TMG 53- DETECTIVE

1.1K 21 0
                                    

*RINNNNG!!! RINNNG!!! RINNNG!!!*

Binuksan ko naman ang aking mata ng marinig ko ang tunog ng cellphone ko. nakatulog na pala ako sa kakaiyak ko kagabi. Siguro nga kailangan ko ng sumuko dahil alam ko hanggang huli talo parin ako.

Kailangan ko ng taposin Kung ano yung sinimulan ko. Iisa na lang ang natitira at tataposin ko na. Kapag nagawa ko na yun. Mawawala ako na parang bula. Kahit sino hindi ako makikita. Sa mundo na pupuntahan ko magiging tahimik na ang buhay ko malayo sa gulo at sakit na ganito.

“Samantha! nasaan kaba?!"

“Gusto ko lang mapag-isa Gia please"

“I'm sorry. pero gusto lang naman namin malaman kong.. Ayos ka lang"

“Gia Hindi ako ayos. Ayokong magsinungaling Sayo.. Dahil ayoko ng dagdagan pa yung kasalanan ko"

“Sira ka talaga! Basta ingatan mo yung sarili mo. ha?"

“Oo naman"

Pinatay ko na yung tawag at bumangon na ako sa kama ko. Nandito ako ngayon sa Mansion namin kung saan pinatay sila Mom and Dad. Gusto Kong Makalimot pero parang hindi ko kaya.

Sa tuwing matutulog ako. Napapanaginipan ko minsan nakikita ko sila Mom and Dad habang pinapatay. Nakikita ko sila Mom and Dad kapag nakikita ko ang mukha ng Vincent na yan.

Sisiguraduhin Kong magsisisi siya sa ginawa niya sa magulang ko. Mag mamakaawa siyang panayin ko na lang siya dahil sa sobrang pahirap ko sa kanya.

*DINNNG!!! DONNNG!!!*

Napatingin naman ako sa pintuan ng Mansion ng biglang tumunog ito. Bakit naman biglang may nag doorbell dito? ang Alam ng lahat may multo dito dahil sa mga nangyari dito at Walang sino man ang nagbalak na pumasok dito dahil natatakot silang lahat.

Pinabayaan ko na lang. Naligo na ako sa banyo at nagbihis tsaka ako lumabas ng kuwarto. “Anong ginagawa mo dito?" Napatingin naman ako sa likod ko ng may nagsalita.

Nilingon ko siya. Nakasuot siya ng pang-police at may hawak siyang folder sa kabila niyang kamay kaya naman tinaasan ko siya ng kilay sabay harap sa kanya habang naka-cross ang aking mga kamay.

“Ako dapat ang mag tanong sayo niyan. Anong ginagawa mo sa Bahay ko?"

“Bahay mo? Sino kaba? Ang mga nakatira dito ay matagal ng wala. Baka magnanakaw ka?"

“Tsk! Ako si Samantha Collin ang Anak ng may-ari ng bahay na ito. Sino kaba?"

“Detective Ocampo ang may hawak ng kaso ng mga magulang mo."

Pagkasabi niya nun ay umupo kami sa isang sofa at nag-usap. Sinabi niya sa akin na siya na ang may hawak sa kaso ng aking magulang dahil matagal na itong hindi napapansin ng pulisya dahil sa mga pulitika na may kapit dito sa kaso ko.

“Maaari kitang tulungan sa paghuli sa gumawa niya sa pamilya mo Ms' Collin"

“Haha tulungan? Nagpapatawa kaba? Limang taon na! Ilang taon akong naghintay na mahuli ang gumawa nito sa magulang ko! Alam mo bayun? Pero wala kayong ginawa! Wala maski isa! Nangako pa kayong bibigyan ninyu ng hustisya ang pamilya ko pero wala.. Kaya anong sinasabi mo ngayon? Tutulungan mo ako? Tsk! pwede ba! Hindi ko kailangan ng tulungan mo. Kahit kailan Wala kayong ginawa. Yung pumatay sa magulang ko ay masayang nakakalakad sa mga gusto nilang puntahan.. Pero Wala kayong ginawa! Hindi ninyu man lang hinuli. Ang lagi ninyu sinasabi ay walang ibidensya!" inis na sambit ko sa kanya at tumayo na ako tsaka tumalikod sa kanya.

THE MYSTERY GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon