Chapter 33: James

56 7 0
                                    

What did I do wrong para maramdaman ang ganitong klase ng hirap at sakit ng pag-ibig. I was dreamt that I could love someone. Kahit kailan, hindi ko pinangarap na magkaroon ng dalawang taong magmamahal sa akin. Dahil isa lamang ang kailangan ko sa akin buhay. Sapat na sa akin ang taong magpapatunay ng totoo at sapat na pag-ibig.

‘Yung taong matutulungan ako sa lahat ng bagay. ‘Yung taong tutulungan ako na mag-grow as a person. ‘Yung taong uunawa sa akin kaoag hindi ko na mauwaan pa ang sarili ko. I need someone who are truly deserves my good sides as he faces my bad sides as well. Sapat na sa akin ang isang tao.

Pero, ano itong nangyayari sa akin? Muling bumabalik si Pau sa buhay ko. He wanted us back like we used to. He wants me back. I already fell in love with Jonathan. Sa maikling panahon na magkakilala kaming dalawa. Hindi ko napansin na nahulog na pala ang loob ko sa kaniya. Pero, nariyan na si Avin at muli siyang nagbalik para kay Jonatha. Nariyan na rin si France para pakasalan si Pau.

Ganito na ba talaga ang buhay ko? Ang laging napag-iiwanan ng panahon? Hindi naman ako nagmamadali na magmahal. Pero, bakit ganito naman kakumplikado ang sitwasyon na aking pinagdaraanan? Do I deserves it all?

“James, are you okay?” Biglang pagtatanong sa akin ni Christian.

Napahinto naman ako sa aking pag-iisip at nilingon ko ang dalawang taong nasaa aking tabi. Jess asked me out. Inayas nila akong dalawa na lumabas para raw kahit pa-paano ay marefreshen raw ang aking pag-iisip.

“Magsisinungaling lang ako kapag sinabi kong—oo.” Napabuntong hininga na lamang ako sa naging sagot ko sa kanila.

Naramdaman kong lumapit si Jess sa akin tabi. Habang si Christian naman ay lumipat sa puwesto ni Jess. Narito kami ngayon sa isang lugar na kung saan ay bibihirang puntahan ng tao. Hindi ako pamilyar rito ngunit masasabi kong maganda at tahimik ang lugar kung saan ako dinala nina Jess at Christian.

“Baks, naiintindihan ka naming dalawa ni bebe ko. Pero, ‘wag mo rin sa nang patayin ang sarili mo sa kakaisip sa mga bagay na hindi mo na kayang unawain pa. Ano pa bang silbi naming dalawa ni Christian, kung patuloy mong sasarilihin ang lahat ng sakit at lungkot na nararamdaman mo. We are always be here for you, baks. You can share your rants to us. We’re willing to listen.”

“He’s right, James. Ano pa ba ang silbi namin kung hindi mo rin naman sasabihin kung ano ‘yung mga bagay na patuloy na nakakapagpabigat diyan sa loob mo. Alam ko na at hindi namin ramdam ni Jess kung gaano ka nahihirapan sa sitwasyon mo ngayon. Pero sapat na sa aming dalawa kung ano ang nakikita namin sa ‘yo. Nasasaktan rin kami kapag nakikita ka naming nasasaktan. Hindi ka nag-iisa, narito kaming dalawa ni Jess para samahan at damayan ka sa laban mong ito.”

I can’t hold my tears any longer but to let the droplets down to face. Napayuko na lamang ako sa kanilang mga sinabi sa akin. Tama sila, ano pa bang ang silbi ko bilang kaibigan nila kung hindi ko rin naman tutulungan ang sarili ko na mapagaan ang nararamdaman ko. Masyado kong sinasaktan ang aking sarili sa mga isiping hindi naman nakakatulong sa akin.

Pero, ayoko rin na pati sina Jess at Christian ay problemahin kung ano ang aking problema. Ayokong pati silang dalawa ay magkaroong ng hindi pagkakaunawaan na dalawa nang dahil lamang sa akin.

Muli akong nag-angat ng aking tingin. Nakita ko ang nag-aalalang mga mukha nina Jess at Christian. Napabuntong hininga na lamang ako. Tanging isang ngiti lamang ang aking naging sagot sa dalawa. Hindi ko tuloy lubos maisip ang lahat nang nangyari nitong mga nagdaang araw. Dahil hanggang ngayon ay patuloy pa rin akong naguguluhan sa mga naging tinuran sa akin ni France.

“Ano na naman bang gulo ang dala mong higad ka?” Mataas na tonong pagtatanong ni Jess sa nakatayong si France ‘di kalayuan mula sa aming puwesto.

Crazy In Love With You [BOYXBOY][Completed]Where stories live. Discover now