Chapter 30: James

58 9 1
                                    

Halos hindi ako makagalaw at makapag salita sa mga sinabing iyon ni Jonathan. Tila parang isang bomba ang mga salitang iyon na nagdulot sa akon ng kakaibang takot at kaba. Na hindi ko alam kung saan ito mga nagmumula.

Hanggang ngayon, ay hindi ko pa rin magawang makagalaw sa aking kinatatayuan. Parang tinakasan ako ng sarili kong ulirat na siyang naging dahilan na aking pagkabigla. Naramdaman ko namang lumagay sa aking harapan si Pau. Magsasalita na sana ako para pigilan ito sa maaari niyang sabihin. Ngunit, naunahan ako nito na magsalita.

“Sino ka ba? Bakit ganiyan mong kausapin si James? Ano ka ba niya?” Sunod-sunod na tanong ni Pau sa maangas niyang tono kay Jonathan.

Napangisi naman ang isang iyon sa naging tanong sa kaniya ni Pau. Lumapit ito ng bahagya sa puwesto ni Pau. At kinuwelyuhan ni Jonathan si Pau. Hindi ko alam pero bakit hindi ako makagalaw. Hindi ako makapagsalita.

“Ikaw? Sino ka rin ba sa buhay ni James? Boyfriend ka ba niya? Hindi ka nga niya nababanggit sa akin.” Maangas rin na pagsagot ni Jonathan sa tanong na iyon ni James.

“Tama na—” Tanging isang salita lamang ang aking nabanggit. Paano ko ba sila magagawang pigilan sa kanilang ginagawang away ngayon? Ni ayaw makipag-cooperate ng aking utak. Ni ayaw niyang diktahan ang aking sarili na gumawa ng paraan upang hindi sila makagawa ng isang komosyon.

“Hindi, James. Ang angas nitong kasama mo, e? Itatanong ko lang sa kaniya kung sino at ano siya sa buhay mo. Kung ano ang papel niya sa ‘yo.” Ngayon, nakikita ko na kung ano nga bang pagkatao mayroon si Jonathan.

Hindi ko maunawaan ang kaniyang mga ikinikilos nitong mga nagdaang mga araw. Ni hindi ko siya maka-usap ng maayos. Hindi ko rin siya mapuntahan sa kaniyang dorm. At madalas niya rin akong iwasan nitong mga nakaraan.

Pero, anong nangyari? Bakit bigla na lamang siyang naging ganito? Bakit nagagalit siya nang makita niya kaming dalawa ni Pau na nag-uusap? Bakit naiinis siya kay Pau, ganung wala naman itong ginagawang masama o mali na maaaring makasakit ng iba?

“Sabi ko, tama na!” Mahina ngunit may diin kong sambit kay Jonathan.

Marahas niya namang binitawan si Pau sa kuwelyo nito, na siyang naging dahilan ng kaniyang pagbagsak sa lupa.

“Pau!? Ayos ka lang ba? May masakit ba sa ‘yo?” Nag-aalala kong tanong rito.

Nag-aalala ako kay Pau dahil sa pagtulak sa kaniyang ni Jonathan. Malakas iyon at baka kung ano ang maaaring masamang mangyari sa kaniya. Kaya naman tinulungan ko itong tumayo at inalalayan siya.

“Ayos lang ako, James. Don’t worry about me.” Saad nito sa akin.

“Sige na, Pau. Mauna kana. Saka na lang tayo mag-usap kapag maayos kana. Sige na. Iwanan mo na kami rito. Ako na ang bahala kay Jonathan.” Mag-sasalita pa sana si Pau—nang agad kong putulin ang kaniyang sasabihin.

“Sige na. Please?” Napabuntong hininga na lamang ito. Wala siyang nagawa kundi ang sumunod na lamang sa aking pakiusap.

Nang makaalis na ito. Agad kong hinarap si Jonathan. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit nakakaramdam ako ng kakaibang kaba at takot sa mga sandaling ito?

“Ano ‘yon, James? Sino naman ang lalaking iyon? Inaya kitang sumama sa amin ni Avin na mamasyal at lumabas. But, you refused my invitation. Tama lang pala ang ginawa ko. Na sundan ka rito.” Mahabang pagsasalita ni Jonathan.

“Bakit kailangan kong sumama pa sainyong dalawa? Para ano?” Seryoso kong tanong rito.

Napakamot naman siya sa kaniyang ulo. At ramdam ko ang matinding inis niya sa mga sandaling ito. Bakit kailangan kong sumama sa kanilang dalawa? Para, ano? Para makita kung gaano nila ka-missed ang isa’t-isa? Kung gaano sila ka-saya na magkasama?

Crazy In Love With You [BOYXBOY][Completed]Where stories live. Discover now