Chapter 23: James

75 10 0
                                    

"James, bilisan mo naman. Bakla ka!" Pagmamadali saakin ni Jess.

Sabay kasi kaming nagpunta sa cafeteria dahil maagang natapos ang lesson ng Prof namin sa Management 1. Nagpaalam kasi ako kay Jess na magpunta ng comfort room dahil medyo sumasakit na ang aking pantog.

"Nagmamadali ka naman masyado, baks! Natatae ka na ba?" Sarkastiko kong balik rito. Napairap lang namaan ang kaibigan kong bakla pero lalaking-lalaki ang porma.

Well, kung hindi mo talaga kilala si Jess. Mapagkakamalan mo talagang isa siyang tunay na lalaki. 'Yung tipong marami nang babaeng napaiyak at napatirik ang mata sa kama. 'Yung tipong maraming nagkakandarapang mga bakla sakaniya.

"Walang butas ang puwet ko!" Napatawa naman ako sa naging sagot niya saakin.

"Kung wala, saan lumalabas tae mo?"

"Tainga! Sa taenga ko, baks!" Napahagalpak ako nang tawa sa naging sagot ni Jess sakin.

He didn't disappoint me sa mga nagiging jokes nito. Halos lahat ng banat niya since day 1 na maging magkakilala kami, laging benta 'yung mga banat niya para saakin.

Ewan ko ba? Sadyang mababaw lang ata ang kaligayan ko. O, talagang magaling lang siyang magpasaya ng tao. Well, anoman sa dalawang iyon, he's very good in making a jokes.

"Speaking of the devil, baks. I saw mukhang toko coming along our way." Napataas naman ako ng kilay sa sinabing iyon ni Jess. Sino kaya ang tokong sinasabi niya. Nang sundan ko ang tingin ni Jess, I saw Pau amd his bf together with their friends.

Devil nga talaga.

"Ano bang masamang hangin ang nagdala sainyo rito?" Nakita kong tinaasan ako ng mga kilay ng mga baklang kasama ni France. Well, kailangan sa pagtaas ng kilay, sabay-sabay?

Napatingin naman ako kay Jess na ngayon ay nakataas rin ang kilay. At nang madapo ang paningin ko kay Pau, hindi ko maunawaan ang tinging ibinabato niya saakin. Tila ba may nais siyang sabihin pero parang pakiramdam ko may kung anong pumipigil sa kaniya para sa bagay na iyon.

"Expect the unexpected, girl. Natural, University ito. Magkikita't-kita talaga tayo." Huminto ito sa kaniyang pagsasalita at kumalas sa pagkakalingkis kay Pau.

"Ang tagal na namin ni Pau, no?" Maikling pagtatanong nito saakin.

Napabuntong hininga na lamang ako rito. Bakit ba kapag nakikita ko itong si France, pakiramdam ko may kung anong malaking kasalanan ang nagawa ko sakaniya. I'm not going to steal his boyfriend anyway. He was my ex period.

Hindi ako sumagot. Wala naman akong dapat na sabihin. Hindi ko rin naman kailangan na sagutin ang walang sense na tanong niyang iyon. Kaya naman, nang wala siyang nakuha sagot mula saakin. Muli itong nagpatuloy sa kaniyang pagsasalita.

"Mag-iisang taon na kami ni Pau. Baka naman gusto mo kaming batiin na dalawa, James?" Ramdam ko sa mga bawat salitang binibitawan niya ang panunuya niya saakin.

Alam ko. Alam ko na iniinis niya lamang ako. Hindi naman ako apektado sa mga sinasabi niya saakin. O, sa relasyong mayroon sila ni Pau. Huminga ako nang malalim at hinarap ito at tinignan ng detetso sa kaniyang mga mata.

"Why would I greet you? Porque ba, makakaranas ka ng anniversary kay Pau? Bakit? Is it your very first time having a first anniversary with someone you love?" Alam kong madali siyang mapikon. At ayun ang aking gagawin. Since, madali siyang mainis at medyo nabo-bore ako ngayon.

I'm gonna play with France and Pau this time. Ang tagal ko na rin silang hindi nakita rito sa University. Siguro naging busy lang ako kay Jonathan.

"Because you have to, dear. Remember may pinagsahan pa kayo ni Pau. Natural lang na maging masaya ka sa buhay ng ex mo. Kasi nasa tamang tao na siya." Sa sinabing iyon ni France, biglang napatawa si Jess ng malakas. Na siyang ikinagulat namin pare-pareho.

"Seriously? Sis, puwede ka na magcomedy bar. You're funny ha?" Halos hindi na makabuo ng salita si Jess dahil sa katatawa niya.

