Chapter 4: James

277 31 0
                                    

Araw nang lunes ngayon, syempre may pasok na naman. Gladly, our professors didn’t gave us assignments. It’s a good thing anyway. It’s Monday today, after ng class ko ngayon araw, ay tutuloy na ako sa aking part-time job. It’s a coffee shop na para siyang style restaurant. Good thing dahil medyo close ko ‘yung owner kasi, he’s my classmate and we are in the block section.

Until now, the memories or, rather the scenarios happened yesterday is still in my mind. ‘Yung lalaking kumatok at galit na galit dahil sa malakas na pagpapatugtog ko. It’s O.M.G. I also remember that we are in the same University. Wait? Paano na ‘yan?

Habang naglalakad ako pa-pasok sa aming Campus. May mga nakita  akong kalalakihan na naghahabulan. Kaya napatigil ako sa aking paglalakad. At nung sundan ko ng tingin ang mga iyon, parang may nais silang bugbugin. Isang bagay ang rumihistro sa aking utak, parang pamilyar ang lalaking hinahabol nila.

Teka? Saan ko nga ba siya nakita? Tama! Siya ‘yung lalaking nakabunggo saakin nung nakaraan. ‘Yung lalaking bumunggo saakin na hindi man lang humungi ng sorry sa akin. Matapos kong tumayo at sundan ng tingin ang mga iyon. Naglakad na ako upang sundan sila. At habang pa-palapit ako sa lugar kung saan ay kasalukuyan nang nagkakagulo. Nakita ko ang lalaking iyon na pinag-kakaisahan ng apat pang mga kalalakihan.

“Hoy! Tumigil nga kayo sa mga katarandaduhan ninyo!” Malakas na pagsigaw ko sa kanila. Ngunit, napangiwi ako ng mapait nang saakin naman natuon ang kanilang paningin.

‘Bakit ko ba ginawa ang bagay na ito? Ngayon, sa akin na sila nakatingin.’

“Hoy, pandak! ‘Wag kang makialam rito.” Ako? Pandak? Bulag ba siya?

Dahil sa aking narinig na pang-aalipusta ng lalaking iyon. Nagpantig ang aking pandinig dahil tinawag niya ako pandak. He’ll regret it calling me pandak.

“Hoy, pangit! Ako pandak? O, baka naman sadyang matangkad ka lang? Well, you’re taller than me. Pero wala ka namang guwapo. Technically, useless rin ang pagiging matangkad mo.” Pagbawi ko matapos niyang yurakan ang aking pagkatao. It’s payback time.

Mukhang ‘di niya nagustuhan ang mga sinabi ko sa kaniya. Dahil bakas sa kaniyang mukha, ang inis at galit. Should I afraid of what this man can do to me? Should I run away from this place? No. I shouldn’t run after all. Inilibot ko ang aking paningin upang humanap ng magagamit kong sandata kung sakaling may gawin silang hindi kanais-nais saakin. I should be ready.
“Pre, bigyan mo nga ‘yang pandak na ‘yan ng jsang pektus. Masyadong madaldal at pakielamero.” Naiinis na pag-uutos nito sa kasamahan niyang isa ring pangit na tulad niya.

“Hoy! Lalaking bubuyog. Hindi ako nga ako pandak! How many time do I have to tell you that I am not pandak? I’m just cute size anyway.” Pagmamataray ko rito. Pero mukhang mas nakadagdag pa ang pagsagot na aking ginawa sa galit na nararamdaman ng lalaking ito.

“Pre, bigyan mo na nga ‘yan. Nang matahimik ang ingay.” Inis na utos nito sa kaniyang kasamahan.

“Kung magagawa ninyo.” Pang-iinis ko sa kanila. Isa sa mga natutunan ko, na ‘wag magpakita ng takot o kahit na kaba sa harap ng mga kaaway mo. Dahil lalo silang magkakaroon ng lakas ng loob kapag nakikita ka nilang takot.

I shouldn’t feared on them. They are just a little guys after all.

I saw the guy who took an order to his boss. Slowly reaching at my point. Kaya naman, inihanda ko ang aking sarili at ang kahoy na hawak ko.

“Akala mo ba? Masasaktan ako ng kahoy na hawak-hawak mo?” Natatawang pagtatanong nito saakin. Hindi naman bagay sa kaniya ang ganitong looks. Nakakaumay ang pagmumukha niya.

