Kabanata 38

1.6K 34 1
                                    


Nang makarating kami sa simbahan ay nag umpisa na ang pag martsa ng lahat papuntang altar. Nang makalakad na ang lahat ay isinarado nila ang pinto. Yun ang hudyat na bababa na kami ni Calyx.

" Lets go Calyx. Let us surprise them."sabi ko.

Bumaba na kami ng kotse. Pinatayo muna nila ako sa gilid at pinapuwesto nila si Calyx sa harap ng pinto. Nang makatanggap ng hudyat ang wedding coordinator ay pinapasok nya na si Calyx para maglakad.

Naiimagine ko na ang gulat sa mukha nila, lalo na si Ivan sa pagpasok ni Calyx.

Muli nilang isinarado ang pinto at inalalayan na ako papunta sa harap ng saradong pinto. Inayos nila ang veil ko at ang gown ko.. Narinig ko ang boses ni Ivan na nagsimula ng awitin ang kantang Beautiful in white.

Anumang oras ay bubuksan na ang pinto. Hinintay muna namin na makalahati ni Ivan ang kanta. Maya maya pa ay may artificial na usok ng nasa paanan ko at unti unting bumukas ang pinto,unti unti din akong nag angat ng mukha at nakita ko ang gulat sa mukha ng magulang ko at magulang ni Ivan. Tuluyan na ring napaiyak si Ivan at hindi na makakanta.

Alam kong nagtataka ang mga bisita na walang ka alam alam sa mga nangyari sa reaksiyon ng mga magulang namin at ni Ivan. Napaiyak narin ang mga magulang ko. Nagsimula na akong maglakad palapit sa magulang ko na nasa kalagitnaan ng aisle. Hindi na makaawit si Ivan dahil umiiyak na lang sya.

Paglapit ko sa mga magulang ko, niyakap nila ako at hinalikan.

" I will just explain to you what happened later." Bulong ko sa kanila.

Tumango sila at nagsimula na kaming maglakad papunta kay Ivan. Pagdating ko doon ay mahigpit akong niyakap ni Mommy Analyn habang umiiyak sya. Nagmano naman si Ivan kina mommy at daddy. Nang iabot ni daddy ang kamay ko kay Ivan ay bigla nya akong niyakap ng mahigpit.

" I love you, I love you." Paulit ulit nyang sinabi.

" Let's start the ceremony, Ivan bago magbago ulit ang isip ko." Bulong ko sa kanya.

Mabilis naman syang kumalas sa yakap at iginiya na ako papunta sa harap ng pari. Habang ikinakasal kami ng pari ay nakita ko ang tuwa sa mga mata ni Ivan. May mga tanong din sya na alam kong kailangan kong sagutin mamaya pagkatapos ng kasal.

Sa twing titingin ako sa kanya nahuhuli ko syang nakatingin sa akin. Madalas pa nga syang pansinin ni Father.

Lalo na ng mag suotan na kami ng sing sing at nasa harapan namin si Calyx na syang may hawak sa mga sing sing.

"Dad your putting the ring on the wrong finger!" Saad ni Calyx kaya napatingin kami sa kanya.

" Stop staring dad, your putting the ring on mommy's middle finger." Giit ni Calyx.

Nang tingnan nga namin ay sa maling daliri nga isinusuot ni Ivan ang singsing. Natawa kaming lahat pati na ang mga bisita at si Father.

" Mamaya mo na kasi titigan iho." Biro din ni father.

Nagtawanan silang lahat.. Ilang minuto oa ay natapos na din ang seremonya.

" And now I pronounce you husband and wife. You may kiss your bride." Sabi ni Father.

Nang iangat ni Ivan ang belo ko sa ulo at siilin ako ng halik sa labi nagpapalakpakan ang mga tao.

" Ladies and gentleman lets all welcome, Mr and Mrs Ivan Cedrick Del Fiero.

Muli ay nakarinig kami ng masigabong palakpakan.

Sa reception ay nagsimula ng magtanong si Ivan.

" How did this happen? Where's Nathalie?" Tanong nya.

" I will answer all your questions later. Kalimutan muna natin pansamantala ang mga katanungang yan." Bulong ko kay Ivan.

Forever YoursWhere stories live. Discover now