TMG 40-IMPASSIBLE

1.4K 34 0
                                    

CHAPTER 40

Bilang isang pinuno ano nga dapat ang aking gawin. Protektahan sila at wag pabayaan pero ano iyong ginawa ko? Umalis at iniwan sila. Tama bayun? HINDI!!

Kailangan ay Protektahan ko sila hanggang sa makakaya ko. Nandito ako ngayon sa isang kalye at nag lalakad nakasuot ako ng Jacket na itim habang naka half-mask lang ako. Kaya kitang Kita yung noo at mga mata ko.


Ang Tanging natatakpan lang ay ang aking bibig. Habang nag lalakad ako ay nakapasok pa ang aking dalawang kamay sa aking dalawang bulsa. Sa totoo lang kanina lang nasa party ako.

Pinakilala ako ni Kuya Samuel bilang kapatid niya at bagong Leader nila at kanina lang din ay nag karoon ng isang maduguang Laban kaya naman pinaalis na ako ni Kuya doon.



Baka daw umatake na naman ang kadimonyohan ko at ano pang magawa ko. Baka pati yung mga tauhan ay maubos ko ng patay. Bakit ba kapag galit ako at nakakakita ng dugo ay nagiging iba ako. Daig ko panga daw ang may sapi.


Minsan wala din akong na alala sa mga ginagawa ko. Para akong nagiging ibang tao. Siguro ay sakit ko na talaga ito. Nag patuloy lang ako sa pag lalakad hanggang sa mapatigil ako sa pag lalakad ng may humintong sa sakyan sa unahan ko.



Binuksan niya ang bintana ng kanyang Kotse at tiningnan niya ako sabay ngumiti “Sabi ko na nga ba ay ikaw iyan.. Xyra" Nakangiting wika niya sa akin na parang nang-aasar kaya naman nag patuloy lang ako sa paglalakad ko na parang walang narinig.



“Bakit wala ka kanina doon?" wika niya sa akin. Nasa likoran ko siya ngayon pero hindi ko parin siya pinansin dahil wala ako sa mood makipag asaran sa kanya ngayon.



“Nanduon ang mga kaibigan mo kanina pero Ikaw ang wala" ulit niya pa sa akin kaya naman hindi ko parin siya pinansin at patuloy lang ako sa paglalakad.

“Sumabay kana sa akin" wika niya sa akin sabay hinawakan ang kamay ko kaya naman ay napahinto ako at napatingin sa kamay Kong hawak niya Saka ko siya nilingon.

“Bakit?" malamig na wika ko sa kanya pero nginitian niya lang ako. Kaya naman napairap ako sa kanya.


“Sabay na tayong pumunta sa school" Nakangiting wika niya sa akin. Nababaliw na ba siya? Sa tingin niya ay sa sabay ako sa kanya?


“Bakit naman ako sa sabay Sayo?" Walang imosyong wika ko sa kanya kaya naman napabitaw siya sa kamay ko at napakamot ng ulo niya at mahinang Natawa.

“Dahil gwapo ako at isa pa magkakilala naman tayo" wika niya sa akin kaya naman napairap ako sa kanya. Kala niya ba ay nakalimutan ko na yung mga Pang-aasar niya sa akin. tsk!

“Kilala mo ang pangalan ko pero hindi ang tunay na ako" walang imosyong wika ko sa kanya at nag lakad na palayo sa kanya.

“Oo Tama ka.. Kilala ko ang pangalan mo.. Samantha Xyra Scarlet Zia Devon Collin.. Tama ba ako Xyra?" Natigilan ako bigla sa aking pag lalakad ng marinig ko iyon. Paano niya nalaman.

Mabilis akong lumingon sa kanya at mabilis na tumakbo patungon sa kanya. hinawakan ko yung kuwelyu niya at mabilis na inangat siya sandali “Aray!! Ano ba Xyra!?" wika niya sa akin habang nakasigaw.

“Alam mo ba anong ginagawa ko? Sa mga taong maingay?" Malamig na wika ko sa kanya habang nakatingin sa mga mata niya. Kayang kaya ko siyang patayin ngayon dahil sa nalalaman niya.

“Chill ka lang Xyra" hinawakan niya yung kamay ko at mabilis na tinanggal kaya naman natanggal yung pagkakahawak ko sa kuwelyu niya.

