Kabanata 37

1.2K 36 2
                                    


Dalawang linggo ng nakakulong si Nathalie. Sabi ng mga pulis madalas daw syang umiiyak. Karma nya na yon. Siguro naiisio nya ang mga pinag gagawa nya. Inuusig na siguro sya ng konsensya nya. Iuuwi din sya sa Pilipinas para doon makulong at dinggin ang kasong isinampa ko laban sa kanya.

Dalawang araw mula ngayon ay ang nakatakdang dapat sana ay kasal namin ni Ivan. Tumingin ako kina Bradley at Liya na katabi ko sa isang upuan. Naglalaro naman sina Calyx at Lindy sa upuan na nasa tabi ko. Hinihintay namin ang oras ng flight namin pauwi ng Pilipinas.

" Dapat hindi ka na sumama Liya. Baka doon ka pa mapaanak sa Pilipinas." Sabi ko.

" Next month pa ang duedate ko noh. Nakabalik na ako non dito sa New York. Tsaka miss ko na ang pamilya ko. 8 Years ko na silang hindi nakikita." Anya.

Lalake ang magiging second baby nila ni Bradley. Ngayon ako naniniwala na pwede mo palang maging matalik na kaibigan ang ex mo.

" Oy,bakit nakatingin ka sa asawa ko ha? Dont tell me inlove kana sa kanya ngayon?" Birada ng atribidang si Liya nf mahuli nya akong nakatingin kay Bradley.

Bahagya kong hinila ang buhok nya. Kaya napa aray sya.

" Bruha! Kung may gusto ako sa asawa mo sana noon ko pa yan inakit!" Sabi ko.

" Sabi ko nga e diba? Bakit kasi nakatingin ka?" Anya.

" Im just thinking na pwede palang maging matalik na kaibigan ang ex. Isabit mo pa ang babaeng naging dahilan ng hindi nya pagsipot sa Altar." Sabi ko.

Inirapan ako ni Liya.

" Mabait ka naman kasi. Tsaka, ewan ko ba at parang kapatid na ang turing ko sayo." Sabi ni Liya.

" Naku tumigil na kayong dalawa baka mamaya nyan e magka iyakan na naman kayo." Singit ni Bradley.

" KJ." sabay naming sabi ni Liya kay Bradley,saka kami nagtawanan.

" Nga pala Hera, nakaisip kana ba ng ipapangalan mo sa baby boy namin?" Tanong ni Liya.

Tumango ako.

" DUSTIN BRAYDEN. Dustin means protector and Brayden means brave."

Hinaplos ko ang tiyan ni Liya.

" He will be your brave protector." Sabi ko at nagulat kami ng gumalaw ang bata sa loob ng tiyan ni Liya.

" Wow! He likes his name." Natatawang sabi ni Liya.

" Brayden will be his nickname." Sabi ni Bradley.

Lalo pang gumalaw ang bata na syang ikinatuwa namin. Naisip ko tuloy kung ano ang gender ng baby na nasa tiyan ko ngayon.. two months pregnant na ako at hindi ako masyadong maselan maglihi ngayon, hindi tulad nung si Calyx ang ipinag bubuntis ko.

Narinig namin ang announcement sa airport at pinasasakay na kami sa eroplano.

" Calyx, Lindy lets go." Tawag ko sa dalawang bata.

Hinawakan ko sa kamay si Calyx, binuhat naman ni Bradley si Lindy. Pumila na kami para makasakay ng eroplano pauwi ng Pilipinas.

Pagdating namin sa Pilipinas, sa bahay ng parents ko kami tumuloy ni Calyx. Sina Bradley naman ay umuwi sa parents nya para maipakilala na ng personal si Liya at Lindy.

" Hera?"

Nanlaki ang mata ng mommy ko ng makita nya kami ni Calyx.

Yumakap kami ni Calyx sa kanya. Nasa mukha ng mommy ko ang pag aalala.

" Anong ginagawa nyo dito? Bakit kayo bumalik dito? Delikado kayo kapag nakita kayo ni Nathalie!" Nag aalalang sabi ni mommy.

" Mom, dont worry. Hindi na kami makikita dito ni Nathalie. Just promise me na aattend kayo ni Daddy sa wedding nila ni Ivan the day after tommorow." Sabi ko kay mommy.

Forever YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon