TMG 51- HURT

1.1K 22 0
                                    

“Aga natin nagising ah"

“Ano kaba Erika syempre baka maagaw ng iba yung Gwapong bf niya haha"

“Oo nga Hailey haha baka maagaw haha"

“Hoy! kayong dalawa tantanan ninyu ako" wika ko sa kanilang dalawa Pero tinawanan lang ako kaya naman lumabas na ako nang kuwarto namin. Pagkalabas ko napatingin naman ako sa lalaking nakatayo habang nakasandal sa dingding at nakapasok pa yung dalawa niyang kamay sa bulsa niya.

Bigla na lang ako napangiti ng Makita ko siya tumingin naman siya sa akin at ngumiti pa para tuloy akong matutunaw ng ngitian niya ako. “Good morning may Queen" Nakangiting wika niya sa akin sabay lumapit siya sa akin.

“Sayo din"

“Tara My Queen pasok na tayo"

“Tara na nga" Sambit ko hinawakan niya naman yung kamay ko. Hawak kamay kaming nag lalakad ngayon dito sa Academy kaya naman pinag titinginan kaming dalawa ng mga istudiyante dito.

“Sila ba?"

“Bakit ako tinatanong mo. Kita mong tayo ang mag kasama dito eh"

“Sila na kaya?"

“Bagay naman sila ah"

“Hindi sila bagay! tao sila Bhe!"

“Che! ang panget mo! basta bagay sila"

Hindi ko alam Kong matatawa ba ako sa naririnig ko o maiinis. Ewan ko basta ang mahalaga sa akin ay kasama ko ngayon si Zincho. “Kain muna tayo My Queen" Tumango tango na lang ako sa kanya.

“Nandito sila oh" Sabi ko Kay Zincho ng Makita ko yung g mga dark at yung mga Entrex yung tatlong babae na lang ang kulang.

Pumunta kami ni Zincho sa kanila at Nakita ko naman silang nakatingin sa amin ni Zincho “Hi Sammy"

“Xyra dito kana umupo"

“Cute Girl tabi tayo"

“Boss Dito kana lang sa tabi ko"

Para akong mahihilo Kong kanino ako tatabi dahil halos lahat sila gusto nila akong itabi sa tabi nila nakakatuwa lang dahil yung dating magulong grupo ngayon mag kakasundo na.

Kahit na mag kaiba silang grupo nagagawa parin nilang mag kasundo sundo sabi nga nila walang Forever. Kaya ito nag bati din sila diba. “Ehem! Nandito yung Boyfriend niya" Napatingin naman ako Kay Zincho ng bigla niyang sabihin yun.

Nagtawanan naman yung iba. Umupo na ako ngayon at tabi kami ni Zincho “Anong gusto mong kainin?" tanong sa akin ni Zincho. Ano nga bang Masarap kainin ngayon.

“Kahit ano na lang"

“Walang kahit ano dito haha"

“Kung ano yung sayo yun na lang din sa akin"Sambit ko sa kanya kaya naman tumango tango siya at tumayo na tsaka tumungo sa counter para bumili ng pagkain namin.

“Samantha nasaan pala si Pearl?" tanong sa akin ni Jake kaya naman napatingin ako sa kanya. Pearl? Isa lang naman yung kilala Kong Pearl si Gianna lang naman.

“Nandito ako!" Napatingin naman kami sa nag salita si Gia at kasama niya yung dalawa umupo naman siya sa tabi ni Jake kaya naman nagulat ako. Ano kayang meron sa dalawang to? parang lumelevel up yung status nilang dalawa ah.

Nakita ko namang dumating na si Zincho at nilapag niya yung mga binili niyang pagkain sa lamesa at nagulat na lang ako sa Nakita ko. Sobrang dami niyang binili. Gusto niya ba akong tumaba? Grabe ang isang to. Anong tingin niya sa akin matakaw?

THE MYSTERY GIRLUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum