Kabanata 23

1.3K 36 0
                                    


Pagsakay namin sa kotse nya,nakasimangot sya at hindi nya ako pinapansin.Tahimik lang syang nagmamaneho.

"May problema ka ba?"tanong ko.

Sinulyapan lang nya ako sandali saka muling tumingin sa daan.Alam ko na kung ano ang pinagkakaganito nya.He dont want what I wear in the show.

Tiningnan ko ang kamay ko kung saan nakasuot ang singsing na binigay nya kagabi.

"Ang ganda ng singsing na binigay mo noh?Twing tatamaan ng ilaw kaninang rumarampa ako kumikinang sya.Ang daming lalaking nanonood na nanghinayang.Taken na daw kasi ako.Nakita kasi na suot ko to."pambobola ko sa kanya.

Hindi pa rin sya kumikibo.Tumingin ako sa kanya.Seryoso syang nakatingin sa daan.

"Ivan,papayagan mo ba akong bumalik sandali sa New York?May kailangan lang kasi akong tapusin don e."kulit ko ulit sa kanya.

Hindi parin nya ako pinapansin.Sinulyapan ko ulit sya.Galit talaga sya.Kaya nanahimik na lang ako hanggang makarating kami sa bahay.

Dumiretso ako sa kuwarto para maligo.Sya hindi ko alam kung saan dumiretso.Paglabas ko ng banyo wala parin sya sa kwarto.Pinatungan ko ng silk robe ang suot kong nighties saka ako bumaba.

Hindi ko sya nakita sa sala,nagpunta ako ng kusina at naghanap ng makakain.Ginutom ako.Gumawa ako ng sandwich at juice.Tahimik akong kumakain sa kusina.Itinext ko si Ivan.

Me: Hey!where are you?

Lumipas ang ilang minuto pero hindi sya nagreply.Uminom ako ng juice at nagpasya ng umalis sa kusina.Umakyat ako sa taas at binuksan ang kuwarto nya.Wala sya doon.Wala din sya sa guest room.Sinubukan kong buksan ang pintuan ng isang kuwarto katabi ng tinutuluyan ko dating guest room.Napanganga ako sa nakita ng buksan ko ang ilaw.

Its a nursery room!Kulay puti ang lahat ng baby stuff na nandon.Pang unisex color.Wala sa loob na hinaplos ko ang crib.Naisip ko na hindi man lang nagamit ni Calix ang mga ito.

Sinusundot ako ng konsensya ko.Mabilis kong pinatay ang ilaw at lumabas ako ng kuwartong yon.Naglakad ako palayo doon at mabilis akong pumasok sa kuwarto ni Ivan.

Naabutan ko na don si Ivan na bagong ligo at nakabihis na ng tshirt na puti at boxers short.

"Saan ka nagpunta kanina.Hinanap kita sa baba."sabi ko sa kanya.

Hindi nya ako kinibo.Nakaupo lang sya sa dulo ng kama.

"Nakakainis kana Ivan!Bakit ba ayaw mo akong kausapin ha?!"sigaw ko.

He look at me with furious eyes.Biglang umurong ang dila ko.

"S...sige matulog na ako.Goodnight."sabi ko.

Dumaan ako sa harapan nya.Napatili ako ng bigla nya akong hinaklit at pinaupo sa kandungan nya.

"Ivan!"

"Why you did'nt tell me na ikaw ang magmomodel ng mga sapatos na yon ha?"mahina pero gigil nyang sabi.

"Biglaan lang yon.Hindi nakapunta yung model kaya napilitan akong palitan sya."paliwanag ko.

"Sobrang ikli pa ng mga suot mo.And with matching flying kiss?What the hell,Hera.."anya.

"Atlis ikaw lang ang kinindatan ko."pabiro kong sabi.

"So,Do I need to thank you for doing that huh?"tanong nya.

"Ivan naman,masyado ka namang conservative.Dapat nga proud ka sa akin."sabi ko.

"Ah,Do you want me to be proud of you by exposing your body to everyone?"nang uuyam nyang tanong.

"Its not what I mean.What do you want me to wear?blanket?So I can cover all my body?"naiinis kong tanong.

Forever YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon