TMG 11- SKULL CARDS

2.1K 55 0
                                    

CHAPTER 11

“Bullshit!!" Inis na wika ko sa kanila at tinitigan si Erika,Hailey at Gianna na nakaupo sa may table habang nakakunot ang noo na nakatingin sa cards na ipinakita ko sa kanila.

“That is Fake!" Inis na wika ni Gia sa amin kaya naman tumango tango kami sa kanya.

“Yeah. that one is Fake cards" Sambit naman ni Erika sa amin kaya naman napatingin kami sa kanya.

“At sa tingin ko ay may gumagaya sa atin. para sa atin masisi lahat ng nangyayari dito sa school na Ito" Sagot naman ni Hailey kaya naman napatango tango kami sa sinabi niya.

“Tama ka. at sa isang bangkay ng lalaki ay may nakasulat dun" Sagot ko naman sa kanila kaya naman napatingin sila sa akin.

“At hinding hindi nila tayo magagaya no. halata namang fake yung cards nila at isa pa tingnan ninyo kapag tinutok sa araw ay walang nakikitang tatak ng Devil Skull.. o diba" Sambit naman ni Gia sa amin kaya naman tumango tango ako sa kanila.

“Kailangan na nating mahanap ang gumawa nun" Seryuso Kong sambit sa kanila kaya naman tumango tango sila sa akin.

Kailangan naming mahanap ang mga gumagawa nito. dahil Kung Hindi baka patuloy pa nila itong gawin at masisi ang lahat sa amin.

Kami ang Devil Skull ang may nag-iisang cards na Skull dito ang cards namin ay kakaiba dahil ang kulay nito ay kulay Yellow sa itaas at sa ibaba naman nito ay kulay Red at may Skull ito sa gitna habang may nakatarak na dalawang kutsilyu.

Kakaiba ang cards namin dahil may tatak Ito galing mismo sa Mafia at kapag tinutok mo Ito sa araw ay makikita mo ang mismong pangalan ng gang namin na DEVIL SKULL.

__________________________________

Nandito ako ngayon sa hallway at nag lalakad. Patuloy lang ako sa pag lalakad ng masalubong ko ang mga Entrex at kasama na nila ang kanilang leader na si Zack.

Tumingin ako sa kanila at nakatingin din sila sa akin pero nakatingin lang ako sa kanila at Hindi nag pakita ng kahit anong expression sa mukha ko.

“Miss Bitch" Sambit sa akin ng babaing nakatayo sa likod ni Zack kaya naman nginisian ko siya at tinaasan ng kilay.

“Bitch is not insulting me co'z BITCH is describing me" wika ko sa kanya sa malamig na tono ng boses at kita ko naman ang mukha niya ang pagkairita sa sinabi ko sa kanya.

“Baka gusto mong maulit ang nangyari noong isang gabi" Sabat naman nong isang babae na katabi ng nag sabi sa akin ng Bitch.

“I'm Ruthless Demon with a fearless soul" Tanging Sambit ko sa kanila sa malamig na tono ng boses at nag lakad na ako paalis ng biglang may nag salita.

“Fearless soul" Wika ni Zack pero Hindi ko na siya nilingon pa at Hindi ko naman Alam Kung tanong ba yung sinabi niya o ano man Kasi Alam akong paki-alam.

______________________

(ZINCHO MAXWELL CROSS POV.)

“Sa tingin ninyo bakit ginawa ng Devil Skull Yun sa isang estudiyante?" Tanong ko Kay Shawn pero nag kibit-balikat lang siya sa akin sabay tumingin Kay Enzo na Seryusong nakatingin sa Cards.

“Alam ko na Kung sinong makakatulong sa atin" Tanging Sambit naman ni Jake sa amin kaya naman napatingin kami sa kanya na parang nag tatanong.

“Si Cyril Samara.. tawagin ninyo siya. sya yung mas makakatulong sa atin" Tanging Sambit naman ni Jake kaya naman tumango tango kami sa kanya at lumabas naman si Tyler upang tawagin si Cyril.

Si Cyril mas marami siyang alam Kaysa sa amin dahil hindi naman namin kilala ang mga Devil Skull. Oo sikat sila dahil sila ang number one rank sa buong asya kaya naman kilala namin sila.

“Oh! nan dito na si Cyril" Sambit naman ni Tyler ng makarating siya dito sa loob at sunod na pumasok si Cyril habang naka-cross arm at kunot ang noo niya at nakatingin siya kay Jake.

“Hindi porket pinsan kita lagi na kitang susundin!! mga istorbo!" Inis na sambit ni Cyril kaya naman napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

“Kung ayaw mo Maaari kanang lumabas" malamig Kong sambit sa kanya kaya naman napatingin siya sa akin at parang Natakot sa sinabi ko sa kanya.

Hehe joke lang Zincho Ito naman hindi mabiro" Sambit niya sa akin pero Hindi na ako sumagot pa sa kanya.

Oh!!" Sabay bigay ni Jake Kay Cyril ng Cards at Nakita ko ang mukha ni Cyril na napakunot ang noo at itinaas niya pa yung cards na parang may hinahanap siya dito.

“That is Fake" Sambit ni Cyril kaya naman napatingin kaming lahat sa kanya at parang takang nakatingin sa kanya.

“Wala siyang tatak galing sa Devil Skull kaya Hindi yan tunay at isa pa. Kung papatay man ang mga Devil Skull dito ay Hindi na sila mag iiwan ng cards dahil ayaw nilang laging nakaatensyon ang lahat sa gagawin nila at panigurado ngayon Galit na si Devon dahil sa mga fake cards na Ito at siguradong sigurado ako na hahanapin nila ang mga gumawa nun at baka bukas may mabalitaan na kayong may bangkay na naman" Tanging Sambit sa amin ni Cyril kaya naman tumango tango kami sa sinabi niya.

Kung ganun. fake lang ang mga Ito. Gusto Kong mahanap din ang gumagawa nito. dahil panigurado akong may dahilan Kung bakit nila ginagawa Ito. Bakit sila pumapatay ng ganun ganun lang.

At paniguradong baka kunekdato siya sa gustong pumatay sa akin. Naalala ko na naman tuloy yung ginawa sa akin ng Babaing iyon. That's Stupid Troublemaker save my life. tsk.

Isang anak ng Mafia. niligtas ng isang troublemaker girl tsk. pangit Yun sa image ko. kaya dapat malaman ko Kung sino ang nag pautos nun. at kailangan ko munang hanapin ang mga salarin sa pag patay ng mga estudiyante.

Ang patarakan dito ay parang isang sikreto. Isang sikretong ayaw ipaalam ng paaralan sa iba dahil baka Ito ang ikakasira ng paaralan nila. that is a stupid.

Hindi na nila iniisip ang mga estudiyante dito para lang sa kanilang ikakaganda tsk. Ewan ko ba bakit yung ibang tao gustong gusto mag-aral sa isang kagaya nitong paaralan na parang imypreno na nakakulong sa malaking rehas.

THE MYSTERY GIRLWhere stories live. Discover now