Tiningnan ko lang siya habang nakahawak sa kanyang leeg at napatingin siya sa akin. “Paano mo nalaman Zincho?" malamig na wika ko sa kanya habang napatingin mismo sa mga mata niya.

“Haha nag papatawa kaba Xyra nakalimutan mo na ba?" wika niya sa akin habang natatawa pa siya kaya naman napakunot ang noo ko sa sinasabi niya. Anong nakalimutan? Nahihibang na ba siya?

“Anong nakalimutan?" walang imosyong wika ko sa kanya habang nakatinging ng direkta sa mga mata niya. Umayos naman siya ng pagkakatayo at tumingin siya sa akin habang Nakangiti.

“Hindi ko Alam na sa sobrang pagkamuhi mo Kay Vincent ay nakalimutan mo na din ang ibang alala mo" Malungkot na niya sa akin kaya naman napairap ako sa kanya.

“Ano bang pinag sa sabi mo?!" inis na wika ko na ngayon sa kanya. Hindi ko Alam pero naiinis ako sa kanya ngayon! Paano niya nalaman ang tunay na ngalan ko?! At paano niya nalaman na kinamumuhian ko si Vincent?! Paano?

“Mag papakilala akong muli Sayo Xyra.. Zincho Maxwell Cross ang Anak ni Mike Cross.. Siguro ay kilala mo naman ang aking ama na tinatawag mong Matandang Mike haha" Nahihibang na siya tsk! “Siguro ay hindi mo na ako matandaan kaya naman ay ipapatanda ko Sayo.. Noong unang beses Kang pumunta sa Mansion ng mga Cross at walong taon ka palang nun" Paano niya nalaman? tsk! “At doon mo unang boses nakilala si Dad. At habang tumatakbo ka palayo sa daddy mo may nakabangga ka" wika niya kaya naman napakunot ako ng noo.

“Paano mo nalaman?" Wika ko sa kanya. Ngumiti naman siya sa akin kaya naman napakunot ang noo ko sakanya.

Sino kaba? Ano bang nalalaman mo tungkol sa akin Zincho Cross? Tsk! “Simple lang dahil ang batang nakabangga mo dati ay si Maxrill.." Nakangiting wika niya sa akin. Si Maxrill? What the?!! Si Lux Yun?!

Ewan ko pero hindi ako makapaniwala na narinig ko sa kanya paano naging si Lux yun? Tsk! Impusibleng mangyari yun!! “Impusibleng mangyari yun!" sigaw ko sa kanya at inirapan siya.

“Haha Xyra..Xyra.. Hindi ko alam kung makakalimutin ka lang talaga o sadyang slow ka tsk! tsk! tsk!" Wika niya sa akin kaya naman napatingin ako sa kanya ng masama. Sinong slow baka upakan Kita diyan! “Ako yung batang kasama ni Dad at yung batang nakabangga mo naman ay si Maxrill" wika niya sa akin pero napahawak na lang ako sa akin bibig ng may maalala ako.

Paano siya yun?! Pero bakit hindi ko siya Nakilala? Impusibleng siya yung batang Yun!!! “Impusibleng Ikaw Yun!" wika ko sa kanya at tinuro pa siya habang siya naman ay tumawa lang sa aking harapan.

“So na aalala mo na ako.. Xy" wika niya sa akin kaya naman tumalikod na ako sa kanya at naglakad palayo.

“So na aalala mo na ako..Xy"

“So na aalala mo na ako..Xy"

“So na aalala mo na ako..Xy"

Paanong nangyaring siya yun?! Yung batang nakakausap at nakakasama ko paanong nangyaring siya yun?! Akala ko patay na siya.. Pero paanong naging si Zincho yun? Paano nangyari? at paano nabuhay si Matandang Mike? Ang buong akala ko ay patay na siya.

Paano sila nabuhay? Anong nangyari? Bakit? Hindi ko maintindihan sobrang gulo!! Ano ba?!! Bwesit na buhay to!!! Noong una si Daddy at pangalawa si Mommy at pangatlo si Matandang Mike buhay siya at panga-apat si Zincho siya yung bata.. Pero paano nangyari lahat ng iyon?! Paano?!

THE MYSTERY GIRLWhere stories live. Discover now