Kabanata 13

1.2K 35 0
                                    


Sa Condo ko ako nagpunta.Alam kong wala don si yaya.Nagmadali akong nagbihis at nag impake ng damit.Kinuha ko ang passport ko at ilang mahalagang gamit saka na ako umalis.Sumakay ako ng taxi at nagpunta sa airport.

Sa Hongkong ako unang nagpunta.Alam kong malalaman ni Daddy kung saan ako pupunta dahil sa koneksyon nya sa airport dito sa pilipinas.Pagdating ko ng hongkong doon na lang ako bibili ng ticket papuntang New York.Hindi na malalaman ni Daddy non kung saang bansa ako pupunta dahil wala syang koneksyon sa airport ng hongkong.

Pagkarating ko sa New York nag check in muna ako sa isang hotel doon habang naghahanap ng matitirhang condo.Malamig dito ngayon dahil winter season.Nagpasya akong mamasyal sa may Time square.Nakakainggit ang mga naglalakad na may kapareha.

"Hmp!maghihiwalay din kayo."bulong ko sa sarili ko.

Iniiwas ko ang tingin ko at nagsimula na ako ulit maglakad.Nag angat ako ng tingin para tingnan ang dadaanan ko.Napahinto ako sa paglalakad ng makita ko kung sino ang makakasalubong ko.Para din syang binuhusan ng malamig na tubig ng makita ako.Ibinaling ko ang mga mata ko sa babaeng inaakbayan nya.

Nakita ko ang babaeng nagtatakang tumingin sa kanya dahil sa paghinto nito sa paglalakad.Pagkatapos ay tumingin ito sa harapan at nagulat din sya ng makita ako.

She know me base sa reaksiyon nya!

"Bradley.."naiusal ko.

Hindi ako kumilos sa kinatatayuan ko.Nag aalangan silang lumapit sa akin.Nang makalapit sila nakita kong hinawakan ni Bradley ang kamay ng babae ng mahigpit.Napatingin ako sa mga kamay nilang magkadaop saka ko iniangat ang mga mata ko kay Bradley.Saka ko tiningnan ulit ang babae,yumuko ito at hindi ako matingnan ng diretso.Tumingin ulit ako kay Bradley.

"Hera,Im sorry."sabi ni Bradley.

"Maybe you should invite me to your place so we can talk.Its freezing cold here."sabay tingin ako sa babae.

"O-okey.Malapit lang dito ang building kung nasaan ang condo namin.We can walk."nag aalinlangang sabi ni Bradley.

"Lead the way then."sabi ko.

Nauna silang naglakad at nakasunod lang ako.Nang makarating kami sa condo nila ay pinaupo nila ako.

"Ma-maupo ka.Gagawa lang ako ng kape."sabi ng babae.

"Hot milk will do,bawal ako sa kape."sabi ko.

"Ah,okey."she shyly said.

"Dont take too long,we need to talk."I said with a firm tone.

Tumango sya saka na pumunta sa kusina.Tumingin ako kay Bradley.Nakatingin lang ito sa akin at mukhang nananantiya.Sumandal ako sa sofa.Ilang minuto lang pumasok na sa sala ang babae at may dalang tray.Pagkatapos nyang maiabot ang gatas sa akin,naupo na sya sa tabi ni Bradley.

"So She's the reason why you didnt appeared in our wedding day?"I asked him calmly.

"Hera,Im so sorry."sabi ni Bradley.

Bumuntong hininga ako,Kahit anong kapa ko sa damdamin ko wala akong makapang galit para kay Bradley.

"She's working for Zeus Macapagal here in New York as his Secretary.Nang minsang bigyan ako ng project ni Zeus dito lagi ko syang nakikita dahil sya ang laging inuutusan ni Zeus to give all the important documents to me.At kahit anong pigil ko sa nararamdaman ko,I still fall for her."

Tahimik akong nakikinig kay Bradley.And what a co-incidence dahil kilala ko din si Zeus.Kelan ko lang din sila nakita sa Baguio.

"Pag uwi ko ng Pilipinas naisip ko na yayain kanang magpakasal dahil akala ko kung maikakasal ako sayo mawawala ang nararamdaman ko para sa kanya."dagdag nya.

Forever YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon