Chapter 19.2: Jonathan

60 7 0
                                    

Para akong sinabuyan ng mainit at kumukulong tubig nung mga sandaling nilampasan ko si James. It made my heart broke into many pieces. Nakaya kong gawin ang bagay na iyon sa kaniya? Ang tanga ko. Ang sama ko kay James.

"Jonathan, are you okay?" Pagtatanong ni Alyn. Alam kong ramdam niya ang kakaibang pakiramdam na mayroon ako ngayon. Hindi ko alam kun paano ko sasabihin at ipaliliwanag sa kaniya.

"M-medyo..." Nauutal kong sagot rito.

Nang pumasok si Jess ay wala na si James. Akala ko ba magkasama sila at sabay na pumasok. Bakit siya lang ang mag-isang pumasok? Nasaan na si James? Iniikot ko pa rin ang aking ulo, nagbabaka sakaling mahanap at makita ko si James.

Ilang segundo ay kasunod na pumaso ni Jess ang aming prof. Dahil sa hindi na kaya nang konsensya ko ang ginawa ko kanina kay Jess. Ay pinuntahan ko sa kaniyang puwesto si Jess.

"Nasaan si James? 'Di ba sabay at magkasama kayo kanina?"

"Wala siya. Biglang sumama ang pakiramdam." Malamig na sagot nito saakin.

Hindi na ako sumagot sa kaniya. Agad kong kinuha ang aking mga gamit at nagpaalam saaming prof na may emergency ako ngayon. Alam kong nagtataka si Alyn at Jess. Pero hindi na kaya pa nang damdamin ko. Masyado ko atang nasaktan si James sa ginawa ko kanina.

Habang naglalakad ako palabas ng University. Iniisip ko kung saan puwedeng pumunta si James. Alam kong hindi pa siya uuwi agad ng bahay. Kilala ko siya. Habang patuloy ako sa paglalakad. Ilang patak ng ulan ang magkakasunod na pumatak mula sa kalangitan.

Naging lakad-takbo ang aking ginawa. At habang nasa malalim akong pag-iisip. Isang lugar ang aking naisip na maaari niyang puntahan. Hindi na ako nagdalawang isip. Hindi ko na rin inabala pa ang sarili ko na sumilong mula.

Ang mahalaga saakin ay mahanap at makita ko si James ngayon. Ayun ang mas importante saakin ngayon. Nang marating ko ang parke, agad kong inilibot ang aking paningin. At hindi sa kalayuan. Agad kong nakita si James, akmang lalakad na sana ako papunta sa kaniyang kinatatayuan.

Ngunit, napahinto ako sa aking mga narinig. Nabigla ako at hindi ko inaasahan na maririnig ko itong mga salita mula kay James. Nakaramdaman ako mg matinding kilig. Biglang bumilis ang pagtibok ng aking puso. Para bang isang panaginip ito na hango sa isang pelikula o series.

"Sana, kung naririnig mo 'ko, Jonathan. Mahal na mahal na mahal kita. Sobra akong nasasaktan dahil may kasama kang iba. Dapat ako 'yon, e. Kaso naging duwag ako. Naging mahina para sa nararamdaman ko para sa 'yo."

Mahal ako ni James? Paano naangyari 'yon? Ang akala ko wala siyang nararamdaman para saakin? Pero bakit ganito? Bakit niya sinasabi ang mga bagay na ito kung kailan handa na akong magmahal ng babae?

Hanggang ngayon. Hindi pa rin ako makagalaw sa aking kinatatayuan. Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga narinig ko mula kay James. Habang pinagmamasdan ko siya. Unti-unting lumalakad si James palayo. Hanggang sa nawala na ang kaniyang imahe sa aking paningin.

"Mahal na mahal rin kita, James. Kung alam mo lang."

Crazy In Love With You [BOYXBOY][Completed]Where stories live. Discover now