Kabanata 32

1.3K 32 0
                                    


Nasa isang madilim na lugar ako. Inilibot ko ang mga mata ko sa paligid. May naramdaman akong tao sa likuran ko kaya marahas akong napalingon.

" Sino ka?! Nasaan ako?!" Sigaw ko.

Hindi ko makita ang mukha nya. Lumalapit lang sya sa akin kaya napaatras ako. Habang lumalapit sya umaatras naman ako. Takot ang nangingibabaw sa akin.

" Ano bang kailangan mo sa akin?! Sino ka?!" Muli kong sigaw.

" Mommy! Mommy help me!"

Tumingin ako kung saan nanggaling ang boses. Nakita ko si Calix na hawak ng isang nakamaskara ng itim at tinututukan nya ng baril sa ulo si Calix.

" Calix! Bitiwan mo ang anak ko!" Sigaw ko sa taong may hawak sa kanya.

Tatakbo na sana ako palapit kay Calix pero may humila sa akin.

" Bitiwan mo ako!" Sigaw ko.

Nanlaban ako sa taong may hawak sa akin pero malakas sya.

" Mommy help me!" Humahagulgol na sigaw ni Calix at iniaabot nya sa akin ang mga kamay nya.

" Calix!" Napahagugol na rin ako sa takot at pag aalala.

Maya- maya'y nakita ko naman si Ivan na hawak din ng isang nakamaskarang lalaki. Duguan si Ivan at nakatali ang kamay sa likod. Napaluhod sya at tumingin sa akin.

" Ivan!" Sigaw ko.

Nakita kong Binitiwan ng kung sinong nakamaskara si Calix at tumatakbo papunta sa akin. Pero bago makarating si Calix sa akin binaril sya ng nakamaskara.

" Noooo! Caliiiiix!" Sigaw ko.

Nakita ko naman si Ivan na tumayo at tumakbo papunta kay Calix pero binaril din sya ng nakamaskara. Bumulagta si Ivan sa tabi ni Calix.

" Ivaaaan!" Sigaw ko.

Itinulak ko ang taong nasa likuran ko at tumakbo ako palapit sa mag ama ko na naliligo sa sarili nilang mga dugo. Wala akong nagawa kundi sumigaw at humagulgol sa iyak.

Naramdaman ko na may yumuyugyog sa akin.

" Sweetheart, wake up!" Narinig ko ang boses ni Ivan.

Bumalikwas ako ng bangon, bigla kong niyakap ni Ivan.

" Si Calix! Nasaan si Calix?!" Tanong ko.

" Shhh! Calix was sleeping inside his room. Calm down sweetheart. Its just a bad dream." Pagkalma sa akin ni Ivan.

"Napanaginipan kong binaril si Calix ng taong naka itim na maskara. Binaril ka din daw. You both died in my dreams!" Histerikal kong sabi.

" Hindi mangyayari yon. Panaginip lang yon sweetheart." Sabi ni Ivan.

Pero hindi parin ako mapakali, kumalas ako sa pagkakayakap nya at bumaba ako sa kama.

" I need to see my son." Nag aalala kong sabi.

Lumabas ako ng kuwarto namin. Sinundan ako ni Ivan. Tinungo ko ang kuwarto ni Calix. Nakita ko ang anak ko na mahimbing na natutulog sa kama nya. Umupo ako sa kama nya at hinaplos ang noo nya. Naramdaman ko ang mga kamay ni Ivan sa balikat ko.

" See? He' s sleeping. Panaginip lang yon at malabong mangyari yon." Bulong ni Ivan sa tenga ko.

Hinawakan ko ang kamay ni Ivan habang pinagmamasdan ko ang anak namin na mahimbing na natutulog. Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng takot. Takot na mawala ang anak ko at takot na mawala si Ivan sa amin.

" Let' s go back in our room. Hayaan nating matulog si Calix." Aya ni Ivan sa akin.

Tumango ako. Pinagmasdan ko muna si Calix bago tumayo at sumama kay Ivan pabalik sa kuwarto namin.

Forever YoursWhere stories live. Discover now