TMG 44- PROMISE

1.2K 32 0
                                    

CHAPTER 44

“Maiba nga tayo guys.." Napatingin kami kay Yohan ng bigla siyang mag salita “Bakit ba puro kaya Samantha? siguro may gusto kayo Kay Samantha no hahaha. umamin na kayo" Natawa naman sila sa sinabi ni Yohan habang ako Nakangiti lang sa kanila.

“Oh!! Sige aminan na tayo dito ano!" Biglang Sabat naman ni Tyler kaya naman tingin kami sa kanya.

“Haha Sige ba.. Haha taas kamay ng may gusto Kay Samantha" ABA! mga luko to pati ako pinag tripan nila. wala ba silang magawa.

“Aba! mga lukong--" Hindi ko na natuloy yung sa sabihin ko ng makita Kong tumaas ng kamay si Enzo, Lux and Nathan.

“Pati ba naman Ikaw lux? Nakisali? haha" Natatawang wika naman ni Sky Kay Lux kaya naman sinamaan lang siya ng tingin ni Lux dahilan para mapatawa kaming lahat.

“Sige nga anong nagustohan mo Kay Samantha Enzo?" Napatingin naman si Enzo Kay Hailey ng bigla nitong itanong kaya naman napakamot sa batok si Enzo.

“Ahh Kasi nagustohan ko maganda siya manamit tapos maangas ganun" Sambit naman ni Enzo kaya naman napatango tango na lang ako sa sinabi niya.

“Kapag nagmahal ka dahil sa itsura at pananamit nya, ATRAKSYON yan."

“Ahh" Yan na lang yung nasagot naman Kay Hailey ng sabihin niya yun. So atraksyon lang pala yung nararamdaman ni Enzo sa akin.

“Ikaw naman dakilang fuckboy na Nathan haha" Natatawang wika ni Enzo ng tawagin niya si Nathan kaya naman binatokan siya ni Nathan.

“Syempre maganda siya, Maganda Yung katawan niya at makinis yung balat niya ganun" Sabi naman ni Nathan kaya naman napakunot ang noo ko. Alam ko naman na maganda ako eh.

“Kung nagmahal ka dahil sa maganda nitong katawan at makinis na balat, PAGNANASA yan!!"

“Whahahahah!!!"

Natawa kaming lahat sa sinabi ni Gia kahit ako Natawa din. Yung kaninang kunot ang noo ko ngayon naman hagalpak ang tawa ko “Grabe ka naman Gia" Biglang sabi ni Nathan Kay Gia.

“Whahaha!! Bro ang lakas pala ng pag nanasa mo kay SAMANTHA ah haha!"

“Sabi ko na nga ba katawan lang habol mo eh haha"

Pang aasar pa ng iba Kay Nathan kaya naman napangiti na lang ako sa kanila. Hay naku! Bakit ba ganito sila ang saya nilang kasama pero minsan nakakainis din kaya malakas silang mangtrip.

“Ikaw naman Lux! Anong pag nanasa Sayo? ah hahaha!"

“Ulol ka no! haha"

“Ok. Nagustohan ko si Samantha dahil mabait, matalino at masipag siya Lalo na nong mga bata pa kami" Nakangiting wika ni Lux sabay lingon sa akin kaya naman ngumiti din ako sa kanya.

“Kapag nagmahal ka dahil masipag at matalino siya, PAGHANGA yan."

“Ayon oh!! Paghanga daw Lux haha"

“Ulol ka!"

“Diba ang paghanga ay crush haha"

Natawa na lang ako sa kanilang mga sinasabi. Hays.. Ano bang meron sa kanila pero ang saya nilang kasama. Natapos na kaming kumain sa Cafeteria at kanya kanya kaming nagsi labasan ng Cafeteria.

Habang nag lalakad ako ay napatingin ako Kay Sky na nakatingin din sa akin. “Anong tinitingin tingin mo diyan?" taas kilay na wika ko kay Sky kaya naman ngumiti siya sa akin.

THE MYSTERY GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon