TMG 34- BAD MOOD

1.5K 34 0
                                    

CHAPTER 34

Samantha POV.

(Play: I knew you were trouble)


“Darating ang tamang oras at panahon magiging masaya ang lahat" wika sa akin ni Skyler kaya naman napairap ako sa kanya at Napasandal sa upuan. Tiningnan ko si Skyler na nakatingin sa malayo.




“Sana nga Sky. Kasi pagod na ako sa ganitong buhay.. masyadong magulo ang lahat." wika ko sa kanya at bumuntong hininga pa ako sa kanya. Napatingin naman ako sa kanya. “Siguro Kung Wala ka dito.... Hindi ko kayang mag-isa" wika ko pa sa kanya.




“Kaya mong mag-isa Samantha. ikaw lang naman ang nag sasabihing hindi mo kaya.. Naniniwala ako sayo.. Samantha na kayang kaya mo yan. Basta lagi mong tatandaan na nandito lang ako. Palaging nakasuporta Sayo" Wika niya sa akin sabay lumingon siya habang Nakangiti kaya naman napangiti ako sa sinabi niya.




“Sabi mo yan ah.. haha Walang iwanan haha?" natatawa ko pang wika sa kanya kaya naman tumango tango siya sa akin at nag ok sign kaya naman nag ok sign din ako sa kanya.



“Walang iwanan bigtime" Nakangiti niyang wika sa akin kaya naman napangiti din ako sa kanya.



Siguro Kung wala siya Hindi ko kaya. Oo may mga kaibigan ako pero siya si Skyler yung taong kaya akong intindihin kahit na anong mangyari. “Bigtime walang iwanan" Nakangiting wika ko pa sa kanya at ginulo niya pa yung buhok ko kaya naman napasimangot ako.



“Nag-aayos kana pala ng buhok ngayon haha" Natatawa niyang wika sa akin kaya naman napairap ako sa kanya.



“Kaya naman ginulo mo?" Nakasimangot na wika ko sa kanya pero imbis na tanggalin niya yung kamay niya sa buhok ko lalo niya pang ginulo nito na parang nang iinis tsk.




“Haha ang cute mo talaga kapag ganyan ka" wika niya sa akin.




“Ikaw naman masyado Kang isip bata" wika ko sa kanya at tumayo na at nag lakad palayo sa kanya pero nagulat naman ako sa ginawa niya dahil inakbayan niya lang naman ako kaya naman napatingin ako sa kanya ng masama.




“Sayo lang naman ako nagiging isip bata eh" Nakangiting wika niya sa akin. Hindi ko na lang siya pinansin at nag patuloy lang kami sa paglalakad.



“Kamusta ka naman?" Wika niya sa akin kaya naman napatingin lang ako sa kanya at inalis ko din Yun.




“Ayos na parang hindi" wika ko sa kanya at patuloy lang kami sa pag lalakad.



“Mukhang mapapadalas ata ang pagtambay ko dito" wika niya sa akin kaya naman napatingin ako sa kanya.



“At bakit naman? Marami kabang lilinisin?" takang tanong ko sa kanya. Ang ibig Kong sabihin ay Maraming tatrabahuhin na mga pasaway na ayaw sumunod sa UC rule.




“Hindi sa ganun. Kasi nandito ka kaya gusto ko ding dito lang ako para mabantayan kita..At masiguro Kung maayos ka lang" wika niya sa akin kaya naman napakunot ang noo ko sa sinabi niya sa akin.



THE MYSTERY GIRLWhere stories live. Discover now