I don’t know. Let’s try then. Lett see kung tatalab ba? Or, hindi.”

Tinignan ko ang kahoy na hawak-hawak ko. Mukhang tama nga siya. Mukhang madali lamang itong mababali dahil sa medyo manipis ito. Nadapo naman ang aking tingin sa lalaking nasa harapan ko. Hindi agad ako nakagalaw dahil hindi ko inaasahan na nasa harapan ko na pala siya.

Hindi agad ako nakakilos nang bigla niyang naagaw saakin ang kahoy na hawak-hawak ko. Walang ano-ano ay binali niya ito sa aking harapan. Matapos niyang mabali ang kahoy na iyon, ay agad niya akong hinawakan ng mahigpit sa magkabilang braso ko.

“Akala ko ba matapang ka?”

“Bitawan mo siya. Wala naman siyang kasalanan rito.” Sabat ng isang boses. At nang tignan ko kung sino ang nagsalita. Nanlaki ang akin dalawang mata.

Siya ‘yung lalaking nagsisigaw saakjn noong Linggo dahil sa lakas ng pagpapatugtog ko. At siguro, siya rin ‘yung lalaking bumunggo saakin nung nakaraan.

Isang tanong ang nais kong itanong sa lalakin ito. Pero, wala akong oras para itanong ang bagay na ito sa gitnan ng sitwasyon naming dalawa.

“Ah!? Sumasagot ka pa!” Isang malakas na suntok ang tumama sa kaniya habang hawak siya ng dalawang lalaki sa magkabilang braso.

Nang dahil sa nasaksikahan ko. Nagpumilit ako na magpumiglas sa pagkakahawak saakin ng kung sinong lalaki ito. Isang ideya naman ang pumasok saaking isipan kaya ipinagpatuloy ko ang aking ginagawang pagpilas.

“Bansot, kahit anong pagpumiglas mo ang gawin mo. Hindi ka pa rin makakawala saakin.”

“Alam ko naman iyon. ‘Wag mo nang ipamukha saakin.” Sigaw ko rito.

Nagpatuloy ako sa aking ginagawa. Habang sila naman ay patuloy sa pagbugbog sa lalaking nakahandusay na sa simento. Nasa ganung sitwasyon ako ng aking pagpiglas. Hindi namalayan ng lalaking ito, na nailapit niya ang kaniyang braso malapit saaking bibig. Hindi na ako nag-alinlangan pa. Agad ko iyong kinagat ng buong puwersa na nagpasigaw sa kaniya. At dahil sa ginawa kong iyon, agad niya akong binitawan.

Humanap ako ng bagong pamalo. Nang nakakuha na ako. Agad kong inihampas sa lalaking iyon ang kahoy na nakuha ko. At tsaka ko ito nilundagan sa kaniyang likod. Nang hindi pa rin ito tumitigil, humanap ako ng mas solid na puwedeng ipamalo rito. Nakakita ako ng bote. Agad akong umalis sa likuran nito at agad na kinuha ang bote. Walang anu-ano ay inihampas ko ang bote sa lalaki. Dahilan upang mawalan iyon ng malay.

Nang masigurado ko na ng tulog na ito. Umayos na ako ng pagkakatayo. Humarap ako sa natitirang tatlong lalaki. I raised my left eyebrow and I placed my two hands in my hips.

“Ano sabi niyo? Hindi ko kayang makawala?” Pagsasalita ko at sabay turo sa lalaking walang malay sa gilid ko. Nang wala akong sagot na nakuha sa mga ito. Nagpatuloy ako sa aking pagsasalita.

“Ano? Bakit ako nakawala? Sino gustong sumunod sainyo?” Panghahamon ko sa mga ito.

Tila parang nabahag ang mga buntot ng mga lalaking iyon. Kaya naman agad nilang binitawan ang kanilang biktima at nagmamadali nilang kinuha ang kanilang kasama na walang malay. Nang makaalis na sila, agad ko namang nilapitan ang lalaki na ngayon ay wala nang malay. Humingi ako ng tulong sa mga estudyante upang madali siya sa clinic.

Crazy In Love With You [BOYXBOY][Completed]Where stories live. Discover now