Kabanata 36

1.2K 34 0
                                    


Two month after...

Bumalik kami ni Calyx dito sa New York gaya ng ipinangako kay Nathalie. Madalas magtanong si Calyx tungkol sa ama. Sabi ko ay wala na akong balita tungkol sa Daddy nya simula ng sumama ito kay Nathalie.

Halos dalawang linggo'ng nanaginip ng masama si Calyx. Madalas nyang mapanaginipan ang naranasan nya sa kamay ni Nathalie. Bigla na lang syang sumisigaw at umiiyak sa kalagitnaan ng tulog.

Sina Bradley at Liya ang muli kong naging katuwang dito sa New York. Inilihim namin ang lahat ng nangyari sa mga taong nakakakilala kay Nathalie at Ivan.

Nagmumuni muni ako sa balkonahe ng bahay nila Bradley at nakatingin lang ako sa  puting snow na nagkalat sa paligid. December na, sa huling linggo ng buwan na to dapat ang kasal namin ni Ivan.

" Hera." Narinig kong tawag ni Bradley.

Lumingon ako at nakita ko silang mag asawa. Kadarating lang nila galing sa trabaho.

Ngumiti ako at lumapit sa kanila.

" Dumating na pala kayo." Sabi ko.

Sabay beso sa kanila. Nakatingin sa akin si Bradley kaya napansin kong may gusto silang sabihin sa akin.

" May gusto ba kayong sabihin sa akin?" Tanong ko.

" Maupo muna tayo at gagawa ako ng hot chocolate." Singit naman ni Liya.

Naupo kami sa may dining table ni Bradley habang gumagawa naman ng hot chocolate si Liya.

" Nagpa imbestiga ako doon sa pilipinas without asking your permission." Umpisa ni Bradley.

" And?"

" Nalaman ng tao ko doon na one month after na sumama si Ivan kay Nathalie ay nakabalik na sila. Si Ivan ay bumalik sa condo at doon tumira. Si Nathalie ay bumalik din sa trabaho." Kwento ni Bradley.

Natuwa ako sa narinig na nakabalik ng buhay si Ivan at hindi siya ginawan ng masama ni Nathalie.

" Did they get married?" Tanong ko.

Tumango si Bradley. Yun na yata ang pinakamasakit na katotohanang narinig ko sa buong buhay ko kaya hindi ko napigilan ang pagpatak ng mga luha ko. Mabilis ko itong pinunasan ng maramdaman ko ang paghagod ni Liya sa likuran ko.

" But nobody knows that they got married. Mga pictures lang nila sa harap ng mayor ng Ilocos ang nakakapagpatunay na ikinasal sila doon." dagdag ni Bradley.

Umupo si Liya sa tabi ko.

" Pero walang records na ikinasal silang dalawa." Si Liya.

Naguguluhan akong tumingin sa kanilang dalawa.

" What do you mean?" Tanong ko?

" Sinubukan kong magpakuha ng marriage contract nila Ivan at Nathalie pero walang record. May nakita silang marriage contract na nakapangalan kay Ivan pero hindi sya kay Nathalie kasal." sabi ulit ni Bradley.

" Kanino sya naikasal kung hindi kay Nathalie?" Tanong ko.

Iniabot sa akin ni Bradley ang isang papel na galing sa dala nyang brown envelope.

" Yan ang marriage contract ni Ivan." sabi ni Bradley.

Kinuha ko yon at binasa.

Hera Athena Rivera Villafuente

I am married to Ivan! Pero bakit pangalan ko ang nakalagay sa marriage contract nya kung si Nathalie ang pinakasalan nya?

" This is my name but this is not my signature. Valid ba to?" Tanong ko kay Bradley.

Forever YoursWhere stories live. Discover now