TMG 45- ZINCHO AND I

1.3K 25 0
                                    

CHAPTER 45

Nagising ako sa sinag ng araw na tumama sa aking higaan. Tsk binuksan na naman nila Gia yung bintana ko. Bumangon na ako mula sa pag kakahiga ko at dumiretso sa banyo at sinara ko na iyon.

Mabilis lang akong naligo at nag bihis ng damit pero bago pa ako tuluyang nakalabas ng kwarto ko ay may biglang pumasok sa isip ko.

“Hindi na kita kailangan pang patawarin dahil matagal na kitang napatawad"

Hayss! Ano bang nangyayari sayo Samantha? Hayss. Lumabas na ako ng kwarto ko at nakita ko naman yung tatlo na ngumiti naman ako sa kanila “Good Morning" Tanging Sambit ko sa kanila dahilan para mapatingin sa akin si Gia na parang nag tataka kaya naman umiwas na lang ako ng tingin sabay nag kibit-balikat na lang ako.

Lumapit sa akin yung tatlo ng Kunin ko yung bag ko “Samantha may sakit kaba?" Sambit bigla ni Hailey sa akin sabay hinawakan niya pa yung noo ko na parang tinitignan kong may sakit ako.

“Ano ba?!" inis na tinanggal ko yung kamay ni Hailey sa noo ko sabay tingin sa kanila ng masama. Tsk! Nag peace sign lang sila sa akin kaya naman tumingin ako sa kanila “Mauna na ako sa inyo sa cafeteria na lang ako kakain" wika ko sa kanila.

Lumabas na ako ng hallway at habang nag lalakad ako sa hallway ay nakatingin na naman yung mga istudiyante sa akin. Ganun parin sila sa akin Kung tumingin akala mo sikat ako. Tsk.

Patuloy lang ako sa pag lalakad ng may bumangga sa akin. “Tanga kaba?!" inis na sigaw niya sa akin kaya naman napatingin ako sa kanya sabay irap ng mata. Nakita ko namang tumayo siya mula sa pagkatumba niya.

Habang ako nakatayo lang dito. Narindi ako sa sinabi niyang tanga ba ako? tsk baka siya yun! “Ang salitang tanga hindi nababagay sa mga kagaya Kong magaganda pero sa isang katulad mong mukhang palaka tiyak pasok na pasok sa pag mumukha mo yan" Nakangising wika ko sa kanya. Remember Diba nga bitch ako.

“How dare you!"

“And how idiot are you?!" Tsk. Sa susunod girl Humanap ka ng mas nakakapanget Sayo para hindi ka nag mumukhang talunan sa huli. tsk.

Nilang pasan ko lang siya at nag lakad na ako papuntang cafeteria. pumasok na ako sa loob ng Cafeteria at nag lakad na ako papuntang counter ng may biglang humawak ng kamay ko kaya naman napatingin ako dito.

“Humanap kana ng upuan natin ako na mag o-order" Nakangiting Sambit niya sa akin kaya naman napapikit muna ako ng mariin sabay dilat. Siya nga.

“Z-zincho"

“Ano bang gusto mong kainin?" Para akong naninibago sa kanya. Dahil mabait siya sa akin ngayon pero may gusto akong itanong sa kanya kaya naman gusto ko din siyang makasabay.

“Salad,Pizza basta bahala kana.. Hanap lang ako upuan natin" Sambit ko sa kanya sabay binitawan na niya yung kamay ko. Nakahanap naman ako ng upuan sa may dulo.

Mas gusto Kong umupo sa dulo hindi dahil ito na lang yung upuan dahil mas tahimik at parang walang nakatitig sayong iba. Yung feeling na komportable ka doon.

Nakita ko naman si Zincho na palapit na sa upuan at may dalang pagkain. nilapag naman niya yung mga pagkain at napatingin naman ako sa mga pagkain. Ang dami niyang biniling pagkain.

“May balak ka yatang patabain ako"

“Pwede din. Para Hindi kana magustohan ng iba at ako na lang." Napatingin ako sa kanyang sinabi pero parang wala lang sa kanya yun. Napayuko tuloy ako ng kunti feeling ko mukha akong kamatis nito.

THE MYSTERY GIRLWhere stories live. Discover now