Kabanata 28

1.5K 41 0
                                    

After two weeks of living in New York with Ivan, Naging maayos sa amin ang lahat.Sinusulit namin ni Calix ang bakasyon ni Ivan. Two weeks from now,uuwi na kami ng Pilipinas kasama si Calix.

Two weeks naring hindi lumilipat sa condo ko sina Bradley at Liya. Ayaw muna siguro nila kaming istorbohin.

"Sweetheart napaliguan ko na si Calix." Sabi ni Ivan.

Kalalabas lang nilang mag ama galing sa kuwarto ni Calix.

" Wow, pakiss nga ako baby Calix." sabi ko.

Nilapitan ko si Calix at hinalik halikan sa pisngi.

" Ang bango naman ng baby ko! " sabi ko.

Humagikgik lang si Calix sa ginawa ko. Nang bitawan ko sya ay tumakbo na sa sala at naupo sa sofa saka na nanood ng tv.

" Ako walang kiss na ganon?" Tanong ni Ivan.

Tumingin ako sa kanya.

" Bakit? amoy baby ka ba?" pabiro kong tanong.

" Oo naman! Amuyin mo pa!" biro nya.

Napahagikgik na lang ako sa kanya.

" Ay ewan ko sayo!" sabi ko.

Tumunog ang doorbell. Naglakad si Ivan para buksan ang pinto. Pamilya ni Bradley ang napagbuksan ni Ivan.

" Papa! Mama! Lindy!" sigaw ni Calix.

Tumakbo si Calix at sinalubong sila. Binuhat ni Bradley si Calix, lumapit naman ako sa kanila.

" I miss you little boy!" sabi ni Bradley

" I miss you too, papa. And mama Liya also and Lindy." madaldal na sabi ni Calix.

" Bradley...Liya..." sabi ko.

Humalik sa akin si Liya pati si Bradley.

" Hi Mama!" bati ni Lindy sa akin.

Yumuko ako at hinalikan ko si Lindy.

" How are you my lovely princess?" tanong ko.

" Im fine, Mama." sagot ni Lindy.

" Ivan." sabi ni Bradley at inilahad ang kamay.

Inabot naman yon ni Ivan.

" Good to see you again, Bradley." ani Ivan.

Nakita naming lumapit si Lindy kay Ivan at hinila nito ang laylayan ng damit ni Ivan. Napatingin dito si Ivan.

" Hi po." bati ni Lindy.

" Hi, Lindy.How are you?" tanong ni Ivan.

" Im fine, Papa." ani Lindy.

Nagkatinginan kaming lahat, pero si Ivan nakatingin lang kay Lindy.

" Papa?" tanong ni Ivan.

" You're Calix dad, And Calix called my Daddy,Papa.So I will call you also Papa. Is that okey?" tanong ni Lindy.

Ngumiti si Ivan at tumango kay Lindy.

" Okey." sabi ni Lindy.

" Lindy lets watch Tv!" sabi ni Calix saka na hinila sa kamay si Lindy.

Nasundan nalang namin ng tingin ang dalawang bata.

" Dito na kayo magdinner." sabi ko sa kanila.

" Sige." sagot ni Liya.

" Liya, help me cook our dinner." sabi ko kay Liya.

" No, problem." sabi ni Liya.

" Let's have some coffee in the kitchen, Bradley. Para matulungan din natin sila." ani Ivan.

Forever YoursWhere stories live. Discover now