Prologo

4K 58 2
                                    

Nakatayo ako malapit sa salamin ng bintana ng aking opisina at tinatanaw ang naglalakihang building dito sa New York.Halos 5 taon na akong naninirahang mag isa sa bansang ito,ni hindi ko binalak umuwi ulit ng Pilipinas.Sariwa parin sakin ang lahat ng pangyayari na gustong gusto ko ng kalimutan pero hindi ko magawa.Marahan kong pinunasan ang luha na dumaloy sa aking mata.Narinig kong bumukas ang pintuan ng aking opisina.

" Hera,hindi ka pa ba uuwi?" tanong sa akin ng aking sekretarya slash kaibigan na si Liya.

" Mauna ka na,Liya.Dadaan pa ako sa grocery.Wala ng pagkain sa condo ko e." Nakangiti kong tugon kay Liya.

Bumuntong hininga ito at tumingin sa akin.Nag iwas ako ng tingin sa kanya.Alam ko na kukulitin na naman nya ako kapag nakita nyang umiiyak ako.

" Reminiscing the past again huh,Hera?"

" No-" sumabad agad sya at hindi nya ako pinatapos magsalita.

" You cannot fool me Hera Athena Villafuente.Naalala mo ang lahat ng nangyari sayo 5 years ago na naging rason kung bakit mas pinili mong manirahan dito sa New York." dire-diretso nyang sabi sakin habang nakahalukipkip.

" Liy- "

"Shhh!Huwag ka na ngang mag deny dyan!Huli ka na nga mag deny ka pa e."

Tumingin ako ulit sa labas ng bintana at saka ako nagsalita." Ikakasal na next month ang bestfriend kong si Loraine.Im one of her bridesmaid."

" Ikakasal pala,e bakit ka malungkot?hindi ka ba masaya para sa kanya?"

"Of course im happy for her.Kaso lang ka-"

" Kasi natatakot kang umuwi at umatend sa kasal nya dahil for sure nandon din ang bestfriend mo,i mean ex-bestfriend mong si Ivan." pambabara nya sa sasabihin ko.

Inis ko syang hinarap." Can you please shut up Liya?!"

Sinalubong din nya ang sigaw ko sa kanya." No!I will not shut my mouth,Hera!If i were you hindi ako matatakot harapin sya!Learn to forgive people,Hera so they can forgive you too!And for all i know at base na rin sa kwento mo,youre the one who need to blame for what happened in your life!"

Ganito sya sakin kahit ako pa ang manager nya.Magaan na ang loob ko sa kanya noong una ko palang syang makita dito sa New York.Sya ang naging karamay ko dito.Hindi sya galing sa mayamang pamilyang tulad ko pero nagkasundo kami.

" O,umurong na ba ang dila mo at hindi ka makapagsalita dyan?Umuwi ka ng Pinas at umatend ka sa kasal ng bestfriend mo.Forget the past Girl!mag move on kana."Humakbang na sya palabas ng opisina ko.Nanghihina naman akong naupo sa swivel chair at nangalumbaba sa table.Tama sya,ako ang dapat sisihin sa mga nangyari sa buhay ko..

*************
NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

Nandito na ulit ako sa sarili kong bansa.Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko.Narinig ko ang pamilyar na boses na tumatawag sa pangalan ko.

"Hera!Hera,anak!"

Nakita ko ang yaya Mila ko.Ngumiti ako at masaya syang nilapitan at niyakap.

" Yaya!Namiss po kita!" Niyakap ko ng mahigpit ang taong simula pagkabata ko ay inalagaan na ako.

" Diyos ko,bata ka!Bakit ngayon ka lang bumalik ha?"

" Yaya,you know whats the reason.And i dont want to talk about it anymore."

Ngumuso sya at halata na nagpigil lang sya na may masabi sa akin.Bumuntong hininga na lamang sya.

" O,sya,halika na at siguradong matutuwa ang mommy at daddy mo kapag nakita ka nila."

Forever YoursWhere stories live. Discover now