong tangang nag lakad palayo kay Kuya Samuel.

Pumunta ako sa kabilang Van na itim. Yung Van nila Matandang Mike. Binuksan ko iyon at bumungad sa akin ang batang nakasuot ng headset na parang walang paki-alam sa mundo.

Pumasok ako at sinara ko yung pintuan at umupo ako sa tabi ng batang ito. Tinanggal ko yung Headset niya kaya naman napatingin siya sa akin “Hindi kaba natatakot?" wala sa sarili Kong wika. Hindi ko alam kung bakit yun ang lumabas sa mga bibig ko.

“Tsk! bakit naman ako matatakot? kaya naman nila yan at isa pa masyadong maraming bodyguard si Daddy kaya. kaya niya iyan" wika niya sabay tingin sa cellphone niya kaya naman napakunot ang noo ko sa mga sinabi niya.

“hindi kaba natatakot? na mawala yung dad mo?" Ewan ko pero bigla ko na lang naalala yung nangyari kila Mom and Dad Wala pa kasing isang buwan simula ng mangyari sa kanila yun pero heto ako nakakakita na naman ng mga taong pumapatay para lang mabuhay.

“Alam mo Xyra if you don't want to see.. just close your eyes" wika niya sa akin at ngumiti ng tipid. Kahit na parang yung mga salitang lumalabas sa bibig niya ay parang hindi nag-aalala pero yung mga mata niya parang ang daming sinasabi.

“Pero Zin!! Kahit anong gawin ko bakit nakikita ko parin sila!? yung pag patay Kay Mom and Dad!! Tapos Ito! nangyayari ngayon! Bakit ganito ang buhay ko!? Gusto ko nang mawala! Para maibsan na yung sakit na nararamdaman ko ngayon" wika ko sabay binuksan ko yung pintuan.

*Bang!! Boogsh!! Bang!!*

Habang nag lalakad ako palayo ganyan ang naririnig ko. Gusto ko nang makasama sila Mom and Dad Kasi sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon! Tapos itong nangyayari ngayon.

Napaka swerte ni Zin dahil may tatay pa siyang mag aalala sa kanya. Na may taong pwede niyang kausapin ako? wala! maski Isa! wala! Si Kuya? Ayon nakikipag barilan. Ako? Walang kuwenta! wala akong kuwenta! Hinayaan ko lang sila Mom and Dad mamatay ngayon si Kuya si Tandang Mike Wala akong magawa para sa kanila.

Bakit ba Kasi napaka walang kuwenta ko! walang pakinabang! Dire-diretso ko ang ng lakad at Wala akong paki-alam Kung anong mangyari sa akin "Huli ka!" Nagulat ako ng may biglang kumawak sa kamay ko kaya naman nag pumiglas ako.

“Bitawan mo ako!!! Sabi ko tinawanan mo ako!!" sigaw ko sa lalaking may hawak sa kamay ko pero tinutok niya sa akin yung baril na hawak niya at dinikit niya mismos sa noo ko.

“Tumahimik Kang bata ka!! Kung ayaw mong pasabugin ko yang ulo mo!" sigaw ng lalaking ito sa akin at diniin niya yung baril sa noo ko.

Kaba,Takot at Kung ano ano pang-naramdaman ko ngayon. “Sige!! iputok mo! Sige! iputok mo! akala mo natatakot akong mamatay! ha!! iputok mo!!" Galit na sigaw ko sa kanya at mukha siyang nagulat. Sino ba naman kasing matinong bata ang mag sa sabi sa kanya ng ganun? Tsk malamang ako lang.

Hindi ako natatakot mamatay dahil makakasama ko na ulit si Mom and Dad kaya OK lang kahit mamatay ako. “Wag! subukan mo at Sisiguraduhin kong mamamatay ka mismo sa mismong kinatatayuan mo" Napatingin naman ako sa nag salitang yun.

Anong ginagawa niya dito? Kinuha ko naman ang atensyon na yun para itabig yung kamay nong lalaking Yun at sinipa ko siya sa Junior niya kaya napainda naman siya sa sakit na ginawa ko.

“Zin!" sigaw ko sabay tumakbo ako palapit sa kanya at niyakap siya akala ko wala talaga siyang paki-alam sa mundo eh Mali pala ako. “Buti dumating ka" Nakangiting wika ko sabay kalas sa pagkakayakap sa kanya.

