Chapter 15: Jonathan

161 22 0
                                    

Sa paglipas ng mga araw, aaminin ko na mas lalong lumalim ang nararamdaman ko para kay James. Hindi ko alam bakit hindi ko magawang aminin saa kaniya ang nararamdaman ko. Ewan ko. Pagdating kay James, natotorpe ako. Hindi naman ako ganito dati. Parang ang lakas ng epekto sa akin ni James.

I chose not to tell him about my feleings for him. Instead, mas gusto ko pang magkasama kaming dalawa. Kaysa sa magkaroon kami mg awkwardness sa isa't-isa. I think, this is the best I can para mas kilalanin pa siya ng lubusan. Pag-aralan kung sino nga ba siyang talaga.

Sa maigsing panahon na nagkakilala kami ni James, ang tanging masasabi ko lamang ay, masiyahin siyang tao. Ayaw niyang nawawalan ng pag-uusapan. Totoo siya sa sarili niya at sa kaniyang nararamdaman.

"Jonathan-" Agad akong napalingon kay James ng bigla nitong banggitin ang aking paangalan.

"Jonathan, bakit ka namumula? Are you okay?" Nag-aalalang tanong nito sa akin. Agad ko namang hinipp ang aking magkabilang pisngi. At mukhang tama nga siya, pakiramdam ko nga ag namumula at nag-iinit ang aking mukha.

Shit. Ano ba itong kakaibang nangyayari sa akin? Tinawag lamang ako ni James, agad na akong pinamulahan ng mukha. Hindi kaya kinikilig ako sa ginawang pagtawag sa akin ni James.

"Ah! Hindi. Wala ito. Don't mind me." Natataranta kong sagot rito. Napakamot at napakagat labi na lamang ako. Nahihiya ako kay James, baka kask kung ano ang isipin niya sa mga inaasta ko ngayon.

"Sure ka ba talaga na ayos ka lang? Teka, bakit parang pinagpapawisan ka ata? Jonathan, 'yung totoo? Ayos ka lamang ba? Nasa loob tayo ng Mall, pero pawis na pawis ka." Mas lalo akong nataranta sa sinabing iyon ni James. Kaya naman agad kong kinuha ang bimpong nasa bulsa ko. At agad ko itong pinunas sa aking mukha at batok.

Yeah. Nandito kami sa Mall ni James. Inaya ko siya para lumabas kaming dalawa. Pambawi sa mga nagawa ko sa kaniya noon. Do I consider it as our forst ever date together? Shit. It's sounds gay pero kinikilig ako sa mga naiisip kong ito.

"Wala. Medyo mainit kasi. Alam mo 'yung maalinsangan kahit malamig naman." Pagpapalusot ko rito.

"Ewan ko ba sa 'yo, Jonathan. Medyo weird ka today. Tara na nga at kumain na tayo. Nagugutom na ako." Nauna na siyang maglakad sa akin. Habang ako ay nananatili pa ring nakatayo.

Ano ba itong nangyayari sa akin? This can't be. 'Wag ngayon ayokong mapahiya kay James. I have to act normal. Not childish one. I should react like I am his boyfriend.

"Aww. Ang liit naman at ng manok nila ngayon? Hindi na ito katulad ng dati." Pagrereklamo ko.

"Jonathan-malaki man o mmaliit 'yang manok na kinakain natin. We should be thankful for that." Pagsermon nito sa akin. Napatango na lamang ako sa kaniya dahil nananatili itong nakatingin sa akin.

Tama nga naman si James. We should be thankful kahit gaano pa kaliit o kalaki ang manok na aming kinakain. I shouldn't be this way. Mas maraming mga Pilipino ang nagugutom kaysa sa reklamo na aking ginagawa.

"James, sorry pala sa inasta ko. Sorry if I acted like a child in front of you. Hindi ko naman gusto na magreklamo sa manok nila, e. Sorry if I was too being sensitive." Saad ko rito.

"Wala naman sa akin 'yon. Ang akin lang, dapat tayong matutong magpasalamat sa kung ano ang mayroon tayo. We should be contented for what we have. Then, stop being so bad sa nagawa mo. Nauunawaan ko naman. Anyways, you're cute when you acted like a child one."

Halos hindi ako makagalaw sa sinabing iyon ni James. Tamaa ba ang aking narinig? Na nacu-cute-an siya sa akin kapag nag-aasal bata ako? Shit. Kinikilig ba 'ko? Nang walang salita ang lumabas sa aking bibig. Agad na nagsalita James sa akin.

"Sige na. Tapusin na natin 'tong kinakain natin. Para makauwi na tayo. Mahirap nang sumakay kapag gabi." Pagsasalita nito sa akin. Agad naman niyang kinain ang pagkain na nasa harapan niya.

"James- puwede ba akong matulog sa kuwarto mo mamaya?" Nauutal kong pagtatanong rito. Lord, please? Pumayag sana si James.

"Oo naman. You're always welcome. Basta ba, 'wag ka lang magulo matulog." Tumango ako rito senyales nang aking pagpayag sa kaniyang simpleng pakiusap.

Habang naglalakad kami pauwi ni James sa boarding house na parehas naming tinutuluyan. Ay kapwa kami tahimik na naglalakad. Walang may nais na magsalita. Hindi ko alam kung paano sisimulan ang pakikipag-usap sa kaniya. Naroon pa rin kasi ang hiya ko. Kaya mas minabuti ko na lamang na tumahimik at sabayan ang ginagawang paglakad ni James.

Habang naglalakad kaming dalawa. Napatingin ako kay James. Hindi naman siya katangkaran. Kung tutuusin, average height ang mayroon siya kumpara sa akin. Para siyang duwende kung maglakad sa itsura niya. He's so cute. Ilang sandali pa, nakarating na kaming dalawa sa kaniyang kuwarto.

"Tuloy ka, Jonathan." Pag-imbita sa akin ni James. Nahihiya man ako pero tumuloy na rin ako. I don't wanna lose this opportunity. Matapos kong maisara ang pintuan ay naupo ako sa silya na nasa tabi ng mesa niya

"James, puwedeng makigamit ng CR? Naiihi na kaso ako kanina pa, e." Paalam ko rito.

Tumango naman si James at agad akong sinamahan nito sa CR. Nang makapasok na ko, ay tumingin ako sa salamin. Napagmasdan ko ang aking sarili. Namumula ang aking magkabilang pisngi. I shrugged my head at huwag na lamang bigyan pansin ang pamumula ng aking mukha. Matapos kong umihi ay agad na rin akong lumabas ng CR.

Maglalakad na sana ako ng makita ako ni James na nakatayo. Kaya inaya niya na ako sa kaniyang silid. Para parehas na kaming makapagpahinga na dalawa.

"Ito pala ang kuwarto ko. Maayos naman siya at malinis. Tsaka maganda rin yung kulay." Biglang pagsasalita nito nang makapasok na kaming dalawa. Inilibot ko naman ang aking paniingin sa kaniyang silid.

"Ito talaga ang kuwarto mo?" Tanong ko rito. Hindi ako makapaniwala na sobrang linis niya sa kuwarto at sa gamit. Kumpara sa kuwarto ko, na akala ay laging may giyera.

"Mahiga ka na nga lang. Bukas ka na mamangha sa ganda ng kuwarto ko. Inaantok na rin ako. At alam ko na inaantok ka na rin." Habang nagsasalita si James, ay pumupuwesto na ito ng kaniyang higa. Agad naman akong tumabi rito at pinatay ang ilaw ng kuwarto. Hindi kasi ako sanay na bukas ang ilaw kapag natutulog.

Ilang sandali pa, nang lingunin ko si James. Ay mahimbing na itong natutulog. Siguro nga ay sobra siyang napagod sa ginawa namin kanina.

"James, I don't know. Hindi ko alam kung paano at bakit nangyari ito sa akin. Hindi ko alam pero, iba ang sinisigaw ng puso ko. Ikaw 'yung palaging gustong makita ng aking mga mata. James, ano bang ginawa mo sa akin? Bakit ganito ang nararamdaman ko para sa 'yo? Sinubukan ko namang lumayo at iwasan ka, 'di ba?

Pero walang nangyari. Yung nararamdaman ko pa rin ang nanaig. I don't know if I could tell you about this. Ayokong masira ang relasyong sinisimulan pa lang nating buuin. I don't wanna lose you anymore. Magpapanggap ako hangga't kayo ko."

Matapos kong sabihin iyon sa tulog na James. Bahagya akong umangat upang bigyan ito ng isang halik sa kaniyang noo. Matapos kong gawin iyon. Ay naramdaman kong bumigat ang dalawang talukap ng aking mata na senyales na ako'y inaantok na.

Crazy In Love With You [BOYXBOY][Completed]Where stories live. Discover now