Chapter 25: Pau

57 7 0
                                    

Ang tagal kong itinago ang totoong rason kung bakit nakipaghiwalay ako kay James. Masakit para saakin na hiwalayan ang taong nagbibigay ng tuwa at nagparamdam ng totoong pagmamahal saakin. Ilang taon akong nagpabulag sa pamikya ko, sa pamilya ni France.

Para saan pa at nabuhay ako bilang isang tao, kung wala rin akong kalayaan na mahalin at pumili ng taong gusto ko. Ang sakit para saakin na saktan si James. Hindi ko maatim na makita siyang umiiyak na ako ang dahilan ng kaniyang pagluha.

Napaka-walang kuwenta kong boyfriend. Ni hindi ko man kang siya naipaglaban. Ni hindi ko man lang lumaban para sa sarili ko. Naging duwag ako. Naging sunud-sunuran ako sa kanila. Halos buong buhay ko, sila na ang nag-mamay ari saakin.

Paano naman 'yung ako? 'Yung buhay ko? Paano naman 'yung sariling kagustuhan at kasiyahan ko bilang ako? Paano naman 'yung taong gustong-gusto ko na makasama? Wala na ba talaga akong kalayaan sa pamilya ko? Paano naman ako?

Ngayong huli na ang lahat. Wala na akong babalikan. Wala nang James pa sa buhay ko. Wala nang taong magbibigay at magpaparamdam ng totoong pagmamahal para saakin. Sinayang ko 'yung taong naging totoo saakin.

Sinayang ko si James. Hindi ako naging matatag para saaming dalawa. Hindi ako naging totoo para sa sarili ko. Hindi ko nagawang tumayo sa sarili kong mga paa. Nawalan ako ng boses para makapagsalita.

"Son, are you okay?" Biglang pagsasalita ng aking ina. Kasama niyang dumating ang aking ama.

Hindi ko namalayan na nandiyan na pala sila. Nagpaalam sila saakin na kailangan nilang gumawa ng isang deal sa pamilya ni France. At for sure, na ako na naman ang magiging kapalit ng deal nilang iyon.

Hindi ko sinagot ang kaniyang tanong. Nagtengang kawali ako, nagpatay malisya ako na kunware ay hindi ko siya narinig sa kaniyang tanong. Nang wala silang nakuhang sagot mula saakin. Agad silang naupong dalawa saaking tabi.

Nandito kami sa kusina. Kung saan ako nakatambay. Tahimik rito at peaceful ang place sa bahay. Hindi pa rin ako nagbibigay nang kahit na anong salita kaya, agad na nagsalita ang aking ama patungkol sa pagpunta niya sa pamilya ni France.

"Son, it's a closed deal. Pumayag na ang ama ni France na maikasal kayo. After that wedding, maaari na nilang gawing partner ang ating company. How was it?"

Agad kong tinignan ang aking ama at ina ko. Hindi ko na gusto ang pagmama dong ginagawa nila sa buhay ko. Kaya naman, sumagot na ako. Hindi ko na kaya pa ang pagmamanipulang ginagawa nila saakin.

"Mom and Dad, Anak ba talaga ang turing niyo saakin? Ni minsan, hindi ko naramdaman 'yung pagmamahal na hinahanap ko sainyo. Ni minsan, hindi ko naramdaman na isang tunay na anak niyo ako.

Ano ba talaga ang tingin niyo saakin? Tao na walang halaga. Pang-sagib sa company ninyo. Anak niyo ko. Anak niyo. Hindi ako aso na pamalit para lang sa isang buto. I've never felt the love that I wanted to feel, Mom and Dad."

Halos hindi ko na maisatinig ang mga salitang nais kong sambitin sakanila. Ang sakit na parang laruan lang ang turing nila saakin. Na parang ang dali lang para sa kanila na ipamigay ako at gawing pantubos sa negosyo nila.

"Hindi naman sa ganun, anak. Namisunderstood mo lang 'yung ginagawa namin. It's all for you, son. Lahat nang ginagawa namin ay para sa 'yo. Para sa future mo, mayaman ka." My mom said.

"Ganun ba talaga ang gusto niyo? Iniisip niyo 'yung future ko? Na namisunderstood ko na naman 'yung reason niyo. Mom, Dad. Anak niyo ko. Alam niyong hindi ko mahal ang anak ng partners ninyo sa business na si France. Hindi ako masaya dun.

Hinndi kailanman ako magiging masaya sa piling ni France. Dahil hanggang ngayon, si James pa rin ang mahal ng puso ko. Siya pa rin hanggang ngayon."

Naiyak na ako sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Napaluhod na ako habang umiiyak sa harapan ng aking mga magulang. Ito ba 'yung future na iniisip nila para saakin? O, future ng business nila at hindi talaga saakin?

"So, what do you want me to do, son?" My Dad ask me.

"Hindi ako papayag na maiksal kay France. Ayokong siya ang maging kasama ko habang ako ay tumatanda. Hindi ko siya kayang matanggap."

"Pero, Son, buhay mo ang magiging kapalit kapag hindi ka sumunod. Please, Son, don't do this." Umiiyak na pakiusap saakin ng Mom ko.

"Ito 'yung ginusto ninyo, 'di ba? Ako ang maging kapalit para sa futurw wealth ng business ninyo? If ever me life deals with the threat of a France's Father. Bigyan ninyo na lamang ako ng isang maayos at desenteng burol. Also, I want James to be there at my funeral."

Isang malakas na suntok ang aking natanggap mula saaking ama. Na ngayo'y nag-aapoy na sa kaniyang galit. Napatingin naman ako sa aking ama na inaawat na nang aking ina.

"Gago ka ba, Pau? Hindi ka nag-iisip!" Sigaw saakin ng aking ama.

Tumayo ako at humakbang palayo mula sa aking mga magulang. Bago ako tuluyang umaalis sa kanilang harapan. Isang salita ang aking binitawan bago ako tuluyanf umalis.

"I can't marry France. I won't. And I will never marry him. I will choose to die rather than to be with him anymore. Halos naging miserable ang buong buhay ko. I've never felt to be happy. I'vee never experienced on how to decide on my own. And now, that is finally over, it's about time for me to choose myself. This time, I can do what makes me happy. Kahit na sa paggawa ko nang ikasasaya ko ay kapalit nito ay ang buhay ko, then fine. Save your tears for my funeral, Mom and Dad."

Crazy In Love With You [BOYXBOY][Completed]Where stories live. Discover now