TMG 36-BEGINNING OF GAME

1.6K 35 0
                                    

CHAPTER 36

SAMANTHA POV.


Nandito ako ngayon sa loob ng kuwarto ko at inaayos ang mga gamit ko. tatlong araw na kaming hindi nag uusap ni Zincho kahit na mag katabi kami sa upuan ay para lang siyang hangin.





Bubuntung-hininga tapos matutulog at Kung Hindi naman ay nakikinig lang sa guro namin kaya naman hindi ko na lang siya pinansin noon. Ewan ko parang gusto ko siyang kausapin pero parang may pumipigil sa akin na wag daw.






Napatayo ako sa kama ko mula sa pag kauupo at Inayos ko yung damit ko. naka t-shirt lang ako na kulay Itim at nakapantalon habang naka jacket pa ako. Kinuha ko yung cellphone ko at Airphone tsaka lumabas nang kuwarto at habang nag lalakad ako sa corridor ay parang may napapansin akong parang may nakatingin sa akin kaya naman hindi ko na pinansin at isinuot ko Airphone ko sa tenga ko.






Nang makalabas na ako ng dorm namin ay pumunta ako sa may Woodland at umakyat sa Puno doon samay sanga. Nakatingin lang ako sa malayo. Half Day lang Kasi kami ngayon.





Dahil may meeting day yung mga guro namin kaya ganun. Habang nakatingin ako sa malayo ay napakasarap ng hangin dito. Yung simoy niya ay ang bango. Naramdaman ko na namang parang may nakatingin sa akin kaya naman mabilis akong tumalon mula sa Puno at tumakbo.





Nakakita naman ako ng isa punong malaki dahilan para mapatago ako doon at Sumilip ako doon. Nakita ko ang isang likod ng lalaki kaya naman lumabas ako at tumayo sa likoran niya habang nakasandal sa Puno.






“Anong kailangan mo?" Malamig na wika ko sa kanya dahilan para mapatingin siya sa akin. Nakangiti siya ng malaki kaya naman napakunot ang noo ko sa mga ngiti niya.






“Ikaw" Nakangiting wika niya sa akin. Bakit siya ganito? Masyadong Bipolar.. Hindi kaya ay may sakit siyang Bipolar Disorder?






“At bakit?" Malamig pero seryusong tinig ko sa kanya. Ano bang kailangan mo sa akin. Matagal bago siya sumagot sa akin may pangiti-ngiti pa siyang nalalaman diyan kaya naman kumunot ang noo ko talaga sa sinabi niya.






“Tungkol doon sa game natin" Nakangiting wika niya pa sa akin kaya naman napatingin ako sa kanya ng seryuso.






Anong nangyayari sa mukong na ito? parang kahapon lang sobrang sungit at hindi maipinta ang pag mumukha ngayon naman sobra Kung makangiti. “Ano namang meron doon?" Malamig ngunit may Seryusong wika ko sa kanya.






“Dahil Hindi maganda yung pagdating natin dito nakalimutan na natin kaya naman gusto Kong ituloy yung game natin bukas. Ano Deal?" Nakangisi niya pang wika sa akin. Ano bang nangyayari sa kanya? Nahihibang na ba siya?






“What?" Takang wika ko sa kanya na hindi makapaniwala. Tsk! Pinag tritripan niya ba ako? Dahil Kung oo hindi ako uurong sa mga trip niya at sa sabayan ko pa.





“Deal?" wika niya sa akin habang nakangisi na parang nang-aasar. So? sinusubukan niya talaga ako? Pero Sisiguraduhin Kung ako yung mananalo sa larong ito.




THE MYSTERY GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon