TMG 48- MU Mag-isang Umiibig

1.1K 23 0
                                    

Nagising ako sa isang sinag ng araw. Napakaganda ng tulog ko ngayong araw. Bago ako matulog ay napakasaya ko dahil sa makukulit na grupo ng Entrex at Dark Hell.

Bumangon na ako mula sa pagkakahiga ko at pumunta na sa banyo para maligo at magbihis. Nandito padin kami sa resort dahil walang pasok kami ng isang linggo. Hindi nga namin alam kung bakit basta wala daw na pasok.

Lumabas na ako ng kwarto at Nakita ko naman silang lahat na naglalaro sa labas sa tabi ng pangpang. Napapangiti na lang ako ng Makita ko silang ganyan kasaya.

Si Hailey nakikipag habulan kay Shawn at si Gia naman ayon nag pipicture picture sila ni Jake dala yung Camera at si Erika naman ayon naglalaro ng Volleyball kasama si Yohan.

Habang ang mga Entrex naman at Dark Hell ayon nag hahanap ng trip nila. Sila Zack at Nathan nilibing nila yung sarili nila habang sila Carlo,Jin at Enzo naman ay masarap na nakahiga sa Lupa habang naka shade pa sila.

Yung Dark Hell naman ay nilibing nila yung bola tapos Saka sila nag tatambing at Kung ano-ano pang ginagawa nila. “Bakit ayaw mong sumama sa kanila?" Napatingin naman ako sa nag-salita.

“Ang saya nila tingnan Sky. Naalala ko tuloy sila Mom and Dad tapos sila Kuya Marco. Diba Sky ganyan din tayo kasaya dati" Nang sabihin ko yan. may namumuo ng luha sa aking pagitan ng mga mata.

Tama. Ganyan kasaya kami dati Lalo na kapag nag sasama-sama yung pamilya namin. Napakasaya namin lahat dahil sa mga okasyon na dumadaan ay lagi kaming sama-sama.

Kaso dahil sa okasyon din ng pamilya namin nawala silang lahat na parang bula. Si Kuya Marco siya yung pinsan ko na lagi din namin kasama ng bata pa kami.

Napaka hirap lang isipin na sa isang iglap mawawala lahat ng masasayang oras namin. Yung tipong hindi na maibabalik ang lahat sa dati “Hay! Naku! Sammy wag muna alalahanin ang mga tapos na mangyari lalo kalang masasaktan" Sabi niya sabay lapit sa akin at inakbayan niya ako.

“Salamat Sky kasi hindi mo ako iniwan tapos Ikaw lang yang nakakaintindi sa akin"

“Para saan pa at naging big-time tayo. Diba?"

“Oo na po. bigtime"

Tinanggal ko yung pagkakaakbay niya sa akin tapos niyakap ko siya. Naramdaman ko din namang niyakap niya din ako. Ewan ko ang Gaan ng pakiramdam ko sa tuwing nandito siya sa tabi ko.

Nakakainis lang isipin na kung sino pa yung hindi ko kasundo noon ay siya payung tatagal sa tabi ko ng mga oras na wala na akong paki-alam sa lahat ng nangyayari sa mundo.

“Samantha!! Tara na!!"

“Oo nga!! Tama na yang loving ninyu!! haha"

“Whahahaha!!!"

Napatingin naman ako kay Erika at Hailey ng sumigaw sila ng ganun dahilan para tumawa yung iba kaya naman napahiwalay ako Kay Sky sa pagkakayakap at Tumingin sa kanila.

Nakita ko naman si Zincho na nakatingin dito sa amin at ang sama ng tingin niya sa amin. Anong nangyari sa isang ito? Tapos tumalikod siya at nag lakad na siya paalis.

Ano kayang problema ng isang yun? Bakit ganun na lang siya makatingin? May nagawa ba akong masama? Wala naman Diba? tsk bahala na si Batman. Lumipas ang mga oras at masaya kaming nag laro ng Volleyball.

Kalaro namin ang mga Entrex at Dark Hell ang saya grabe yung tipong si Enzo Dahil bakaw siya sa bola ayon nasubsob yung pagmumukha sa buhangin. Natatawa na lang ako sa mga nangyari.

Matapos naming maglaro ay pumunta kami nila Gia,Hailey at Erika sa isang Kubo at umupo kami doon.

“Samantha sabihin mo nga sa amin ano bang meron kayo ni Zincho?"

THE MYSTERY GIRLWhere stories live. Discover now