TMG 38-HEAD QUARTER

1.5K 37 0
                                    

CHAPTER 38



“Ano bang kailangan mo!?" inis na wika ko sa kanya at tinulak pa siya palayo sa akin pero hindi siya nag patinag sa akin at nginitian niya ako dahilan para mapataas ang kilay ko.





“Ikaw! Kanina pa kita hinahanap dahil may usapan daw kayo ng kuya mo at ang sabi niya ay hindi siya makakapunta kaya ako na lang ang sasama sayo doon kaya halikan" wika niya sa akin at hinila ulit yung kamay ko.






Mabilis kaming nag lakad patungo sa parking at binagsak buksan niya ako ng pintuan at ng makapasok na siya ay mabilis niyang pinatakbo yung Kotse niya. Tumingin ako sa kanya na parang nag tataka “Matagal mo na bang alam Yun?" Ewan ko pero yun ang unang salitang pumasok sa utak ko.





“Ang alin?" Wika niya sa akin kaya naman napakunot naman ang noo ko at napatingin sa kanya ng masama.







“Syempre yung tungkol sa Crustal Mafia!! Kaya ba Hindi mo sinabi sa akin yung tungkol doon? Noong one time na tinanong kita?" Ewan ko ba. Parang gusto Kong malaman yung sa sabihin niya sa akin.








“Oo" Tanging wika niya sa akin kaya naman bumagsak ang dalawang balikat ko. So? ako lang pala ang walang Alam dito? Ako lang pala? Nag mukha ba akong tanga? Wala akong Alam tungkol sa mga magulang ko..





“Gaano na katagal?" wika ko sa kanya sa malamig na tono ng boses. Tumingin naman siya saglit sa akin at ibinalik din yung tingin niya sa kalsada.






“Noong umuwi ako galing sa Australia sinabi sa akin ni Dad" wika niya sa akin kaya naman tumango tango na lang ako sa kanya at tumingin sa labas ng bintana. "Sigurado kaba dito sa gagawin mo? Samantha?" wika niya sa akin kaya naman nilingon ko siya.





“Anong ibig mong sabihin?" Takang wika ko sa kanya Nakita ko naman ang seryuso niyang mukha habang nag mamaneho.




“Handa kabang makilala ka nila?" Seryusong wika niya sa akin kaya naman tumango tango ako sa kanya.







“Handa akong makilala nila ako pero hindi bilang si Samantha Kung hindi bilang si Devon. Ang Rank One ng buong asya" Seryusong wika ko sa kanya at tumingin ako sa kanya “pwede ba tayong dumaan sa mansion" wika ko pa.




“Ok. Sige" Tanging wika niya sa akin. Mabilis kaming nakarating sa mansion at nag bihis na ako ng damit ko at kumuha ako ng baril na Benelli M4 at inilagay ko Ito sa bag at kumuha din ako ng mga knife na maliliit pang desert Yun.





Lumabas ako ng mansion at pumasok na sa loob ng Kotse at Kinuha ko yung maskara ko at isinuot Ito. Mabilis na nag maneho ng Kotse si Skyler hanggang sa makarating kami sa isang malaking malaking gate at bigla itong bumukas.






Huminto sa pag mamaneho si Sky at lumabas na ng Kotse Nakita ko si Kuya Samuel na nakatayo sa unahan habang nakatayo sa harapan niya ang mga lalaking naka Itim at naka Toxedo pa ang mga ito.






Lumapit si Sky Kay Kuya at may ibinulong kaya naman napatingin si Kuya Samuel sa Kotse. Hindi nila ako nakikita mula sa labas pero nakikita ko sila mula sa loob.





Lumabas ako ng Kotse at napatingin sa akin lahat ng mga tauhan dito. Yung mga tauhan na may hawak na mga baril at yung mga nag babantay ay napatingin din sa akin.






Lahat sila ay gulat ng makita ako. Hindi ba naman ang hindi magugulat ng bigla mo na lang Makita ang isang Rank One ng Buong Asya pag dating sa mga Gang war at ngayon nandito ako sa Crustal Mafia at nakatayo sa HQ nila. Tsk!






THE MYSTERY GIRLWhere stories live. Discover now