Kabanata 19

1.3K 37 1
                                    

SPG

Tatlong araw na ako sa bahay ni Ivan.Nabigla ako ng tumawag ako sa parents ko at malaman ko na alam nilang nasa bahay ako ni Ivan.Ayaw parin akong makausap ni Daddy,kaya hinayaan ko nalang muna sya.

Nakaupo ako sa dining table at nagkakape.Hinihintay kong pumunta don si Ivan para makapagpaalam ako na lalabas.Pumasok sya sa dining at naupo.Tumayo ako at ipinagtimpla sya ng kape.Ganon ang ginagawa ko tatlong araw na.

Inilagay ko ang kape sa harapan nya.Saka na ako umupo sa upuan ko.

"Ivan,can I borrow your other car?"tanong ko.

Tumingin sya sa akin.

"Saan ka pupunta?"tanong nya.

"Ngayon kasi yung meeting namin ni Zeus.Hindi pwedeng hindi ako pumunta.Im still his employee."paliwanag ko.

"Anong oras ba ang meeting nyo?"tanong nya.

"10am."sagot ko.

"Oras ng uwi mo?"tanong ulit nya.

Napakunot na ang noo ko.Pati ba naman oras ng pag uwi ko.

"May curfew hours ba dito sa bahay mo?"pabiro kong tanong.

Salubong ang kilay nyang tumingin sa akin.

"Im just asking you kung ano oras ka uuwi."sabi nya.

"It depends on the meeting."sabi ko.

"Manang Letty!"tawag ni Ivan sa katulong.

"Doc?"tanong nito.

"Pakibigay kay Hera yung susi ng isang kotse ko."anya

"Sige po doc."sabi ng katulong.

Umalis sandali ang katulong,makalipas ang ilang minuto bumalik ito at inabot sa akin ang susi.

"Umuwi ka ng maaga."sabi nya.

"Okey!"sabi ko.

Tumayo ako at niyakap sya.

"Thanks bestfriend!"sabi ko.

Hinalikan ko sya sa pisngi saka na ako mabilis na umalis baka magbago pa ang isip nya.

Mabilis na natapos an tryg meeting namin sa kompanya ni Zeus.Niyaya nya muna ako sa factory kung saan ginagawa ang mga stilletos.

"This is the new collection I told you,Hera."sabi ni Zeus.

Ipinakita nya sa akin ang isang kulay gintong stilletos .May mga nakalagay na makikinang na bato sa lahat ng strap nito.

"Ang ganda,Zeus!"bulalas ko.

"Thats the new design of my wife.Two colors lang ang available nyan.Gold and white.She called this collections 'HERA'."anya.

"What?"takang tanong ko.

"Ikaw ang inspirasyon nya ng gawin nya ang design na yan.Sabi pa nya,beautiful inside and out."sabi nya.

"Over naman yang si Sabrina.but anyway pakisabi sa kanya,thank you."sabi ko.

"Makakarating."sabi nya na nakangiti.

"Hala,hindi ko napansin na ala singko na pala ng hapon."sabi ko habang nakatingin sa relo ko.

"Oo nga,ang bilis ng oras.Uuwi kana ba?"tanong nya.

"Oo sana e."

"Okey,tatawagan nalang kita ulit."sabi nya.

"Sige."sabi ko.

Hinatid nya ako hanggang sa tabi ng kotse.Pagsakay ko sa kotse pinaandar ko na ito at umalis.Sa kasamaang palad nakulong ako sa traffic na sinabayan pa ng malakas na ulan.

Forever YoursWhere stories live. Discover now