Chapter 24: James

83 9 3
                                    

Habang naglalakad kami ni Jess pabalik sa cafeteria ng University. Muling nag-pop up ang imahe kanina ni Pau habang nakikipag-usap kami ni Jess kila France at sa mga kaibigan nito.

He’s face looked so messed. His face says it all na para bang he’s not happy anymore to be with France forever. May kung anong bagay ang nais niyang iparating saakin na hindi ko mahinuha kung ano. It bothers me anyway.

“Jess—” I called my friend’s name. He look at me while eating his food at the caferia of our University.

“Bakit, baks?” Balik na tanong nito saakin.

“Nakita mo ba ‘yung emosyon o ‘yung mukha ni Pau kanina.” Paunang sabi ko kanina.

Reminiscing the event earlier. Para bang may nais siyang sabihin saakin na hindi ko alam kung ano o bakit. Naguguluhan ako. Alam kong wala na akong nararamdaman. Wala na ‘yung pagmamahal ko sa kaniya na matagal ko nang pinatay.

Pero, ano itong nararamdaman ko? Bakit pati ako naguguluhan sa emosyong ipinapakita saakin ni Pau? Hindi kaya? Hindi kaya mahal pa ako ni Pau?

“Oo naman, baks. Hanggang ngayon guwapo pa rin ‘yung ex mo. Pero—” Agad naman akong napatingin rito mula sa aking pagkakatulala. Aminado ako sa fact na ‘yon na hanggang ngayon, ay guwapo at mitikoloso pa rin si Pau.

I can’t deny that fact about Pau.

“Alam ko naman ‘yon, Jess. What I mean—” Hindi ko pa natatapos ang aking sasabihin ng biglang magsalita si Jess.

“Don’t tell me baks na may nararamdaman ka pa kay Pau?”

Sa naging katanungan ni Jess, napaisip ako. Napaisip ako kung hanggang ngayon ba ay mayroon pa rin ba akong nararamdaman para kay Pau. Pero naguguluhan na rin ako simula nung nakita ko siyang hindi masaya sa piling ni France.

“Hindi ko alam, baks.” Maikli kong tugon rito.

Nagulat naman ako sa kaniyang ginawa. Dahil malakas na hinampas nito ang lamesa kung saan kami kumakain. Nang dahil sa ginawang iyon ni Jess, nakuha namin ang atensyon ng mga estudyanteng narito sa cafeteria.

“Bakla! Ano ba ‘yon!?”

“Sorry, baks.” Huminto ito sa kaniyang pagsasalita at bumalik sa kaniyang kinauupuan. “Nagulat lang kasi ako sa sinabi mo na, hindi mo alam. Bakla ka! Naloka ako ng very light dun.”

Hindi ko naman masisisi si Jess sa naging reaction niya nung sinabi ko iyon. Kahit na ako ay nabigla sa lumabas sa aking bibig. Hindi ko inaasahan na ganun ang magiging mungkahi ko kay Jess.

“Pero seryoso, Jess. Mukhang hindi masaya si Pau kay France.” Malungkot kong saad rito.

Naramdaman ko naman ang kaniyang pagbuntong hininga. Kaya naman napatingin ako rito.

“May punto ka dun, baks. Pero napaisip rin ako sa sinabi mo. Kaso—” Pinutol naman ni Jess ang kaniyang sasabihin. Na siyang nagbigay ng pagdadalawang-isip.

“Kaso ano?” Maikli kong tanong rito.

“Hindi kasi ako sa kaniya nakafocus kanina, e.” Napakamot na lamang siya sa kaniyang sinabi na aking ikinatawa naman.

“Akala ko ba naman nakita mo.”

“Sorry na baks. Malay ko ba na ‘yan ang itatanong mo saakin.”

Napailing na lamang ako sa naging tagpo namin ni Jess habang kumakain kami sa cafeteria ng University. Halos hindi kami magkandamayaw sa katatawa naming dalawa dahil sa mga jokes na binibitawan niya.

“Maiba ka, baks. Bakit parang hindi ko ata nasisilayan si Jonathan?” Ngayon ko lamang naisip na mula pa pala kanina ay hindi ko nakikita si Jonathan. Nasaan na kaya siya? Bakit parang ang dalang nang pagkikita namin ngayong araw?

Crazy In Love With You [BOYXBOY][Completed]Where stories live. Discover now