Chapter 27: Jonathan

49 8 0
                                    

"Jonathan—” Isang pamilyar na boses ang aking narinig ‘di kalayuan sa kinauupuan naming dalawa ni James.

Sinundan ko ng tingin ang boses kung saan ito nagmula. Unit-unti kong nilingon ang taong tumawag sa akin. Nanlaki ang aking mga mata nang makita ko ang taong iyon. Ilan taong siyang nawala. Ilang taong siyang hindi nagpakita sa akin.

I felt my self freeze at this moment. How many years? Ilang taon kong hindi nakita ang taong ito. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko. Nananabik ako sa taong ito. Naiinis ako dahil nawala siya ng hindi ko nalalaman. I missed him so much and I’m mad at him at the same time.

“Jonathan, sino siya?” Nagtatakang tanong ni James.

James doesn’t know about him. Hindi niya kilala ang taong nasa harapan namin. At ang taong ito, ay ang taong sobrang laki ng papel sa buhay ko. He was so very special to me since then.

Tinignan ko si James nang magtanong ito sa akin. Base sa mga tinging binabato niya sa  akin at sa taong nasa harapan namin, pakiramdam ko, sobrang dami niyang nais na malaman at itanong sa akin.

Muli kong ibinalik ang aking tingin sa taong nasa harapan namin. I can sense na masaya siya na makita ulit ako. And I am happy, too.

“The person who was very special to me.” Mahinang sambit ko kay James.

Hindi ko na narinig na nagsalit si James matapos kong sagutin ang kaniyang tanong. Nang lilingunin ko na siya, ay bigla na lamang itong nawala sa kaniyang kinauupuan. Hindi ko na lamang pinansin iyon. At alam ko rin na naguguluhan siya sa nangyayari ngayon.

“Jonathan—” Muling pagtawag sa akin ni Avin.

“Avin—” Matapos kong sabihin ang kaniyang pangalan. Agad akong tumayo mula sa pagkakaupo ko at inakap siya ng mahigpit

Ang tagal kong hinintay na muli ko siyang maghagkan. Ilang taon? Ilang taon akong nangulila sa presensya ng taong ito. Sobrang tagal kong hinintay na makita at mayakap si Avin.
“Jonathan. I’m so sorry. I’m so sorry for leaving you for so long.” Umiiyak na sambit ni Avin.

Inakap ko siya ng sobrang higpit para iparamdam sa kaniya na hindi ako nagagalit sa tagal niyang nawala. Nais kong iparating sa pamamagitan ng aking pagyakap sa kaniya na, may rason siya at nauunawaan ko siya sa bagay na ‘yon.

Nakaramdam man ako ng galit at pagtatampo kay Avin, ngunit mas pinili ko na lang muna ang pakinggang ang sasabihin niya sa akin. Alam ko at nararamdaman ko na may mgaa bagay siya na ipaliliwanag sa akin.

“Tara—” Aya ko sa kaniya.

Hindi ko na hinintay pa ang kaniyang sasabihin. Agad akong kumalas sa aming pagkakayakap sa kaniya at hinila ito palabas ng Mall. Hindi ko alam kung saan ko siya maaaring dalhin. Basta ang alam ko lamang ay gusto ko siyang makausap.

Nakalabas na kami ng Mall. Parehas kaming naglalakad sa gitna ng kalsada. Hindi naman masyadong mainit sa mga oras na ito. Nakakita kaming dalawa ng isang lugar na parang park ang itsura. Huminto kami roon at naupo na dalawa.

“Jonathan. I have to explain to you everything. I’m willing to do it.” Biglang pagsasalita ni Avin.

Huminga ako ng malalim. I just cut him off para iparating sa kaniya na hindi ako galit. Uunawain ko siya sa abot na aking makakaya. Ayoko ng sayangin ang pagkakataon na makausap at makasama ulit siya. Sobrang tagal ko ng hinihintay ang pagkakataong ito.

“Kung iniisip mo na galit ako sa ‘yo, dahil sa biglaan mong pagkawala. Don’t worry, hindi ako nagagalit sa ‘yo. Siguro may kaunting tampo akong naramdaman noon. Pero, ngayong nariyan ka na. Parang nawala ang lahat ng iyon.”

Crazy In Love With You [BOYXBOY][Completed]Where stories live. Discover now