TMG 49- YES OR NO

1K 26 0
                                    

SAMANTHA POV.

“Mahal na Mahal kita sana naririnig mo ako" Ewan ko pero narinig ko iyon. Pero parang kilala ko Kung kaninong boses yun. Hindi ko muna iminulat ang aking mga mata “Haha siguro kong naririnig mo ako iisipin mong baliw ako dahil kinakausap Kita ng tulog. Pero kahit na. Samantha o Xyra kahit sino kapa tanggap Kita Kasi Mahal kita. Sana mapansin mo dingnahihirapan ako ngayon dahil nalilito ako. Noong una gusto nakita pero pinilit ko namang pigilan kaso mas lalong lumala dahil ngayon mahal na kita. Nakakatawa pero yun talaga ang totoo. Alam mo ba ang sakit dito sa dibdib ko dahil narinig ko mismo sa bibig mo na hindi mo ako gusto. pero kahit na ganun. kahit na alam kong talo na ako dito sa laban na ito. Nandito parin ako muling babangon at lalaban para Sayo. Kasi ganun Kita kamahal eh. Yung tipong kahit masakit itatago ko na lang dahil nakikita naman kitang masaya kaso hindi ngalang sa akin Kung Hindi sa iba. Pero kahit na ganun. Lalaban parin ako para sayo.. Hanggat hindi mo ako pinapaalis sa tabi mo pero kapag Ikaw mismo ang nagtaboy sa akin..." Naramdaman Kong may tumulong tubig sa aking kamay. Umiiyak ba siya? Ewan ko pero natutuwa ako sa naririnig ko ngayon. “Saka lang ako susuko sayo. Grabe ka Kasi eh XY.. Masyado Kang pa-fall yan tuloy nalaglag na ako hindi mo pa sinasalo.. pero kahit na ganun.. Mahal na Mahal kita" Naramdaman ko namang hinalikan niya ako sa noo ko.

Narinig ko ang pag bukas at sarado ng pintuan. Napamulat naman ako ng aking mga mata at bigla na lang akong napaupo sa kama ko. “Totoo ba yung narinig ko?" Sambit ko sa sarili ko na para akong tanga. Sinasampal ko pa yung sarili ko dahil sa hindi ako makapaniwala at napatingin ako sa aking kamay na may patak pa ng luha.

“Totoo ang narinig ko? Totoo ang nangyayari ngayon? Hindi panaginip" Yan na lang ang nasabi ko sa sarili ko ‘Ahhhh!!!' tili ko sa sarili ko dahil sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. At ayoko din na marinig ako ng iba baka malaman ni Zincho na narinig ko yung sinabi niya. ‘Ahhh!!' para akong pipe na sumisigaw kahit wala namang lumalabas na boses sa bibig ko.

______

Buong gabi ko iniisip ang mga sinabi ni Zincho dahil doon hindi na ako makatulog dahil doon. Nakakakaba yung mga sinabi niya sa akin. Pero ano ngabang dapat kong gawin ngayon? Naiinis ako na. Ewan ko! Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon.

“SAMANTHA!!"

“Baket!?" Inis na sigaw ko din sa kanya ng sigawan niya ako. Nasa harapan niya lang naman ako bakit kailangan niya pang sumigaw. Nandito kami ngayon sa Dining room at kumakain.

“Alam mo kanina pa kita tinatawag! pero hindi mo ako pinapansin dahil tulala ka at Nakangiti kapa! Ano bang iniisip mo? bakit lumilipad ng ganyan kalayo ang utak mo?!" Inirapan ko naman si Gia sa sinabi niya sa akin.

“Ano bang sinasabi mo?" Sambit ko sabay subo ng pagkain sa bibig ko. Nakatingin lang ako sa pagkain ko dahil nararamdaman ko nakatingin silang lahat sa akin pati si Zincho nakatingin siya sa akin.

“Ang sinasabi ko lang naman na wag kang kumain ng Seafood dahil you have alleleuki" Sambit ni Gia sa akin kaya naman mabilis Kong nabitawan ang kutsara ko at napatingin sa pagkain ko. ( Translate: (Korea) alleleuki- (English) Allergy)

“Shit!" bigla Kong Bigkas dahil sa Nakita ko. Bakit ba ang tanga mo Samantha? Tsk! Nakakainis naman to! Kakaisip mo sa kanya yan! Nakalimutan muna! Bwesit!

“Samantha namumula ka" Napatingin naman ako Kay Lux ng bigla siyang magsalita kaya naman tumayo na ako at mabilis akong tumakbo papunta sa kwarto ko at hinanap yung bag ko.

THE MYSTERY GIRLWhere stories live. Discover now