Kabanata 24

1.3K 36 0
                                    


Magkaharap kami ni Daddy,nakaupo ako sa isang upuan at siya sa wheelchair.

"Thank you."yon ang narinig kong sinabi ni daddy.

Napatingin ako sa kanya.My mom was sitting beside him.Hinawakan ni Daddy ang mga kamay ko.Nag umpisa ng mamuo ang mga luha ko.

"Thank you at muli mong ibinabangon ang kumpanyang ito.Im so sorry dahil napabayaan ko ito.Hindi ko akalain na magkakaganito kapag itinigil ko ang pag export ng mga produkto natin.Pinabayaan ko ito,nagmalaki ako anak.Im really sorry."anya.

Tumingin ako sa daddy ko.Umiiyak sya.

"Dad please dont cry.I know its my fault.Iniwan ko kayo because of my selfish reason.Iniangat ko ang kumpanya ng iba sa New York at napabayaan ko ang sa atin.Im sorry dad.I promise that I will do all my best to take it back to the top."sabi ko habang tumutulo ang luha.

"I know you can do that my princess.I believe in you."anya.

I hugged my daddy so tight!Nakiyakap narin si Mommy.

"I love you dad,I love you mom."sabi ko.

"Love you too."sabay nilang sambit.

"Kelan mo balak sabihin kay Ivan ang tungkol kay Calix?"tanong ni Daddy.

"Kumukuha lang po ako ng tiyempo.Sasabihin ko rin sa kanya kapag okey na po ang lahat."Sabi ko.

"Tell Diane na papasukin dito si Ivan."sabi ni Daddy.

"Dad?"tanong ko.

"Dont worry I will not tell him about Calix."sabi niya agad.

Nakahinga ako ng maluwag.Tinawagan ko si Diane at sinabing papasukin don si Ivan.Ilang minuto lang pumasok na si Ivan.

"Sit down,iho."sabi ni Daddy.

Seryoso munang tumingin si Ivan sa akin bago umupo.

"Gusto kitang makausap tungkol sa anak ko."panimula ni Daddy.

Tumango naman si Ivan,saka ako muling tiningnan.Nagtama ang paningin namin.Tumingin ulit siya kay Daddy.

Parang nag usap sila sa pamamagitan lamang ng tinginan.Bigla akong tiningnan ng daddy ko.

"Hera,can you please leave us for a while?"sabi bigla ni Daddy.

"Ha?W...why?You can talk while I'm here.Right Mom?"sabi ko.

"Sige na anak.Just leave us for a while.We need to talk with Ivan."sabi din ni mommy.

"But Mom-"

Hinawakan ni Ivan ang kamay ko.Napatingin ako sa kanya.

"Sige na.Pupuntahan nalang kita sa office mo pagkatapos ko dito."sabi nya.

"Nakakainis naman!"sabi ko.

Inis akong tumayo at lumabas ng conference room.Nakasimangot ako na pumunta ng office.

"Miss Hera bakit umalis ka na don?"tanong ni Diane.

"They dont want me to be there!Ayaw nilang marinig ko ang pag uusap nila."inis kong sabi kay Diane.

Pumasok ako sa opisina ko at naabutan ko don ang mga bagong stockholders ng kumpanya.Ngumiti ako sa kanila.

"Paano ko ba kayo mapapasalamatan?"tanong ko sa kanila.

Ngumiti ang mag asawang Zeus at Sabrina sa akin.Hinawakan ni Sabrina ang kamay ko.

"Hera,you're the reason why our business is on the top.Ito lang ang alam naming paraan para makapagpasalamat sayo.No need to say thank you to us."ani Sabrina.

Forever YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon