Kabanata 29

1.4K 43 1
                                    


After ng ilang oras sa ere, sa wakas nandito na kami sa Pilipinas. Karga ni Ivan si Calix na mukhang pagod na pagod sa biyahe.Nakita namin ang driver ni Ivan, sinalubong nya kami at kinuha ang mga dala naming bagahe.

Hindi alam ng Parents ko na ngayon ang uwi namin, ganon din ang parents ni Ivan. Balak namin silang sorpresahin.

Pagdating namin sa bahay, sinalubong kami ng mga katulong ni Ivan.

" Welcome back po Doc at Mam Hera." bati nila.

Ngumiti ako sa mga katulong.Natuon ang pansin nila kay Calix na nakatingin din sa kanila habang karga ni Ivan.

" Hi po." bati ni Ivan sa kanila.

Napatanga ang mga katulong kay Calix.

" He' s our son.His name is Calix." pagpapakilala ni Ivan kay Calix.

Ngumiti ang mga katulong.

" Wala pong duda na anak nyo sya Doc, kamukha nyo po e." sabi ni Letty.

Yumakap si Calix kay Ivan.

" Daddy, Im sleepy." sabi ni Calix.

Hinaplos ko ang buhok ni Calix. Napagod sya sa biyahe.

" Let him sleep, Ivan. Saan ba ang magiging kuwarto nya?" tanong ko kay Ivan.

" Doon sa katabing kuwarto ng kuwarto natin." sabi ni Ivan.

" Sa nursery room?" tanong ko.

Nilingon nya ako at parang nagtataka sa sinabi ko.

" Nakita mo ang nursery room?" tanong nya.

Tumango ako. " I was looking for you that time, doon ako napadpad kaya alam kong may nursery room doon." paliwanag ko.

" That room remains nursery room, yung una mong naging kuwarto ang pinaayos ko para maging kuwarto ni Calix. They transfer all your things in our room." anya saka na naglakad.

Sumunod naman ako sa kanya.Binuksan nya ang kuwarto at napanganga ako ng makitang ibang iba na ang hitsura ng kuwarto. Kulay blue na ang pintura ng kuwarto, Ang bed ay pambata na at superman ang nakalagay na print sa bedsheet. Marami na ring nakadisplay na laruan.

Naglakad ako patungong walk in closets at tiningnan ang iilang mga damit na nakalagay don.Nilingon ko si Ivan na kasalukuyang ibinababa ang tulog nang si Calix sa kama.Nilapitan ko sya.

" You did' nt tell me about this room." sabi ko.

" Pinarush ko lang ang pagpapaayos nito. Gusto ko kasi na kapag dumating tayo, ready na ang kuwarto ng anak natin." anya.

Inikot ko ang paningin ko sa buong kuwarto.

" Calix will love his new room, but he will surely miss Lindy." sabi ko.

Tiningnan ko si Calix na mahimbing na natutulog.

" Bradley told me that they will go home next month. Alam na ng family nya ang tungkol kina Liya at Lindy." sabi nya.

Napatingin ako sa kanya. Walang nabanggit sa akin si Bradley tungkol doon.

" They did' nt told me about that." sabi ko.

" Sa akin sinabi ni Bradley. They will prepare their church wedding here in the Philippines habang hindi pa malaki ang tiyan ni Liya." sabi ni Ivan.

" Mabuti naman at ayos na ang lahat." sabi ko.

" Let' s go in our room to take a rest. Bukas na lang tayo pupunta sa parent' s mo." sabi nya.

" What about Tito and Tita? They already know about us?" tanong ko.

Forever YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon