Chapter 20: James

65 7 0
                                    

I was about to wake up this evening, but my body won't cooperate with what my mind wants. I also have a high body temperature which causes me so dizzy. My eyes sores because of too much cries yesterday.

My throat sore which causess in pain. I couldn't know how can I fix myself up coz I conclude that I have a fever because of the rain yesterday. Narinig ko sa labas na malakas ang ulan. Mula ba kahapon ay hindi pa tumitila ang ulan?

Napabaluktot na lamang ako sa aking higaan dahil sa lamig na nararamdaman ko. Nangangatog ang aking mga kalamnan, sumasakit rin ang aking mga katawan gawa nung pagtakbo ko.

"Hays! Ano ba naman 'to?! Nagkasakit pa ko." Saad ko saaking sarili.

Ilang segundo lamang ang lumipas, ay nananatili pa rin ako sa aking higaan. Nang biglang may narinig akong kumakatok mula sa pintuan ng dorm ko. Kahit nahihirapan akong bumangan at nahihilo ako. Tumayo pa rin ako para tignan kung sino ang nasa likod ng pintuan.

"Sandali lang." Pagsasalita ko.

Nang mabuksan ko na ang pinto. Isang imahe ng lalako ang bumungad saakin. Tila parang sinabuyan ako ng malamig na tubig na naging dahilan nang aking pagkatulala. Para bamg tumigil ang mundo ko sa mga sandaling ito. Ang taong nasa harapan ko ngayon ay walang iba kundi ang taong minamahal ko. Si Jonathan.

"Ikaw pala-" Saad ko nang bigla siyang magsalita. Napaatras naman ako papasok saaking kuwarto nang simulan niyang maglakad papasok sa aking dorm.

"What are you doing here?" Tanong ko sa kaniya.

Tila parang wala siyang narining dahil nagpatuloy siya sa kaniyang pagpasok. Nang makapasok na siya, ay nilibot namaan niya ng tingin ang aking kuwarto.

"Nothing. Masama bang makita at makausap ko ang aking kaibigan?" Napahinto ako sa kaniyang sinabi. Parang bombang sumabog saaking dibdib ang kakaibang pakiramdam na dulot saakin ni Jonathan.

Wala akong nagawa upang salungatin siya. Parang napipe ako nang sinabi niya iyon saakin.

Jonathan, kung alam mo lang kung gaano kita ka-mahal. Kung alam mo lang kung gaano ako nasaktan nung makita kitang may kasamang iba. Sobrang sakit nun. Parang pinunit ang puso ko na makita kayo ni Alyn na magkasama, magkasabay at masayang naglalakad.

Sobrang nagseselos ako nung mga sandaling iyon. Sabagay, wala naman akong karapatan sa bagay na iyon. Dahil wala namang tayo, walang ikaw at ako. Walang mayroon sa ating dalawa.

"James, ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong nito saakin. Hinawaka niya ang aking balikat at hinipo niya rin ang aking noo at leeg to check if I still have a fever.

"Ayos lang ako. 'Wag kang mag-alala, mawawala rin naman ito." Saad ko rito.

Inaya ko siya papasok saaking dorm. Matapos kong maisara ang pintuan, ay agad ko nang sinundan si Jonathan.

"Kumain ka na ba ng hapunan?" Tanong ko kay Jonathan na kasalukuyang nakatinigin saakin. Hindi ko alam pero parang may nais sabihin ang tingin niyang iyon.

Napaiwas na lamang ako ng aking tingin dahil hindi ako komporatble sa tinging ibinabato saakin ni Jonathan.

"Hindi pa-" Huminto ito sa kaniyang sasabihin. Mula sa kaniyang pagkakaupo sa aking kama, ay unti-unti siyang lumalapit saakin.

Ngayo'y kapwa na kami magkaharap. Isang dangkal na lamang ang aming layo mula sa isa't-isa. Ang kabog ng aking dibdib ay hindi normal. Tila tinakasan ako ng aking ulirat at dila. Hindi ko alam kung paano ko ikikilos ang aking katawan upang umalis sa kaniyang harapan.

"Pero kung sasabayan mo kong kumain, bakit hindi?"

"Wala akong ganang kumain, Jonathan. Masakit rin ang buo kong matawan. Pasensiya na-" Napayuko ako matapos kong magsalita. At muli na naman akong nakaramdam ng ibayong panlalamig dahil sa lagnat na aking nararamdaman.

"It seems that you're not really okay, James." He stops. Umalis siya sa akin harapan at nagmamadaling lumabas ng dorm ko. Napaisip ako sa kaniyang ginawa. At makalipas ang ilang minuto, muli siyang pumasok na may dala nang pagkain.

"Let me stay here for tonight. I want to take care of you. You're sick. At bilang ganti ko sa 'yo na noo'y ako ang binantayan mo. This time, ako naman ang gagawa noon sa 'yo ngayon. Stop being so shy this time. No more what ifs, no more buts. Just let me finish and do my duty."

Napabuntong hininga na lamang ako sa kaniyang determinasyon. Ganito ba talaga siya? Ang lakas ng loob. Ang tibay ng puso. Mas lalong nahuhulog ang loob ko sa kaniya.

"Oo na. I'll let you stay here. Wala rin naman kasing mag-aalaga saakin." I said.

"Now, you have to eat this food and take your meds."

After we finished our dinner together, magkatabi kaming nakahiga ni Jonathan saaking kama. Kapwa kami nakatingin sa kisame ng kuwarto. Kapwa walang balak na magsalita. Tanging maririnig lamang ang lakas ng buhos ng ulan.

Kapwa walang balak gumawa ng topic. Walang may gustong magsalita. Ngunit, napansin ko, na sa simpleng bagay tulad nito, masaya ako. Ramdam na ramdam ko ang pag-aalala, pag-aalaga at pagmamahal ni Jonathan saakin.

Sana hindi na ito matapos pa.

Crazy In Love With You [BOYXBOY][Completed]Where stories live. Discover now