Chapter 29: James

45 7 0
                                    

Talaga bang kayang gawin ni France ang bagay na ‘yon sa akin at kay Pau? Hindi ko mahinuha kung totoo ba ‘yung mga banta niya sa akin. Para sa sarili ko, hindi na ako natatakot. Pero, mas natatakot ako para kay Pau. What did I do wrong para humantong kaming tatlo sa ganitong sitwasyon.

Hindi ko alam ko kung saan nanggagaling ang galit niya  sa akin. Bakit patulot niya akong pinag-iinitan tungkol kay Pau. At bakit lagi niya akong sinisisi sa relasyong mayroon silang dalawa? Kung tutuusin nga, ako ang dapat na mas magalit sa aming dalawa. Dahil sa ginagawa niya iyon, hindi na tuloy mapalagay ang isipan ko.

Paano kung totohanin ni France ang lahat ng banta niya sa akin kagabi? Paano kung isa sa amin ni Pau ang masaktan niya? Jusko, hindi ko kakayanin kung isa saaming dalawa ng masaktan nang dahil lamang sa pagmamahal ni France para kay Pau.

Knowing France, at simula nung magkita kami unang araw pa lamang. Hindi ko na gusto ang awra at presensya niya. And knowing him, pakiramdam ko, he true to his words. He was so determined nung sinabi niya ang mga threats niya.

Am I do overthinking about France’s threat? Masyado ko bang iniisip ang mga sinabi niya sa akin? Pero, paano kung totoo? Paano kung hindi siya nagbibiro? Paano kung gawin niya nga talaga ang lahat ng mga banta niya sa amin ni Pau? Pero, hindi ko pa rin mahinuha. Masyadong magulo ang isipan ko ukol sa sinabi niya.

“James—” Isang boses ang aking narinig mula  sa aking likurang bahagi.

Nilingon ko ang boses na tumawag sa akin. Nakita ko si Pau na nakatayo sa harapan ng room namin. Maaga kasi akong pumasok ngayong Martes. Dahil sa mga threats ni France sa akin at kay Pau ay hindi ko nagawang makatulog ng maayos. Buong magdamag kong inisip ang bagay na ‘yon.

“Ikaw pala, Pau.” Tugon ko rito. Narito siya ngayon sa room namin. Ilang oras na rin akong narito ngunit wala pa kahit isa sa aking mga kaklase ang narito ngayon.

Pumasok naman si Pau sa room namin at tumabi sa aking tabi. I can sense na may gusto siyang sabihin sa akin. Pero nahahalata ko rin sa kaniya na tila nag-aalangan siiyang sabihin sa aking ang bagay na ‘yon.

“Uhm— kumain ka na ba?” Nag-aalangang tanong nito sa akin.

Napangiti naman ako sa naging tanong nito sa akin. Nakita kong napakamot ito sa kaniyang ulo. Tila hindi pa rin siya nagbabago. Sa tuwing nahihiya siyang magtanong, palagai siyang nakayuko at kung minsa’y mapakamot sa kaniyang ulo.

“Hindi pa nga, e. Ano? Tara?” Balik na tanong ko rito.

Napansin kong namula ang dalawang taenga nito. Ganito siya palagi. Sa tuwing nakakaramdam ng kilig, automatiko itong namumula.

“Let’s go. My treat.” Tumango na lamang ako rito. At nagbigay ng isaang ngiti. Nakita ko ang patagong ngiti ni Pau sa akin.

Nauna na siyang naglakad at sumunod na ako rito dala ang aking gamit. Habang naglalakad kami papuntang cafeteria. Hindi ko maiwasan maisip na – paano kung hindi kami naghiwalay ni Pau? Magiging ganito pa rin kaya kami kasaya? Paano kung hindi siya pumayag sa kagustuhan ng kaniyang ama, magiging ganito rin kaya ang relasyon naming dalawa?

Narito na kami sa cafeteria. Medyo wala pang mga estudyante dahil maaga pa. Agad kaming nagtungo sa bilihan ng kanin at ulam. Tumingin kami ng ulam ni Pau kung ano ang puwede naming bilhin at makain.

“Ah! Alam ko na. Ako na ang o-order para sa’yo, James.” Napa-okay na lamang ako rito.

Wala akong ideya kung ano ang bibilhin niya sa akin na almusal. Nang umalis na ito sa aking harapan. Humanap na ako ng mesa na aming pagkakainan na dalawa. Nakaupo na ako ng makita ko itong pabalik na sa aking lugar.

Crazy In Love With You [BOYXBOY][Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon