Kabanata 30

1.4K 37 1
                                    


Bumalik na ulit ako sa trabaho ganon din si Ivan. Ibinigay narin ng mga magulang namin ang blessings nila para magpakasal na kami. Kinuha ko si Yaya sa bahay para mag alaga kay Calix.

Paggising ko ng umaga ngayong araw ay hindi ko na nakita si Ivan sa tabi ko. May nakita akong isang tangkay ng red rose sa higaan ko. Kinuha ko yon at napangiti ako habang inaamoy ko yon.Araw araw na lang nya akong binibigyan ng bulaklak.

Bumangon ako sa kama at inilagay ko ang rose sa vase na may mga rosas din. Tumunog ang cellphone ko. Napakunot ang noo ko ng mabasa ko ang pangalan ni Ivan sa screen ng cellphone ko.

" Hello." sagot ko.

" Good morning sweetheart. Akala ko tulog ka pa." sabi nya.

" You' re in the hospital already?" tanong ko.

" Yes sweetheart. I did' nt wake you up because I know you' re tired." anya.

" Iiii! Ivan why you did' nt wake me up? Who prepared your breakfast?" tanong ko.

Narinig ko syang tumawa sa kabilang linya.

" Sweetheart dont worry about that, Manang Letty prepared for me." anya.

" Bakit ba kasi ang aga mong umalis? May emergency ba?" tanong ko.

" Wala naman, May inaasikaso lang akong importanteng bagay. Magbihis ka na. Calix will wake up anytime soon." sabi nya.

" Okey." sagot ko.

" Ingat sa pagdrive pagpasok mo sa trabaho. I love you." habol pa nya.

" Opo doc, I love you too po doc." biro ko.

Narinig ko syang humalakhak sa kabilang linya, napangiti na rin ako.

" Silly girl. See you later." anya bago nya putulin ang tawag.

Para akong tanga na hinablot ko ang unan at niyakap ng mahigpit. Oh God! Im madly inlove with him, I cannot imagine my life without him. He makes me fall in love with him everyday.

Masaya akong bumangon at naligo. Inasikaso ko muna si Calix bago ako umalis papuntang opisina.

Pagpasok ko sa building ay binati ako kaagad ng mga empleyado ko. Nakangiti din akong bumati sa kanilang lahat. Magmula ng naipakilala ko sa lahat si Calix at nagkaayos na kami ni Ivan naging magaan na ang pakiramdam ko. Nawala ang bigat na nakadagan sa dibdib ko na tiniis ko ng limang taon.

" Good morning Ms. Hera." bati ni Diane sa akin.

" Good morning Diane. Good morning baby ganda." sabi ko saka ko hinawakan ang umbok ng tiyan ni Diane.

" Ay! Sumipa sya Miss Hera!" sabi ni Diane.

" Nakakatuwa kapag ganyang sumisipa. Alam mo na ang gender nya?" tanong ko.

" Baby girl, Miss Hera." sagot ni Diane.

Natuwa ako para kay Diane, seven months pregnant na sya.

" Congrats, what will be her name?" tanong ko.

" Ehra Cassandra, I take your name Miss Hera. Inuna ko lang yung E sa H. I want my daughter to be like you Miss Hera." anya.

" Pano nyan e pasaway ako dati." biro ko sa kanya.

Ngumiti lang sya sa akin.

" Pasaway ba yung laging nangunguna sa klase? Valedictorian nung elementary at high school, Cumlaude naman nung collage? Swerte si Doc Ivan sayo Miss Hera. Beauty with a brain and a kind hearted woman. Calix is also lucky to have a mother like you." sabi nya.

Forever YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon