Kabanata 34

1.1K 23 0
                                    


Nakita sa CCTV na isang lalaki na nakatakip ang mukha ang nag iwan ng envelope sa harap ng opisina ko.

" I don' t know who' s that guy. baka inutusan lang sya ng kung sino para iwanan ang death threat na yan." sabi ko.

May mga pulis na dito sa office ko. Inutusan ko na rin si Diane na ipaalam kay Ivan ang nangyari.

" Isa lang naman ang suspect ko na may motibo para gawin sa akin ang bagay na yan." sabi ko ulit.

" Sino mam?" tanong ng pulis.

Tumingin ako sa mga pulis.." Si Doctor Nathalie De Castro." Sabi ko.

"Ano ang motibo nya at gagawin nya ang mga bagay na ganito sayo, mam?" Tanong sa akin ng pulis.

" Ex girlfriend sya ng fiance ko na hanggang ngayon ay umaasa parin sya na babalikan sya ni Ivan at pinagbantaan din nya aq noong huling pumunta sya dito sa opisina ko na gagawin nya ang lahat para mabawi sa akin si Ivan." Kwento ko sa pulis.

Tumingin sa akin ang pulis na wari tinitimbang ang mga sinabi ko.

" Ms.Villafuente hindi po natin pwedeng hulihin na lang basta si Dra.De Castro. Wala po tayong pruweba na sya nga ang nagbabanta sa buhay nyo. Ang maari nalang po nating gawin ay kumuha kayo ng mga bodyguard para maprotektahan kayo at ang anak nyo." Sabi ng pulis sa akin.

       Tama naman sya dahil hindi sapat ang ebidensya na si Nathalie nga ang nasa likod ng lahat ng ito. Napabuntong hininga nalang ako.

" Okey..Salamat. You can go now." sabi ko sa pulis.

Umalis na ang mga pulis at tanging si Diane ang naiwan. Tumayo ako at dinampot ko ang bag ko. Pupunta ako kay Daddy para sabihin na kailangan ko ng mga bodyguards.

  " Diane, aalis muna ako. Pupunta ako kay Daddy. Please ikaw na muna ang bahala dito." Paalam ko kay Diane.

  " Ms. Hera ayaw mo bang magpa escort muna sa mga pulis papunta sa bahay ng parents mo? Baka mamaya naka abang sayo yung nagbabanta sa buhay mo." Pag aalala ni Diane sa akin.

  Kinabahan ako sa sinabi ni Diane,pero hindi ako papayag na matakot nalang sa kung sino man ang nagbabanta sa buhay ko.

   " Kailangan kong maging matapang pansamantala, Diane. Buhay naming mag ina ang nakasalalay dito." Sabi ko saka na ako mabilis na lumabas ng office.

      Pinuntahan ko si Daddy na kasalukuyang nag aagahan kasama si mommy.

  " Hera, anak. Napadaan ka?" Tanong ni mommy.

  Humalik ako sa kanilang dalawa. Bago umupo.

  " Dad, mom." Sabi ko saka ko ipinakita sa kanila ang death threat.

Nagulat si Mommy, ganon din si Daddy.

  " Oh my God! Sino ang magbabanta sa buhay mo?" Tanong ni mommy.

  " I dont know mommy. Pero isa lng ang suspetsa ko.. Si Nathalie." Sabi ko.

  " Bakit ka pagbabantaan ng doktor na yon?" Galit na tanong ni Daddy.

  " Because she cannot accept the fact that Ivan choosed me between her. And she also confronted me and told me that I will never be happy. She will do everything just to make me suffer." Paliwanag ko sa mga magulang ko.

  Alam kong natatakot din sila sa kung ano na pwedeng mangyari sa akin at sa anak ko. My dad was furious, and mommy is shaking.

  " Did you already told Ivan about it?" Tanong ni Daddy sa akin.

  Tumango ako.

  " Hindi lang sya makaalis sa hospital kanina dahil may naka schedule syang operation. Dad, mom natatakot ako para kay Calyx. Can you please get us some Bodyguards." Sabi ko.

Forever YoursWo Geschichten leben. Entdecke jetzt