“Bakit kaba umaalis basta basta ha!!?" ramdam ko yung galit sa mga tono ng boses niya kaya naman nakaramdam ako ng konting lungkot sa mga sinabi niya “Alam mo ba? pinag alala mo ako!! Akala ko Kung ano nang nangyari sayo! Wag mo nang uulutin yun" wika niya sa akin kaya naman tumango tango ako sa kanya.

“Pero--" Hindi ko na natuloy yung sa sabihin ko ng bigla niya akong niyakap at pinag palit ni Zin yung powesto namin ngayon. At yung yakap niya sa akin ay mas himigpit pa.

“Anak!!!" Napatingin ako sa sumigaw na yun at Nakita ko si Matandang Mike na binaril yung isang lalaking may hawak ng baril napatingin naman ako Kay Zin “Zin!" tawag ko at tinanggal ko yung pag kakatakap niya sa akin.

Nagulat na lang ako ng bigla siyang natumba sa sahig kaya naman napaupo kagad ako “Zin! Uii! Zin!! ano ba!!? Zin! Damn it! Zin! Bumangon ka nga!" Para akong maiiyak ng Makita ko si Zin ng ganun. Niyugyog ko pa siya pero may nahawakan ako.

Kaya naman napatingin ako sa kamay ko may Dugo? bakit may dugo? “Z-zin! ano ba! tumayo kanga diyan! Zin! Isa pa talaga! Zin! naman eh!! ano ba!! Tumayo kana nga sabi diyan eh!!" Mangiyak ngiyak kong wika.

“Tito Mike!!" napatingin ako Kay Tandang Mike ng marinig ko iyon. Nakita Kong bumagsak si Tandang Mike sa sahig kaya naman sobra akong nagulat sa Nakita ko. Parang parang yung sakit na nararamdaman ko mas dumoble pa Lalo ngayon.

“Samuel!! Ilayo mo si Xyra" wika ni Tandang Mike habang hawak niya yung tagiliran niyang may tama ng bala. Para akong natulala sa mga Nakita ko. Ganito na talaga ako Kamalas na tao? bakit ganito ang buhay ko? Bakit?

“Xyra Tara na" wika ni Kuya sa akin pero ako parang natulala lang sa mga nakikita ko. Parang panaginip lang ang lahat pero isang panaginip na hindi na maibabalik kailanman.

“Kuya paano sila Tandang Mike? pati si Zin? iiwan na lang ba natin sila?" Para akong tangang kinakausap si Kuya Samuel habang kinakaladkad niya ako.

“Kailangan nating makaalis dito" wika ni Kuya habang patuloy parin sa pag lalakad niya. Ako ba talagang nangyayari? Ano ba? Wala bang mag sa sabi sa akin Kung anong nangyayari? Masyadong magulo ang lahat!?

“Pero sila Tan-- JUST SHUT UP XYRA!! KAHIT NGAYON LANG" Sigaw ni Kuya Samuel sa akin. Masyado ba akong maingay!? Sa totoo lang si Zin? niligtas niya yung buhay ko!? dapat madala siya sa ospital?! Si Zin? Zin save my life.

*End Of Flashback*

Si Zincho at si Iisa at si Lux at si Max iisa din. “Bullshit!! Nahhh!!! Bakit ba ganito ang buhay ko?!! AYOKO NA!! sawang sawa na ako!! Kung totoong may Diyos bakit ganito ang ibinigay na buhay sa akin?! Bakit? Masama ba akong tao? Oo masama akong tao!! Kasi marami na akong napatay at marami pa akong papatayin dahil sa mga ginawa nila! Bakit ba ganito!? Sobrang Sakit na at sobrang hirap na! bakit ba ako!? bakit Hindi sila? bakit ako pa!?" sa sobrang sama ng loob ko nasapak ko na lang yung pader at para akong isang manhid dahil wala akong naramdaman dahil mas masakit parin yung nasa dibdib ko.

Kapag nawala yung mahal mo masakit yun. yung tipong parang dinurog yung puso mo paano pa kaya Kung yung mga taong mahal mo Isa isang nawala bigla. Yung nararamdaman ko ngayon kulang pa yung salitang shattered dito Kasi naman durog na durog na yung puso ko sa sobrang sakit talaga.

THE MYSTERY GIRLWhere stories live. Discover now