Kabanata 35

1.2K 31 2
                                    


Puting kisame ang una kong nakita ng imulat ko ang mga mata ko. Ilang minuto ang pinalipas ko bago ko naalala ang lahat. Anong nangyari sa baby ko?

Luminga ako sa paligid. Nakita ko si mommy.

" Mom.."

Tumingin sa akin si mommy at mabilis akong nilapitan. Hinawakan nya ako sa kamay.

" Magpahinga ka muna anak. Nanghihina ka pa."

" Mommy ang baby ko? Okey lang sya mommy diba?" Tanong ko sa mommy ko.

Naibsan ang pangamba ko ng tumango sya.

" Okey lang ang baby mo. Makapit sya, pero kailangan mo parin syang alagaang mabuti. Kaya magpahinga kana muna." malambing nyang sabi habang hinahaplos ako sa buhok.

Bigla kong naalala si Calyx. Bumangon ako. Nag aalala namang inalalayan ako ni mommy.

" Anak huwag ka munang bumangon. You need to rest." Pigil ni mommy sa akin.

" Mommy si Calyx. Kinidnap sya ni Nathalie. I need to save my son!"

Bakas sa mukha ni mommy ang pag aalala. Ganon din ako. Hindi pwedeng mahiga lang ako dito.

" Hera ginagawan na ng paraan ni Ivan para iligtas si Calyx. Nandon din ang daddy mo at ang daddy Brenan mo. Kailangan mo munang magpahinga pansamantala." Payo ni mommy sa akin.

" Calyx needs me mommy. Baliw na si Nathalie kaya delikado ang lagay ng anak ko sa mga kamay nya!"

" Hera please listen to me. I know how you feel but please think about the baby in your womb!" Pagpupumilit nya sa akin.

Napaiyak na ako sa frustration. Naghalo halo na ang nararamdaman ko. Niyakap ako ni mommy.

" Mom please gusto kong lumabas dito. I want to go home. Please mommy." pagmamakaawa ko kay mommy.

" Okey, uuwi tayo ngayon. Just promise me you will take care the baby."

Tumango ako.

Nang makauwi kami sa bahay namin ni Ivan, nadatnan ko si Daddy doon. Pati na ang magulang ni Ivan. Nandoon din si Loraine at ang daming pulis at mga hindi unipormadong lalake.

Nakita ko si Ivan na kinakausap ang mga pulis kasama si daddy. I saw in his face that he' s so worried. Dumako ang mga mata nya sa akin. Mabilis syang tumayo at nilapitan ako.

" Sweetheart, bakit umuwi ka? You need to stay in the hospital." Anya.

" No, Im okey now. Tumawag na ba ulit si Nathalie? How' s Calyx?" Sunod sunod kong tanong.

" Hindi pa sya tumawag." Sagot ni Ivan sa akin.

Nakita ko si Yaya Mila na may benda sa braso at pati sa ulo. May bahid ng dugo ang benda nya na nasa kanang balikat nya. Sya ang kasama ni Calyx sa School bago sya makidnap. Nag aalala akong lumapit kay yaya.

" Yaya.." lumuhod ako sa harapan nya tsaka ko sya niyakap habang umiiyak.

" Patawarin mo ako anak, hindi ko nailigtas si Calyx. Mabilis ang mga pangyayari. Basta na lang may van na huminto sa harapan namin tapos hinila si Calyx. Pinalo nila ako ng baril sa ulo tapos binaril nila ako. Wala ng nagawa yung mga bodyguard dahil nakalayo na yung van na tumangay kay Calyx." Kwento ni yaya sa pagitan ng mga hikbi nya.

" Im glad youre okey yaya. Hindi mo kasalanan ang pagkawala ni Calyx. Talagang baliw na si Nathalie." sabi ko kay yaya.

" Dr. Del Fiero, ano pong plano nyo? Kung tatawag ulit si Dra. De Castro sino ang ipapalit sa anak nyo?"

Forever YoursWhere stories live. Discover now