Chapter 8.1: James

169 24 0
                                    

Habang pa-pasok ako sa aming room, nakita ko ang aking mga classmates na nagkakagulo. Hindi ko alam kung bakit kaya nagmadali akong maglakad para alamin ang bagay na ‘yon. Nang makapasok na ako sa aming room, doon ko mas nakiya ang aking mga classmates na animo’y nalilito sa nangyayari. Hinanap ako ang aking kaibigang si Jess upang magtanong kung ano at bakit nagkakagulo ang lahat.

“Baks! May announcement raw ngayong araw ang SC sa section natin.” Nang makita akong palinga-linga ni Jess, ay agad na akong nilapitan nito. At habang naglalakad siya palapit saakin ay sinasabi niya na ng malakas ang rason kung nagkakagulo at nagkakaingay ang buong klase.

Jess Sandoval. He’s my friend. A really good friend of mine. He used to called me “Baks”. Dahil raw naamoy niya na may something raw saakin. Nahahalata niya raw ang pagiging malansa ko simula nung magkakilala kami nung pasukan. He admitted the fact that he’s gay and he is so really proud of it. Sabi niya pa—just be true and be yourself as you conquer the world.

“Announcement?” Taka kong tanong rito.

Napatango naman ito ng kaniyang ulo senyales na pag-sang ayon niya sa aking tanong.

“Gosh! Where have you been ba? Well, ngayon lamang nagsabi ang VP ng SC ang tungkol sa bagay na ito.”

“I mean, sinabi ba kung para saan at ano ‘yun announcement nila? Nakakapagtaka naman. Dapat kahapon pa nila sinabi ang tungkol sa bagay na ‘yon.” Akmang sasagot pa sana si Jess sa aking mga sinabi. Ngunit, bigla nang dumating ang VP para sa kaniyang agenda.

Napaupo naman kaming lahat. At biglang parang may anghel na dumaan sa aming harapan na siyang naging dahil nang pagtahimik ng buong silid.

“Good morning, Everyone. Sorry kung ngayon lang namin sinabi sainyo ang announcement na ito. It is because even us, SC ay nabigla rin sa bagay na ‘to.” Huminto ito sa kaniyang pagsasalita. Inilagay niya ang mga papel na kaniyang hawak sa table ng aming prof sa tsaka ito nagpatulot sa kaniyang pagsasalita.

“Madadagdagan kayo ng classmates.” Pagpapatuloy niya.

Halos walang nakaimik saaming lahat. Ito ba ‘yung announcement na sasabihin nila saamin? Is it true na madadagdagan kami? Teka, saan naman magmumula ‘yung ibang estudyante na ililipat rito? I mean, saang course.

“Anong madadagdagan, Ms. VP?”

“As I was saying, yes, madadagdagan kayo ng classmates. What I mean is that, may isang section kasi na nadesolved sa kabilang building. Dahil sa kawalan nila ng professors na pumapasok sa kanila. At like what I did, ngayon pa lang rin nila malalaman ang tungkol sa bagay na ito.”

“So you mean, na mas dadami pa kamki rito sa klase? Ms. VP sana naman mga lalaki ang malipat rito at huwag nang mga babae. Ayoko nang masyadong pa-girl kasi nakakairira ba. I want more boys, please? ‘Yung guwapo sana, malaki ang katawan. At most important is, ‘yung alam mo na.”

Nakakahiya talaga itong kaibigan kong si Jess. Gusto talaga yung guwapo at malaki ang katawan. Plus, ‘yung malaki pa ang ano. Napailing na lamang ako sa mga suhestyon ng aking kaibigan. Nang madapo ang aking paningin sa VP na nasa harapan, ay pati rin siya ay natatawa sa mga pinagsasabi ng kaibigan ko.

“Don’t worry, Jess. 10 students naman ang malilipat sainyo. And, tulad ng Major ninyo na Banking ang Finance, ganun rin ang course at Major nila. At tatlo sa sampung iyon ang matatalino. Isa pa, lahat ng malilipat sainyo ay puro lalaki. Walang babae.”

“Good, Ms. VP. Mas maganda na ‘yung nagkakaliwanagan tayo. Ayoko nang masyadong maraming kalaban pagdating sa lalaki. By the way, honestly, hindi talaga babae ang competitor ko rito. Kundi si James na best friend ko pa.”

Seriously? Competitor talaga ang tingin saakin ng kaibigan kong ito? Samanatalang, puro babae ang nakakalaban niya sa mga lalaking nagugustuhan. Tsk. Ang lakas talaga ng topak nitong Jess na ‘to. Pati ako dinadamay sa kalokohan. Matapos ang announcement na iyon ng VP ay napaisip ako. Sinu-sini kaya ang mga students na malilipat saamin. Bakit ganito? Bakit parang kinakabahan ako sa mga taong malilipat sa block namin.

Crazy In Love With You [BOYXBOY][Completed]Where stories live. Discover now