Nahawa na rin ako sa nakikita kong pagtawa ni Jess sa harapan nina France at Pau. Nang parehas na kaming kumalma. Isa sa mga kasamahan nila ang nagsalita patungkol kay Jess. At sa sinabing iyon ng kaibigan ni France, muli na namang napatawa ng malakas ang kaibigan ko.

"Inggit lang 'yan, Sis. Kasi ikaw may boyfriend na one year na. Samantalang siya, never been touch, never been kissed. Never been sex with stranger."

"Talaga? Well, baka isampal ko sa 'yo kung ilang lalaki ang nagkakandarapa saakin? Bakit sa 'yo? Baka pang-ipis ang beauty na mayroon ka?"

Sa naging sagutan ni Jess at ng kaibigan ni France. Nakisala na rin ang dalawa pa. Kaya naman pinatahimik ako ni Jess at siya na raw ang bahala doon. Nang biglang napatingin ako kay Pau. May kung anong awa akong naramdaman.

Tama ba itong nakikita ko? Parang hindi siya masaya. Bakit ganito ka Pau? Bakit ang lungkot mo? Akala ko ba, siya na ang bagong taong nagpapasaya sa 'yo.

"Alam niyo mga, baks? Maligo kayo, umaalingasaw 'yung mga baho niyo rito sa University. Gosh! Ang baho."

Sa ginawang iyon ni Jess. Nakuha na namin ang atensyo ng iilang estudyanteng narito sa cafeteria. Naging sentro na kami ng mga tinginan ng mga estudyanteng kumakain ngayon rito.

Kaya naman, agad akong nagsalita para tapusin ang tensyong namumuo sa pagitan namin nila France at Pau.

"Kung inaakala mong aagawin ko sa 'yo si Pau. Please? Hinding-hindi ko gagawin 'yon. Matagal na kaming tapos ni Pau, France." Tumigil ako sa aking pagsasalita at naglakad ng dahan-dahan hanggang sa magkaharap na kami ni Pau.

Nakita ko kung paano nagulat si France sa ginawa kong iyon. Dahil sa gulat na naramdaman niya, hindi agad siya nakapagsalita at nakapagreact sa ginawa ko. At nang tignan ko naman ng deretso si Pau sa kaniyang mga mata.

Naramdaman ko rito ang kaba at pagkabilasa. At sa mga tinging nakikita ko mula sa kaniya. Masasabi ko at napatunayan ko iyon. Masasabing kong hindi masaya si Pau sa relasyon niya with France. Ramdam na ramdam ko iyon.

"Kung inaakala mong aagawin ko si Pau sa 'yo. You're wrong. Ayoko sa taong walang ambag sa buhay ko. Umayaw ako sa relasyon, dahil hindi na tama. Masyado nang toxic at immature.

Sabi nga nila; "relationship isn't about happiness nor sadness. Ang relasyon na tama ay 'yung-relasyong pinipiling maging tama kahit maraming rason o dahil na mali."

Wala akong pakialam kung magalit pa si France sa aking gagawin. Ibang Pau ang nakikita ko ngayon sa aking harapan. At kahit na hindi naging maganda ang pagsasama namin noon, may isang parte pa rin sa puso ko ang may lugar siya.

"Pakawalan mo na ang sarili mo sa lungkot na nararamdaman mo. You have to choose what makes you happy. Let go of someone that will not help you grow. Let go of someone that'll not build up the trust, loyalty and faith. Learn to choose yourself this time.

Ramdam ko ang lungkot sa 'yong mga mata. Alam kong hindi ka na masaya sa piling ni France. Nagawa mo kong lokohin at iwan ng dahil sa kaniya. At alam ko ring kaya mong kumawala sa taong hindi ka kayang bigyan ng halaga at importansya. Naniniwala pa rin ako sa 'yo, Pau."

Inalis ko na ang pagkakalingkis ng aking mga braso sa katawan ni Pau. At habang nakayakap ako sakaniya, binulong ko iyon para mabigyan siya ng lakas ng loob. Gawin ang dapat na magpapasaya para sa kaniya. Kaya niyang iwanan si France anomang oras niya gustuhin.

Hindi ko pa rin kayang makita si Pau sa ganitong klaseng sitwasyon niya. Hanggang ngayon, may epekto pa rin pala siya saakin, akala ko ay wala na.

"Tandaan mo ang mga sinabi ko sa 'yo, Pau. Hanggang sa muli."

Crazy In Love With You [BOYXBOY][Completed]Where stories live. Discover now