TMG 55- VINCENT BARIELLES

1.4K 29 0
                                    

Nandito ako ngayon sa isang store at bumibili ng pagkain ko. Naghahanap ako ng pwede Kong makain.

“Oops! Sorry po" Napatingin naman ako sa batang nakabangga ko. Nasa edad kinse lang siguro siya. Dahil mukhang bata pa talaga siya. Tinulongan ko naman siyang pulutin yung gamit niyang nalaglag.

Pero may isang bagay na nakaagaw ng pansin ko. Isang litrato ng batang babae at mukhang siya ito habang may kasamang lalaki at mukhang kasing edad lang ni Mom and Dad. Parang Nakita ko na siya Kung saan.

Sabi ko na nga ba at Nakita ko na siya dati. Siya yung pulis na nasa bahay dati at tanong ng tanong sa aking Kung anong nangyari at Kung ano-ano pa ang tinatanong niya.

“iha maari mo bang sabihin sa amin ang mga nakita mo" Sambit ng isang pulis sa Akin pero wala akong sinabi sa kanya at nakatulala lang ako habang nilalabas ng ibang mga pulis yung bangkay ng buong pamilya ko.

Lahat ng pulis nag kakagulo sa loob dahil sa mga bangkay ng pamilya ko, katulong at ng mga guard. lahat ng tao sa bahay namin pinatay nila! pinatay nila lahat! lahat!

Wala silang puso! mga hayop sila! “I will kill her!!" Mangiyak ngiyak Kong sambit sa pulis habang yung pulis naman na nag tatanong sa akin ay hinawakan niya ako sa likoran ko at hinimas himas niya yung likod ko.

Para patahanin. “Bibigyan namin ng hustisya ang pamilya mo" Sambit ng pulis sa akin. Pero Hindi ako nakinig sa kanya at tinitigan ko siya sa mga mata niya.

“Salamat po ate" Sambit sa akin ng batang babae ng inabot ko sa kanya yung gamit niya at napatingin naman siya sa litrato na hawak ko.

“Tatay mo ba siya?"

“Opo. Kaso wala na siya mag tatatlong taon na din po"

“I'm sorry"

“Naku.. Wala Po Yun. ok lang nasanay na din po ako" Sorry dahil sa nangyari sa tatay mo ng dahil sa paghahanap niya ng hustisya sa pamilya ko nadamay pa siya.

“May kapatid kaba? Or Kuya?"

“Meron po. Kaso kapatid ko lang siya sa tatay pero kapatid ko parin siya"

“Haha nakakatuwa ka. Nasaan na yung kapatid mo?"

“Nasa trabaho po. Siya ang sumunod sa yapak ng aming ama"

“Saan ka pupunta ngayon? Ihahatid na Kita"

“Talaga po? Naku maraming salamat po. Mahirap Kasi sumakay dito ate.. Malayo pa yung sakayan ng mga Jeep at bus"

“Oo naman. so tara na"

Sambit ko sa kanya. Sumakay na kami sa Kotse ko upang ihatid ko siya s bahay nila. Yung nararamdaman ko ngayon mas lalo pang lumala yung nararamdaman Kong Galit Kay Vincent sa ginawa niya.

Naaawa ako sa batang ito dahil naranasan niya ding mawalan ng magulang. Ilang buhay paba ang itong kukunin Vincent? ilan pa ba para tumigil kana sa mga ginagawa mo. Maraming nadadamay na inosenteng tao ng dahil Sayo.

Napahinto ako sa pagmamaneho ng may biglang humarang na Itim na van sa unahan namin kaya naman iniatras ko yung Kotse kaso may humarang din na kulay itim na van sa likod kaya naman wala na akong lalabasan.

“Ate anong nangyayari?"

“Hindi ko alam."

“A-ate sila yung mga bumaril sa magulang ko.. Natatakot ako ate"

“Wag Kang matakot nandito ako."

Lumabas yung mga lalaking nakaitim sa van at may mga hawak silang mga baril na nakatutok sa Kotse kaya naman tumingin ako sa batang babae na kasama ko. Nakikita ko sa mukha niya ang takot at kaba dahil sa nakikita niya ngayon.

THE MYSTERY GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon